Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang ibigay sa akin ni Ghon ang mga supot na puno ng mga manga at pinya. Napalabing sumunod ako sa kanya pagkatapos. Tulad kanina ay halos pagtinginan kami ng mga tao. Doon muli ako tumambay sa upuang nasa tapat ng classroom niya. Mabuti na lang at pinabalatan niya kanina ang dalawang manga at iyon ang kinain ko habang nakatitig sa kanya. “May relasiyon ba kayo ng asawa ni Lore?” May lumapit sa aking ginang kaya napatingin ako dito. “He's not Lore's husband!” asik ko na kinakunot ng noo nito. Hindi siya nagsalita at bahagyang lumayo. Napanguso pa ako nang marinig ang sinabi nito sa babaeng kasama nito. “Ikaw na makipag-usap doon. Englishera, eh.” Ngunit umiling lamang ang babaeng kausap nito. Pinili na lamang nilang manatili sa tabi at sumulyap-sul

