
Pumunta si Magda sa San Fabian para mag-move on dahil kamamatay lamang ng asawa niya.
Napili niya ang lugar na iyon dahil sa pagre-research niya sa internet na payapa, luntian ang kapaligiran, malamig ang klima lagi, mababait ang mga nakatira rito at walang nakakakilala sa tunay niyang pagkatao. At para unti- unting makalimutan ang sakit ng maagang pagkawala ng kanyang Mister.
Subalit ang tahimik niyang pamumuhay ay ginambala ng isang nagngangalang Joshua — barumbado, pilosopo, tila galit sa mundo at katulad din niyang broken hearted dahil niloko ng kanyang nobya, namangka raw sa dalawang ilog kaya hinayaan na niya sa kanyang karibal.
Nagalit ito sa kanya dahil ang nirentahan pala niyang log cabin ay ito rin ang madalas tulugan ni Joshua kapag nagbabakasyon ang binata rito sa San Fabian.
Nanindigan naman si Magda na hindi siya aalis dahil may advance payment pa raw siya sa may-ari ng log cabin. Nagpumilit namang tumira rin doon ang binata dahil dalawa naman ang k'warto sa log cabin. Maganda kasi ang view kahit hindi ka lumabas matatanaw muna mula sa bintana.
Sumingit pa sa alitan nilang dalawa ang may-ari ng katabi nilang log cabin — si Michael — na may lihim na pagkatao. Na hindi maintindihan kung bakit laging nakikisawsaw sa awayan nilang dalawa.
Ano kaya ang mangyayari sa kanilang tatlo na dingding lamang ang pagitan ng mga silid? Idagdag pa ang malamig na klima.
Pareho silang may sugat sa puso, kaya pwedeng magtulungan gumaling, pero pwede ring magdulot ulit ng sakit. Depende sa kanilang tatahakin, pwedeng maging healing journey sila para sa isa't isa, o maaari ring mas lumala pa ang sitwasyon at hindi makapag-move on? Idagdag pa sa problema nila si Michael na mahirap ding tantyahin ang ugali.

