Charlie’s POV Ngumiti muna ang lalaki sa akin bago sumagot. “Ansel. Ansel Ruiz.” “A-Ansel,” ulit ko. “Charlie nga pala ang pangalan ko.” “Charlie lang?” May ngiti sa labi niya. “Charlie Montes.” Tumango-tango siya. “Thanks. Anyway, bakit dyan ka natutulog? Bakit hindi sa bahay niyo?” Lumingon ako sa malaking bahay. Marahil iyon ang tinutukoy niya. “Um, hindi amin ‘yan. Sinama lang ako ni Sir Ayden kanina.” “Oh. Dayo ka pala.” Halata ang pagka-amaze sa mukha niya. May ngiti rin sa labi niya. “Kaya pala ngayon lang kita nakita.” Tinanggal ko ang kumot na nilagay niya at tumayo. Tinulungan pa niya ako kapagkuwan. “Salamat.” Inabot ko iyon sa kanya at kinuha naman niya. “K-kailangan ko nang bumalik. L-late na kasi.” Baka hinahanap na ako ni Ayden. Baka magalit na naman siya kapa

