Kianne
Awa ang nababasa ko sa mga mata ni mama na nakatingin saakin, habang ako ay walang emosyon na nakatingin lamang sa kanya habang pinapalo ni papa ng sinturon.
Ilang beses na 'tong nangyari. Manhid na manhid na ang likod at bandang pwetan ko dahil sa kahahampas at palo saakin ng sinturon ni papa.
"Ang tigas tigas ng ulo mo!" galit na sigaw ni papa at pinalo ako ng malakas, senyas yan na nagtatapos na sya.
Kuhang kuha ko na ang mga galawan nya.
Nang matapos si papa ay agad akong dinaluhan ni mama. Naluluha nyang sinipat ang buong katawan ko at niyakap ako.
" Pasensya na, anak.." bulong ni mama saakin.
Naiintindihan ko naman si papa. Mali nga ang nagawa ko. Pero ang mga tamang gawain ko naman ay hindi man lang nya napansin o napuri. Kakaunting pagkakamali lamang ay ang pader nanaman ang kaagapay ko habang patuloy ang paghampas nya saakin ng sinturon.
"Pumasok kana sa kwarto mo." malamig na sabi ni papa sa likuran ko.
Walang lingunan akong pumasok ng kwarto. Kahit na galit ay dahan dahan kong sinara ang pinto at nang hindi na nila ako nakikita ay doon ko ininda ang sakit.
Pulang pula ang likuran at pwet ko. Dinaig ko pa ang nagsalibatbat. Grabe naman kasi si papa, pati likod ko sinali. Tsk
Agad akong dumapa sa kama dahil hindi pa ako makakahiga sa sakit kaya ganito muna ako matutulog. Hindi ko nanaman mapigilang mapaiyak.
Dapat sanay kana, Ivy! Para ka namang tanga e.
Patuloy kong pinapakalma ang sarili ko hanggang sa nakatulog na ako.
"IVY LUMABAS KANA DYAN! TANGHALI NA! PAKIRAMDAM MO BA AY PRINSESA KA? PARE PAREHAS LANG TAYONG HAMPAS LUPA DITO KAYA MAKISAMA KA!"
Sigaw nanaman ni papa ang gumising saakin. Agad akong napabangon sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto sa takot. Nang tignan ko ang orasan sa may sala ay alas siyete palang ng umaga.
Tanghali daw tsk
"Ikuha mo nga ako ng tubig!" sabi ni papa habang nagbabasa pa rin ng diyaryo, humihigop pa sya ng kape at kumakain ng tinapay.
Dismayado akong napailing at bagsak ang balikat na dumeretso sa kusina. Ginising nya ko para sa tubig? Ang lakas lakas nya pa pero ang tamad tamad kumuha ng tubig. Nakapagtimpla ng kape pero di makakuha ng tubig?
Patuloy lang sa kakaputak utak ko habang masama ang loob na dinalhan si papa ng tubig. Papasok na sana ako sa kwarto--
"Oh saan ka pupunta? Dito ka muna at pauwi na ang mama mo galing palengke! Ayusin mo pinamili nya nyan, di yung puro ka nalang cellphone porket walang pasok!" sarkastikong sabi nya habang tinitignan ako ng parang nandidiri.
Grabe.. Tatay ko ba talaga 'to?
Hindi na ako nagsalita at naupo nalang ako sa may sofa, hindi gaanong kalayuan sa kanya. Hindi man lang ako nakapaghilamos, tsk!
"OH? Gising kana pala, anak! Halika' t tulungan mo ako mag-ayos ng pinamili." sabi ni mama pagkapasok na pagkapasok nya.
Tumango lang ako at sumunod sa kanya sa kusina.
"Ginising ka nanaman ba ng papa mo?" nag aalalang bulong nya saakin, sinulyapan nya pa si papa na nagbabasa lang ng diyaryo at mukhang walang paki sa paligid.
Tumango lang ako at napabuntong hininga. May bago ba, ma? Bat yan pa kasi napangasawa mo? Ang pangit ng taste mo! Tch
Matapos naming mag-ayos ay dumeretso ako sa kwarto para kumuha ng damit. Wala kasi akong banyo dito sa kwarto ko kaya yung banyo sa tabi ng kitchen namin yun ginagamit ko. Hindi rin naman kalakihan bahay namin kaya hindi rin malayo.
Naligo ako ng mabilis. Ayaw kasi ni papa ng matagal sa banyo, noong nagtagal ako sa banyo dahil nag enjoy ako naligo ay halos gibain nya yung pinto. Baka daw kung anong ginagawa ko sa loob, tsk! Dumi ng isip!
"Ma. Pwede ba akong maglakad lakad dyan sa labas? Maaga pa naman at wala akong gagawin."
Ngumiti saakin si mama at tumango "Oo naman, nak. Yung nga lang.. Magpaalam ka muna sa papa mo, ha?" alanganing sabi nya.
Pilit lang akong ngumiti at tumango. Agad akong pumunta sa harap ni papa. Hindi nya ako tinignan at pinansin. Nakakainis talaga
"Pa, pwede ba kong maglakad lakad---"
"Maglalakad lakad ka lang sa labas? Baka mamaya may kinikita kana pala? Malaman ko lang, ivy! Malilintikan ka talaga sakin!" galit nanamang sabi nya. Umagang umaga ang taas ng presyon!
"Osya sige! Bumalik ka agad bago magtanghalian! Pag di ka nakabalik nang ganoong oras ay wag kanang umuwi!"
"Opo." sagot ko at napangiti. Naitikom ko ang bibig ko ng tignan na ako ni papa. Inismiran nya ako at inirapan. Nang di na sya nakatingin ay inirapan ko rin sya at dumeretso na sa labas.
Masaya akong naglalakad lakad. Nginingitian ang mga taong dumadaan at halos tumalon talon na. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakalaya mula sa magaling kong ama. Simula ngayon ay madalas ko na itong gagawin at ipagdarasal sa Diyos na sana ay pumayag palagi si papa. Kahit insultuhin nya muna ako bago payagan ay ayos lang!
Nang makakita ako ng tindahan ay agad akong sumilong doon at naupo. Ang hapdi na sa balat ng araw. Patanghali na kasi. May nakita akong bata na umiinom ng softdrinks kaya naisip kong bumili nalang rin. Pampalamig na rin dahil ang init init na.
Kumuha ako ng sampung piso sa bulsa ko. May kaunti akong ipon mula noong may pasok pa, at ginagastos ko lang yun sa tuwing pinapayagan akong lumabas ni papa, madalang lang naman kaya susulitin ko.
"Pabili po!" sigaw ko. Wala kasi yung tindera e.
Hindi ko alam kung ilang minuto na nakalipas pero kanina pa ako nandito. Nakailang ulit na rin akong tawag pero wala talaga lumalabas.
"Pabili poo!" gulat akong napatingin sa likod ko. Ang laki kasi ng boses at halos pumiyok na sya dahil sumigaw sya ng pagkalakas lakas! Napatingin pa saamin mga tao.
Tumikhim sya at napapahiyang napakamot sa batok. May itsura pa man din si kuya. Itinikom ko ang bibig para mapigilan ang matawa.
LT TALAGA HAHAHA
"Ano ba yon?! Sobra naman makasigaw!" galit na sabi ng tindera. Hindi kaputian pero may itsura at mukhang mataray. Kakamot kamot pa sya sa tyan habang mabigat ang paa na naglalakad palapit sa mga paninda nya.
"Oh ano ba yon?!" sigaw nya pa rin saamin. Nang makita nya na ng tuluyan ang itsura ni kuya. Napatikhim sya at tumalikod. Inayos ayos nya pa buhok nya bago humarap saamin. Ngayon naman, nakangiti.
"Oh ano yon, pogi?" nagpapacute pa na sabi nya. Kinukulot kulot nya dulo ng buhok nya.
Wow ha? Ako nauna dito!
Tinuro ako ni kuya. "sya muna. Nauna sya sakin dito at kanina pa sya sigaw ng sigaw kakatawag sayo." maangas na sabi nya.
Gulat akong napatingin sa kanya. Nakita nya akong nagsisisigaw dito? Nasaan naman sya non? Nakakahiya!
Napakagat sa labi si ate at tumingin saakin. Ngayon ay nakamaldita mode na sya.
"Oh anong iyo?" walang ganang tanong nya.
"Anong softdrinks meron kayo?" mataray na tanong ko.
Tinaasan nya ako ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa.
"Ayan oh di mo ba nakikita na nakadisplay na mga softdrinks namin?" malditang sabi nya.
"Ay sorry. Sa sobrang baho mo, nahilo ako kaya hindi ko napansin." pambibwisit ko. Mukha pa kasi 'tong di naliligo.
Narinig ko ang mahinang hagikgik ni kuya sa likod ko. Naririnig ko pa ang paghinga nya na todo pigil. Tsk! Babaw ng kaligayahan.
Nanlaki mata ng babae sa narinig.
" Oh ito nalang. Mountain jew. Isa lang, magkano?" kaswal na tanong ko, parang walang nangyaring tarayan kanina.
"Tsk! Kinse!" galit na sabi nya. Di man lang nag abalang magpakitang tao dahil nandyan crush nya.
Gulat akong napatingin sa kanya. Kinse?! Ang mahal naman! Otso lang dun sa school yan ah?
"Oh ano? May pambayad ka o wala?" nakangising tanong nya.
"Hoy beth! Magsaing kana daw sabi ni mama!" sigaw ng isang lalaki sa likod nya. Papalapit saamin. Kamukhang kamukha nya! Kuya nya siguro.
Nakatitig saakin agad yung lalaki. Tsk! Pangit ugali ng kapatid mo kaya kahit manligaw ka ay di kita sasagutin! Hambalusin ka pa ng papa ko.
Gulat ako ng may umakbay saakin. Ang bango! Agad akong napatingala. Si kuyang sumigaw! Hindi sya saakin nakatingin, kay kuya ni maldita sya nakatingin.
"Ihh! Ikaw nalang kasi!" pag iinarte pa ni babaita.
"Bilis na! Isusumbong kita sige!" pamimilit pa ng kuya nya.
Nagdadabog na umalis yung babae. Sinulyapan nya pa si kuyang sumigaw sa tabi ko at nginitian, pagkatapos ay tinignan nya ako ng masama at inirapan.
"Anong inyo?" malamig na tanong ng kuya ni maldita. Masama ang tingin nya kay kuyang sumigaw.
"Mountain jew nga para dito sa girlfriend ko, tapos coke naman akin." kaswal na sabi nya.
Gulat akong napatingin sa kanya. Saka ko lang narealize na nakaakbay pa rin pala sya saakin. Bahagya nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sakin kaya nakisabay nalang ako.
"Libre mo ko, babe ha?" maarteng sabi ko. Shems libre to! Sampu lang dala ko!
"Sure, babe. Basta ikaw." preskong sabi nya at kinindatan pa ko.
Nginitian ko si kuya ni maldita pagkabigay saamin. Agad na nagbayad si kuyang sumigaw at hinila na ako paalis. Hindi man lang ako nakapagpasalamat dun sa kuya ni maldita.
Nang nakalayo kami ay agad kong tinanggal ang pagkakaakbay nya saakin. Tumikhim ako at naiilang na tumingin sa kanya. Tumigil ako kaya tumigil sya sa paglalakad.
"Salamat sa libre. Kailangan ko ng umuwi." maangas na sabi ko para matakpan ang kaba na namumuo sa dibdib ko.
Ngumiti lang sya at tumango.
"Kianne." aniya sabay paglalahad ng kamay sakin.
"Ivy." nakipagkamay ako sa kanya. Agad din kaming bumitaw at kaswal na kumaway sa isa't isa.
Agad akong naglakad palayo. Nakaramdam ako ng takot nang mapansing tanghali na. Ganon ba ako katagal sa tindahan? Hindi ko na napansin! Hays dami kasing kaartehan ni maldita e!
Wala akong relo kaya hindi ko alam kung anong eksaktong oras na. Naglakad ako ng mabilis at napadasal nalang.
Huhuhu Lord please sana naman hindi magalit si papa.
Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako nang makitang walang tao sa loob. Hinalughog ko na buong kabahayan pero hindi pa ang kwarto nila.
Dahan dahan akong naglakad doon at binuksan ang kwarto. Nakita kong natutulog si papa habang nagtutupi ng damit si mama. Pakiramdam ko ay nawala ang nakadagan saakin at napahinga ako maluwag. Dahan dahan kong sinara ang pintuan ng kwarto nila at dumeretso nalang sa kwarto ko.
Nahiga ako at nagmuni muni nalang. Hindi pa rin matanggal sa isip ko si kianna.. Alam nyo yun? Ang gwapo gwapo nya! Ang bango bango nya na nga, ang bait nya pa! Nilibre nya pa ako at tinulungan tawagin si maldita! Tsk tsk tsk.
Sana ay magkita pa kami. Pero sana hindi makarating kay papa ang nangyari kanina. Lalo na at inakbayan nya ako! Siguradong mapapalo ako at hindi paniniwalaan ni papa ang tunay na kwento. Hindi naman kasi ako kagandahan para magkaroon ng parang malalove triangle na story. Masyado syang gwapo para saakin.
Mabilis kong naisip si maldita! Harap harapan nya talaga pinapakita na gusto nya si kianne. Kung ikukumpara ako sa kanya. Lintik na mas maganda ako no! Hmp! Mas maputi ako sa kanya. Siguro sya ay palalabas at ako naman ay laging nakakulong sa bahay. Gustuhin ko mang lumabas ay hindi naman ako pinapayagan. Sadyang may himala lang kanina kaya pinayagan ako.
Maganda naman talaga si maldita. Madalas kasi ay ang definition nila ng maganda ay yung mapuputi. Pero si maldita? Maganda talaga sya! Ha! Swerte nya nalang at pinupuri ko pa sya. Yun lang naman naging maganda sa kanya. Kita nyo naman baho ng ugali non? Umaalingasaw sa lansa!
Kung tutuusin ay posible talagang magustuhan ni kianne si maldita. Bagay naman sila. Matangkad at bubwit-- este maliit. Ako kasi ay may katangkaran pero mas matangkad pa rin naman si kianne. Nakajersey pa nga kanina e. Mukhang magbabasketball pero ang puti puti! Nabababad ba yon sa araw? Tsk tsk tsk.
Si kuya naman ni maldita. May pagkalakihan ang mga mata nya. Hindi sya kagwapuhan talaga pero malakas appeal nya. Madalas ko 'yong makita sa school dati pero lumipat na ata sya last school year.
"HINDI PWEDE! ANG BATA BATA PA NYAN PERO ANG LANDI LANDI NA?! IVY!! LUMABAS KA DYAN! MAGUUSAP TAYO!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni papa. Ito na nga bang sinasabi ko e!