Charlie’s POV MABIGAT man ang nararamdaman ko sa aking katawan, pilit akong bumangon nang araw na iyon. Eksaktong anim na araw na mula nang mailibing ang magulang ko sa mismong katabi ng libingan ni Nanay. Sinapo ko ang ulo ko kapagkuwan nang makaramdam nang pagkahilo. Marahil nasobrahan sa higa ito. Kung hindi higa, tulog at kain ang ginagawa ko nitong nagdaan. Dagdag pa kasi ang pinagbubuntis ko kaya sobrang sama ng pakiramdam ko. Pinipilit ko nga lang bumangon para sa batang nasa sinapupunan ko. Lumabas ako ng silid ko na parang lasing at gulung-gulo ang buhok. Una kong tinungo ang baldeng pinag-iimbakan namin ng bigas. Magsasaing muna ako bago lalabas para bumili ng ulam. Natigilan ako sa paghila ng balde nang mapansing wala iyong laman. Kahit na alam kong wala nang laman, binuk

