Chapter 06: The Video

955 Words
LYKA'S POV Nakatingin lang kami sa screen at hinintay naming magplay ang video, after 1 minute, nag play na siya (Video) "Anu nanaman bang kailangan mo sa aking peste ka?!" Sigaw ni gwen sa babae, pero hindi pa kita ang mukha nang babae dahil nakaluhod ito sa harap ni gwen at nakatalikod "Gwen please! tigilan mo na si papa!" Si Laura yun! "Papa mo ang lumalapit sa akin at hindi ako!" Tumayo na si gwen pero hinabol siya ni laura at hinawakan sa kamay pero tinulak ni gwen si laura at lumabas sa kwarto Ang next na video naman ay, parang kuha galing sa CCTV Walang tao, pero after ilang minute may pumasok na babae't lalaki na naghahalikan. Malabo hindi kita ang mukha nang tao, pero ilang Segundo zinoom ang video at laking gulat namin ng makitang si gwen yun at papa ni laura, naghahalikan sila hanggang sa naghubad na sila sa kama at may nangyari sakanila Ibig bang sabihin nito? Kaya naghiwalay ang papa at mama ni laura dahil may affair si Gwen at papa ni laura?  Next Video nasa isang Kwarto ulit, at 100 percent sure ako na kwarto yun ni Gwen. Doon sa video kitang kita na nakikipaghalikan si Gwen sa isang lalaki, nakatalikod yung lalaki at mukha lang ni gwen ang kita hanggang sa may pumasok at hinila ang buhok ni gwen at sinampal siya "It's laura, again?" bulong ko. "WALANG HIYA KAYONG MGA HAYOP! NUNG UNA SI PAPA NGAYON NAMAN BOYFRIEND KO!! BART BAKIT NAGPAUTO KA DITO SA BABAENG TOH!!" Sinampal ni laura si gwen pero inawat siya nang boyfriend niyang si Bart at tinulak siya "Itigil mo na 'yan laura! Wala na tayo, ayoko na sayo! Wala kang alam sa kama! Hindi katulad netong kaibigan mo!" Lumabas si bart at naiwan si Gwen at laura "WALA KANG PAKINABANG LAURA! NAKITA MO? INIWAN KA NANG MGA TAONG MAHALAGA SAYO KASI WALA KANG HALAGA SAKANILA!" Hinila ni gwen si laura at pinatayo habang sinasabunat niya si laura at tinulak niya sa dingding! At sinampal "ANG KAPAL NG MUKHA MONG SAMPALIN AKO!" Sinampal sampal niya si laura hanggang sa nagdudugo na ang bibig ni laura. "ANO BANG KASALANAN KO SAYO!!" Sigaw ni laura "KASI NAKAKAINIS KA! PESTE KA SA BUHAY KO!! AT ANG NAKAKAINIS PA ALAM MO KUNG ANO?! NOONG NALAMAN KO NA HINDI KA ANAK NG PAPA MO! DAHIL NALAMAN KO NA, HALF SISTER KITA! KAPATID KITA SA AMA! MALANDI ANG MAMA MO! DAHIL NAGPABUNTIS SIYA KAY PAPA KAHIT NA KASAL NA SILA NI MAMA! KAYA NAGKANDA BUHOL BUHOL NA ANG PAMILYA NAMIN DAHIL SAYO AT SA NANAY MONG MALANDI KAYA WALA KANG KARAPATANG MAGING MASAYA DAHIL NAGING MALUNGKOT KAMI NI MAMA DAHIL SAINYO SHT KA!!!!!" Kitang kita sa video, kung gaano kagalit si gwen at pinagsasasampal si laura, at si laura nakatulala lang na parang hindi makapaniwala sa narinig niya, tsaka siya iniwan ni gwen at lumabas. Pero ang age gap nila gwen at laura ay 6 months lang? Tsaka ang alam ko nabuntis si tita (mama ni gwen) 3 months pagkatapos ikasal ang mama at papa ni gwen Next Video, naman ay may isang lalaking nagsasalita at nakatingin sa camera, naka pang clown outfit siya pero may suot siyang kulay black na clown mask "Ayan ang dahilan kung bakit deserve ng malanding gwen na yan ang mamatay HAHAHAHAHAHA Marami siyang tinatagong lihim na mabaho, kaya yung may mga lihim diyan! HAHAHAHAHA Paki tago nang maigi okay? HAHAHAHAHAHA" Pagtapos niya magsalita namatay na ang video. At bumukas na ang ilaw Nakakakilabot ang tawa niya, at yung boses niya pamilyar! Ayun ang boses na tumatawag sa akin nung nakaraan! Pero sa personal hindi ko pa naririnig ang boses niya, it means hindi ko siya kilala in person Nagulat kami at napalingon nalang bigla nang magsalita si Sophia, na nagpakaba saming lahat. "Angel? Anu yang hawak mo na may kulay red na um-iilaw? Remote ba yan?"  "A-ano? Nakita ko lang ito sa ilalim ng mesa, natabig ng paa ko kaya kinuha ko. Ito oh!" Lumapit kami kay angel, at tinignan yung remote nakaplastic pa yung remote, kinuha ko ito at tinutok sa projector tsaka pinindot At laking gulat namin nang mag-on ang projector. "Ibig sabihin.......................... ISA SA ATIN SI BLACK CLOWN? HINDI NAMAN MAARING NAIWAN NIYA LANG YANG REMOTE NA YAN?!" Vivian. "s**t! I can't believe it? We have a psychopath friend!" sabi ni Luke. Lumapit si kaycee at hinila si luke, Brandon, at damon. Tsaka tinitigan "SINO SAINYO YANG PTNGINANG BLACK CLOWN NA YUN HA?! SAGOT!!" Dinuro duro niya yung tatlo "Do you think I can kill?" nakataas na kilay na tanong ni luke "HINDI KO ALAM!!" Sigaw ni Kaycee "Kaycee, kapag ba may nagnakaw nang gamit mo. At kapag hinanap mo yun sa tingin mo ba, lalapit yung magnanakaw sayo at sasabihing 'Ako ang nagnakaw nun' ?" tanong ko, tumingin siya sa akin at naka kunot ang noo "Anu namang kinalaman nang magnanakaw dito? Pero syempre hindi sila lalapit at aamin! Ano sila baliw?" sagot ni kaycee "Ayun na nga ang sinasabi ko, magnanakaw nga hindi umaamin na nagnakaw sila, mamamatay tao pa kaya?" Nakita kong nanlaki ang mata niya, at iba napasinghap "So ang ibig mo bang sabihin lyka, na naniniwala ka talaga na isa sa amin yun?" tanong ni Brandon "Hindi ko alam guys! Mahirap magsalita ng tapos, mahirap mang bintang ng walang proweba, mahirap gumawa ng aksyon kapag walang plano, hindi natin alam kung sino talaga siya, kaya hangga't maari, hindi ako magbibintang hangga't wala akong nakikitang proweba, ayoko malagas tayong lahat nang dahil lang sa killer na yan" Pagkasabi ko nun, lumabas na ako nang kwarto Pero bago ako lumabas nang hallway, may nahagip ang mata ko na isang babae, nakaitim na damit siya at kulay red na kulotkulot hanggang bewang ang buhok, tumatakbo na siya palayo at sumakay doon sa kotseng itim na nakita ko at umalis. ANO BA TALAGA? SINO BA TALAGA SI BLACK CLOWN? OR SHOULD I SAY ILAN BA TALAGA SILA?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD