"Pacheck ako ng mga payment schedules from suppliers, Apol. 'Yong mga shipment na din ng mga materyales papuntang Davao. Kailangan na maideliver 'yon para maihabol sa construction ng building project do'n. Nakikinig ka ba Apolinario?" naiiritang sita ko sa kaharap ng mapansin ang nakatulalang titig nito sa akin. Napapadalas ang pagliban ko sa trabaho kung kaya natambakan ako ng trabaho. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Sorry, Marsha. Nakikinig ako," depensa nito. I arched my brow at him when I noticed the questioning look on his face. " Ano?" "H-ha?" maang na sagot nito. "Obvious naman na may gusto kang itanong kaya ano 'yon Apol?" Napaayos ito ng upo bago ako diretsong tinanong. "Pag tinanong ba kita, sasagutin mo ako ng diretso?" Natigilan ako sa ginagawang pagsuri ng mga hawa

