
Magkaibigan ang kanilang mga pamilya kaya’t simula pagkabata ay magkalapit na ang kanilang mga mundo. Apat na taong mas matanda si Zachary kay Claire, at kaedad naman nito ang ate niyang si Mariel.
Lumaki si Claire na laging nakatanaw kay Zachary—sa bawat ngiti nito, sa bawat pag-aalaga, at sa bawat simpleng atensyon na para sa kanya ay may espesyal na kahulugan. Hindi niya namalayang sa paglipas ng panahon, ang paghanga ay naging isang lihim na pag-ibig.
Si Zachary ang naging sandalan niya sa maraming pagkakataon—mapa-aral, problema, o simpleng lungkot. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung bakit unti-unting nahulog ang puso ni Claire nang tuluyan.
Ngunit may isang katotohanang pilit niyang tinatakasan—ang t***k ng puso ni Zachary ay hindi para sa kanya… kundi para sa ate niyang si Mariel.
Sa lahat ng laban sa buhay, sanay si Claire na lumaban at manalo. Matapang siya, matalino, at hindi basta sumusuko. Pero sa larangan ng pag-ibig, doon niya naranasan ang unang matinding pagkatalo.
Dahil paano ka lalaban… kung ang kalaban mo ay sarili mong kapatid?
At paano mo pipiliin ang sarili mo… kung ang mahal mo ay hindi kailanman magiging sa’yo?

