Charlie’s POV TULOG na tulog pa rin si Ayden kaya nagpasya akong lumabas at maglakad-lakad. Nadaanan ko ang mag-asawang Hilda at Romeo na nag-aani ng mga sitaw. Na-enjoy ko ang panonood kaya sumama na rin ako at tumulong. Nawala sa isip ko ang bumalik agad dahil sa kasiyahang dulot ng pag-aani. Hindi lang sitaw at kamatis ang inani namin, kung hindi pati talong— ang isa sa mga paborito kong gulay. Kung may farm lang kami, baka ganito din ako kasaya. Pero mahirap lang kami. “Gusto mo bang magdala niyan sa bahay ninyo, Charlie?” Bigla akong natigilan. Nakalimutan kong sabihin na sa malaking bahay ako tumutuloy ngayon. “K-kasama po ako ni Sir Ayden,” mahina kong sagot. “Ay, hala!” gulat na bulalas ng matanda. “Girlfriend ka niya?” Mabilis akong umiling. “Naku, hindi po.” Pinagmasdan

