Ayden’s POV “GALING pala rito sa subdivision ang motorsiklong sumalpok sa malaking truck nakaraan,” dinig kong kwento ni Mama. Nagbabasa noon ang ina ng dyaryo. Kahit na sabihing pwedeng mabasa o mapanood ang mga balita sa internet, may dyaryo pa rin naman na nag-iimprinta. Araw-araw, may dyaryo ang residente ng subdibisyon namin, kaya kahit na hindi manood, makakarating pa rin naman ang mga balita. Napahikab ako kapagkuwan at inayos ang pagkakaupo. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos. Naging balisa ako after ng usapan namin ni Charlie— maging ng Tiyuhin niyang sumugod dito. Isang alaala tuloy ang sumingit sa aking isipan… *** PAHIGA na ako sa kama ko nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Muli akong bumaba para pagbuksan ang kumakatok. “Sir, may na

