Charlie’s POV “UNCLE,” anas ko nang buksan ang pintuan. Nasa likuran niya si Auntie na halatang excited sa resulta ng test. Kanina pa actually gustong malaman ni Auntie. Sabi ko, bili na lang muna ako ng kit bago pumasok at pag-uwi, saka ko lang kako gagawin ang test. Hinablot ni Uncle ang hawak kong pregnancy kit. Matagal niyang tinitigan iyon bago pumikit. “Si Ayden ba ang ama?” Marahan akong tumango sa kanya na ikinatango-tango niya. “O, Anong balak mo?” “A-ano hong balak?” “Kung ipapaako mo ba sa kanya ang bata o hindi.” Napatitig ako kay Uncle. Siya na itong tumayong ama ko talaga noon pa man kaya ang concern na nakikita ko sa kanya ay sobra. “Okay lang naman kung ayaw mong ipaako sa kanya ang batang nasa sinapupunan mo. Pero ang gusto ko sana, at least ipaalam mo. Panaguta

