Charlie’s POV “Christopher, meet Charlie,” pakilala ni Ayden sa akin sa kanyang kaibigan. “Charlie, siya ang tinutukoy ko na may farm ng mga kalamansi.” Hindi ko maiwasang ikumpara ang kaguwapuhan ni Christophersa binata. Walang halos kabigin sa magkaibigan. Parehas na pinagpala ng Diyos sa itsura, sa pangangatawan at sa estado ng pamumuhay, pero mas gusto ko si Ayden sana. Kaso, may Demi na siya. Kaya nga hindi niya ako magawang mapanindigan siguro. “Nice to meet you, Charlie.” Nakangiti ang binata nang maglahad ng kamay, kaya ganoon din ako. “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Sir,” ani ko. “Sir?” ulit ni Christopher. “Christopher na lang or Chris. Masyad o naman kasing pormal,” dugtong pa nitong nakangiti. “C-Chris na lang po siguro.” “Sounds good.” Bumaling ito sa kasambaha

