Ayden's POV Naningkit ang mata ko sa ginawa ni Jessica. “Tanggalin mo ‘yan. Nasasaktan si Maria,” mariin kong utos kay Jessica nang yakapin niya ako. Halata kasi sa mukha ni Maria na naiipit siya, at ayokong makita iyon. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagikot ng mata ni Jessica. “Ano ba ‘yan! Alam mo namang date natin nagsama ka ng bata.” Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. “Kung hindi mo tanggap na may anak ako, makakaalis ka na,” malamig kong sabi. Nakilala ko lang siya sa dating app na sinalihan ko. Ang pakilala ko sa kanya, single dad ako. As usual, display lang para pagselosin si Demi. Matagal din akong tumigil, simula nang dumating sa akin si Charlie. Dahil wala na siya, back to normal ako para libangin ang sarili. Wala na akong mai-display at ma-send kay Demi ka

