Labing walong taon gulang lamang ako nang namatay ang aking ina. Tandang-tanda ko pa ang lahat nang nangyari noon bago siya pumanaw na para bang kahapon lamang nangyari ang lahat. I closed my eyes as the painful memories flooded my mind. "Marsha, bantayan mo muna ang mga kapatid mo!" isang hapong umuwi ako galing eskwelahan. "Bakit po? Saan po kayo pupunta?" habol na tanong ko kay Tatay na natataranta habang buhat-buhat si Nanay. Si Nanay na punong-puno ng dugo sa saya ng suot na daster. Ang mukha nito ay namumutla at halatang may matinding sakit sa katawan na iniinda. "Dadalhin ko sa ospital ang nanay mo!" May mga kung ano-ano pang binibilin si Tatay habang isinasakay ng tricycle si nanay. Tanging pagtango na lamang ang naging tugon ko. Nais ko pa sanang magtanong ka

