Charlie’s POV “Then I’ll claim what’s mine,” sagot niya. Kahit papaano, nakaramdam ako nang tuwa. “Apelyido ko ang dadalhin niya paglabas na paglabas niya ng ospital.” Hindi ako nakapagsalita. Paano ako kung bata lang ang paninindigan niya? Aalis na? “Paano ako?” Hindi ko alam kung bakit ko naisatinig ito ng mga sandaling iyon. Pinakatitigan niya ako bago siya sumagot. “‘Wag mo muna akong tanungin tungkol sa bagay na iyan. Ang mahalaga ngayon, maalagaan kayo. Hindi biro ang manganak,” aniya. Nakaramdam ako nang takot kapagkuwan. Kukunin niya ba sa akin ang bata? Ayaw niyang pag-usapan dahil bata lang talaga ang concern niya. “Ayusin mo na ang mga gamit mo. Ihahatid kita sa pansamantalang titirhan mo. Para makadalaw din ako kapag may time.” Pansamantalang titirhan. Paulit-ulit n

