Charlie's POV PINAKALMA ko muna ang sarili ko bago pumasok sa maliit na bahay namin. Sigurado akong naghihintay na roon ang mag-asawa. Nakailang text na sa akin si Auntie dahil panay na raw ang tanong sa kanya ni Uncle. Dahan-dahan kong tinulak ang pintuan. At dahil may kalumaan na ang aming pintuan, rinig doon ang langitngit. Ganoon din ang paglingon sa akin ng mag-asawa, dahan-dahan. Tumayo si Uncle at pinag-aralan ang mukha ko. Kita pa roon ang bakas ng luha kaya bahagyang kumunot ang mukha niya, napalitan rin iyon ng hindi ko maintihan. Galit. Iyan agad ang pumasok sa isipan ko kaya nag-alala ako. “Ayaw niyang tanggapin ang anak niya?” seryosong tanong niya. “U-Uncle, a-ang mahalaga naman, nasabi ko na sa kanya. Okay—” “Ano talaga ang nangyari doon, Charlie?” putol niya. “Sa

