" Sorry talaga besh! Hindi ko naman sukat akalain na masusundan ako nito ni Papa Ian." Napangiti ako kay Apol. Kanina pa ito sorry ng sorry sa akin. At kanina ko pa rin paulit-ulilt na sinasabi na huwag niyang sisihin ang sarili niya. Dahil nakabuti ang nangyari. Nagkaayos na kami ni Ian. "Dapat lang talagang sisihin mo ang sarili mo Apolinario!Hindi ka nag-iingat," kunwa'y naiinis at puno ng iritasyon na sagot ko. "Huh?" gulat na tanong sambit nito. Pinagsalubong ko pa ang aking kilay para mas ipakitang nagagalit ako, kunwari. Kumibot ang labi nito at animo maiiyak. Napahagalpak ako ng tawa at nahampas ito sa braso. "Biro lang besh! Ito naman, masyadong seryoso!" tumatawang komento ko. Eksaheradang bumuntong-hininga ito. "Oh my gulay Marsha! Nakakaloka ka!" Mas lalo akong natawa

