Truth

1227 Words
Patuloy lang ako sa paghikbi habang nakatakip ang mukha ng unan. Sobra sobra na si papa! Matatanggap ko pa ang ibang pangiinsulto nya pero ang pagsasabi na malandi ako at si mama ay hindi na katanggap tanggap! Ang sakit sakit ng dibdib ko. Mula rito sa kwarto ay rinigg ko pa ang hagulgol at pagmamakaawa ni mama kay papa na wag akong saktan. Matapos malaman ni papa ang nangyari kanina sa tindahan. Sobrang wala na sa lugar ang galit nya. Hindi nya ako hinahayaang magpaliwanag! Pakiramdam ko ay may pinanghuhugutan sya at saakin nya lahat nilalabas ng galit at lungkot nya. Naalala ko pa noon na ang dami nyang sinasabi na wala namang connect sa nangyari saakin. Pinagagalitan nya ako sa pagkakamaling hindi naman akin. Hindi ko pa maintindihan noon pero ngayon ay alam ko na. "Katulad ka rin lang ng ina mo! Ang landi landi nyo! Mag ina nga talaga kayo!" gigil na sigaw nya saamin. Si mama ay lumuluha na at nakahawak pa sa dibdib, parang nasasaktan ng sobra. Sobra na ang galit ko kaya hindi ko na mapigilang magsalita. "Ano bang pinagsasabi mo?! Palagi mo nalang dinadamay si mama! At ano?! Napakawala sa lugar ng galit mo! Akala mo ba ay hindi ko alam karumihan mo?! Alam ko lahat ng sikreto mo--" sinampal nya ako ng malakas, natumba pa ako at napaharap sa kanan ang mukha ko. Nagiinit ang kaliwang pisngi ko sa sakit at naluluha ang kaliwang mata ko. " Anong karapatan mong pagsabihan ako nyan gayong hindi naman kita tunay na anak?!" sigaw nya sa mukha ko at dinakwot na ang kwelyo ko. Hayop ginawa akong lalaki! Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Hindi nya ako tunay na anak? Napatingin ako kay mama at binigyan sya ng nagtatanong na mata. Napaluhod lang sya at bumubulong ng paghingi ng tawad. Sabagay.. Hindi na nakakapagtaka yun. Ganito ba naman ituring? Anak pa ba tingin mo 'non? "At ano namang karapatan mo na gawin yan sakin gayong hindi naman pala kita kaano ano?" sarkastikong sabi ko sa kanya at ngumisi pa ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat at galit. Totoo naman ah? Tanga ba sya o ano? "Kahit man nga pamangkin mo, di mo ko maituring e." dagdag ko pa. Nabitawan nya ako sa gulat at nanghihinang napahakbang paatras. Nginisihan ko sya. "Sabi ko naman sayo, e. Alam ko lahat ng sikreto mo." maangas na sabi ko. Matagal ko nang alam ang lahat. Sobrang sakit lang talaga. Bata pa lang ako ay madalas ng pag awayan nila mama't tito to. Na kesyo inakit daw ni mama si papa kaya pinagsamantalahan sya at nabuo ako. Hayop mag isip! Napagsamantalahan na nga si mama ng kapatid nya, kapatid nya pa rin na r****t ang kinampihan nya! Natauhan ako nang makarinig ng katok. "Tita Feli?!" patuloy pa rin sa pagkatok. Maya maya ay nakilala ko rin ang boses. Si cedric, pinsan ko sa side ni mama. Bumangon ako agad at nag ayos ng sarili. Ramdam ko ang pagkahapdi ng mata ko kaya siguradong mugto pa to. Di bale na! Kaysa katok ng katok baka mabulabog pa si papa-- tito at magwala nanaman! Pinagbuksan ko sya ng pinto. "Oh? Bakit? Natutulog si mama, e. Gisingin ko ba?" kaswal na tanong ko. Nakakunot ang noo nya na nakatingin sa mata ko. Napaiwas ako ng tingin. Alam nya na ibig sabihin 'non at alam nyang ayaw na ayaw ko ng tinatanong tanong. "Ah.. H-hindi na sige. Pinapasabi lang ni mama na bukas daw ay kung pwede e pasama sya sa palengke 5 ng umaga. Marami raw kasing bibilhin e." naiilang na sabi ni cedric. Tumango tango ako. "sige sige sabihan ko si mama." nakangiting sagot ko. Gusto kong ipakita na okay ako. Paniguradong makakarating nanaman to kila tita lia, mama ni cedric, yung pagiyak ko na may conclusion nang nabubuo sa utak nila. Napailing iling si cedric na tila dismayado habang nakatingin saakin kaya napayuko nalang ako. Kahit na hindi nya sabihin, alam kong pinipigilan nya lang sarili nya na magtanong dahil maiinis lang ako at palalayasin sya. "Osiya sige. Mauuna na ako. Pupunta ako dito bukas, ah? Dalhin ko si Micmic at macky." nakangiti, nagpapagaan nyang sabi. Masaya akong tumango tango bilang tugon. Pag nandyan kasi sila, nahihiyang magsabi sabi si papa--- tito. Ginulo nya ang buhok ko saka sya umalis. Nang pagkalingon ko ay nabigla ako nang makita si papa-- tito. Tumikhim sya at naiilang na linampasan ako. Nang hindi ko na sya matanaw ay sinara ko na ang pinto at bumalik ako sa kwarto. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ka-awkward yun pero okay lang. Parang mababawasan na ang paninigaw nya dahil wala na syang karapatan saakin. NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ako ng nagsisigawan. Sino pa ba? Edi si mama't tito! "SIGE LUMAYAS KA! AT HUWAG NA WAG KA NANG BABALIK! SA TINGIN MO'Y MATITIIS PA KITANG MAKITA SA KABILA NG PINAG GAGAGAWA MO SA ANAK KO?! SA ANAK MO?!" sigaw ni mama. Mapaklang natawa si tito. "ANAK KO?! PAANONG NAGING ANAK KO YANG HAMPAS LUPA NA YAN?! PALIBHASA'Y PAREHAS KAYONG MALANDI! MANANG MANA SAYO ANG MAGALING MONG ANAK!" narinig ko ang hagulgol ni mama't mga hikbi nya. "ANAK MO YON HAYOP KA! KAILANMAN AY WALANG NANGYARI SAAMIN NG KAPATID MO! PINAGSAMANTALAHAN NYA AKO PERO HINDI 'YON NATULOY! ANG SABI MO AY HAYAAN KO NA ANG KAPATID MO KAPALIT' NON AY TATRATUHIN MONG ANAK ANG ANAK KO NA ANAK MO!" "NAPAKABOBO MO! HINDI MO MAN LANG AKO HINAYAANG MAGPALIWANAG! GINAWAN MO NG SARILING DAHILAN ANG MARUMI MONG UTAK! WALA KANG GINAWA KUNDI PUMUTAK NG PUMUTAK! KAHIT ANG KAPATID MO'Y PAREHAS LANG ANG SINASABI SA PALIWANAG KO! PERO NAPAKAKITID MO! ANG TANGA TANGA MO!" galit na galit na sigaw ni mama. Siguro ay hanggang ngayon gulat pa rin si tito. Ngayon ko lang narinig si mama na sumigaw at magmura. Sobra sobra ang dinadala't hinanakit nya lalo na sa kanyang asawa na hindi man lang magawang makinig sa kanya. Nakarinig ako ng kalabog kaya aligaga akong napalabas ng kwarto. Nakita kong nakaluhod si tito at hawak ang kamay ni mama. Ang kalabog na narinig ko ay ang lamesa. Nakatumba na at nabasag ang glass nito. "F-feli.." nanginginig na sambit ni tito. "A-akala mo ba ay hindi ko alam?" nanghihinang sabi ni mama. Binitawan nya ang kamay ni tito kaya tuluyan na tong napatumba at napaupo. "Akala ko hindi ko alam na nabuntis mo ang kabit mo?!" galit na sigaw ni mama na nagpagulat saaming dalawa ni tito. Ang alam ko lang ay may kabit si tito! Hindi ko alam na nabuntis nya na?! Ang laking g**o nito. Sinubukang hawakan ni tito si mama pero patuloy nya syang tinataboy. " Maghiwalay na tayo. Paganahin mo na ang utak mo sa sitwasyong ito, Ric." malamig na sabi ni mama. Medyo mahinahon na sya ngayon. Bakas ang hindi pagsang-ayon ni tito. "F-feli pag usap-" "Pag hindi ka umalis, kami ang aalis." pagpuputol ni mama. Napayuko na lang si papa at napahagulgol. Tinakpan nya ang mukha ng mga kamay nya at ang pagiyak at hikbi nya lang ang naririnig. Dahan dahan syang tumingin saakin at malungkot na nag iwas ng tingin. Dahan dahan syang naglakad papasok ng kwarto nila ni mama. Kasabay ng pagsasara nya ng pinto ay ang pagluhod ni mama at paghagulgol. Agad ko syang niyakap at inalo. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD