Chapter 05: Suspicious

1133 Words
LYKA'S POV "Girls, condolence sa nangyari sa kaibigan niyo. For now excuse muna kayo sa pagpasok for 3 days, kasi alam naman nating lahat na mahirap maka-recover pero kaya niyo yan" Ma'am Clarante "Thankyou ma'am" sabi ko, Tumayo na kaming 5 at lumabas, pinatawag kasi kami ni ma'am sa office niya, at ako, si vivi, mhariz, sophia, at brandon lang ang sumama. "Anung sabi ni ma'am?" Tanong ni Kaycee "Excuse daw tayo sa klase for three days" sabi ni Vivian tsaka lumapit kay luke, at yumakap sa waist nito "Tara? Punta tayo kaila gwen?"Sabi ko, lamay kasi ngayon ni gwen. Nagtanguan sila at pumunta na kami sa parking Lot, doon kasi kami ulit sasakay sa sasakyan nila Brandon Pero pagtapat namin doon, laking gulat namin nang makitang basag ang binatana nang kotse sa tapat pa nang drivers seat. "WHAT THE?!" Brandon, kinuha niya yung susi at binuksan ang kotse at may sobre sa upuan nang driver, binigay niya ito sa akin at inalis niya yung mga bubog ako naman binuksan ko yung sobre "anu yan?" Mhariz "Diko nga alam e," lumapit sila sa akin at bumilog kami at in-unfold ko yung sulat "Green Marines-> Hallways-> Private Room (7pm Sharp) PS: Kapag hindi kayo pumunta, hindi niyo malalaman ang isa sa mahalagang bagay kung bakit ko siya binawian nang buhay, DON'T WORRY HINDI KO PA KAYO PAPATAYIN- Black Clown" "SA TINGIN BA NG CLOWN NA YAN! PUPUNTA TAYO?! SAY NO! LYKA! AYOKO! GUSTO KO PANG MABUHAY!!" Naghe-hysterical na sabi ni Mhariz "Pero hindi mo ba narinig ang basa ni lyka?! HINDI NIYA PA TAYO PAPATAYIN! HUWAG KANG PRANING PWEDE BA?!" Sigaw ni Sophia "KAHIT NA AYOKO! AYOKO!!!!" Mhariz Napalingon kami sa narinig naming sampal, at nakita kong umiiyak si mhariz at si Vivian ang sumampal sa kaniya "Wala kaba talagang pake kay gwen?! KAHIT MAN LANG MALAMAN NATIN KUNG BAKIT SIYA PINATAY DIBA?! HINDI YUNG PARANG TANGA TAYONG NANGHUHULA KUNG BAKIT PINATAY SI GWEN, BAKIT GINAWA TO SAKANIYA, ANU ANG DAHILAN! KUNG GUSTO MO MAIWAN MAIWAN KA! LETSE!" Hinila ni Luke si Vivian at niyakap, si Mhariz naman patuloy lang sa pag-iyak "Stop, Kung ayaw talaga ni Mhariz sumama. It's okay kami nalang ang aalis" Sabi ko, tsaka tinignan ang orasan ko "Alas-Singko palang, saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko "Edi kaila gwen, tsaka 6:30 tayo aalis" Sabi naman ni Damon Sumakay na kami sa kaniya kaniya naming sasakyan tsaka ko pinaharurot papunta kaila gwen. Pagkadating ko doon, Nandoon na sila maliban nalang kay Kaycee, Brandon at angel. This past few days nahalata ko na Laging magkasama si Angel, Kaycee at Mhariz. Pero ngayon hindi si mhariz ang kasama ni angel kundi si kaycee Pinark ko yung kotse sa harap ng bahay nila at lumabas, sinalubong naman nila ako. "Nasaan na sila tito? (Papa ni gwen)" Tanong ko. "Ang alam ko wala sila ngayon sa bansa, nasa isang business trip. Ang nag-aayos lang nang lamay ni gwen ngayon ay yung mama niya" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni sophia, pati ba naman sa lamay ni gwen inuuna pa nang papa niya yung trabaho? Pumasok kami sa loob at kinamusta si tita, at yung kabaong ni gwen nakabukas pero may tela na nakatakip sa buong katawan niya pati mukha Yung picture ni gwen sa kabaong niya ay yung nagbakasyon kaming lahat magkakaibigan sa Dubai, yung solo picture niya yun na nakasakay sa camel, bakit kaya ayan yung nilagay nila? Pagkatapos ng ilang kamustahan, at kwentuhan sa mga kamag-anak ni Gwen. Nilapitan ako ni Kaycee at sinabihan na six thirty na daw, kaya nagpaalam na kami kay tita at kaniya kaniyang sasakyan ulit kami, tsaka pumuntang Green Marines Ang lubos ko talagang pinagtataka kung bakit sa green marines lagi gusto ni Black Clown kami magkita kita? Ang weird Nang Nandoon na ako, nakita kong may kotseng nakaparada na kulay itim, pero malayo dito. Di kaya, kotse yun ni Black Clown? Dahan dahan akong lumapit doon at tumingin sa paligid nang Makita kong walang tao, sumilip ako sa bintana ng kotse, may Laptop sa loob at damit. Yung laptop naka sara pero ang agaw pansin dito ay may sticker yung laptop na itim na clown! "HOY!" "OH MY GOD!" Napahawak ako sa dibdib ko at nakita kong si Damon lang pala yung nanggulat. "Bakit ka ba nanggugulat? Tsk!" tumawa siya at sumandal sa kotseng itim "S-sayo b-ba yang kotse?" tanong ko. "Kanina ka pa ba? Oh? Ayun na pala sila"Inakbayan niya ako at naglakad na kami papunta doon sa mga kaibigan naming dumating. Naguguluhan ako, b-bakit hindi niya sinagot yung tanong ko, kung kaniyang kotse yun? Malaki ang possibility na siya si black clown, Pero kasi ang isa pang weird e, never ko pang nakitang ginamit niya yung kotse na yun, KUNG KANIYA YUNG KOTSE NA YUN? "Oh? Magkasabay kayo ni lyka?" Tanong ni Sophia nakakarating lang kasabay ang kotse ni Kaycee at Angel "Hindi, nauna si Lyka sa akin. Diba?" tanong niya, tumango nalang ako at hindi na nagsalita "Oh well, tara na sa loob? Doon nalang natin hinatayin yung tatlo?" Sabi ni Kaycee at nauna na sa loob "Angel bakit ang tahimik mo?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti "Ah, wala toh! Di ka pa nasanay" Naka-akbay parin sa akin si Damon, at hindi niya parin tinatanggal. Hindi ko alam pero parang natatakot na ako kay damon, parang feeling ko isang kibot ko lang papatayin niya na ako, kahit wala pang kasiguraduhan na siya nga si black clown, natatakot na ako "Bakit nanginginig ka?" bulong sakin ni damon, na lalong nagpadagdag nang takot at kaba ko. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin, buhat na pang bagong kasal! Gusto kong sumigaw at magwala, Pero nakatikom lang ang bibig ko. "Bakit ba parang takot na takot ka?" tanong niya tsaka kami pumasok sa kwartong pinasukan nila kaycee, at yung pinto sa kwarto may nakalagay na 'Private Room' "W-wala, pwede mo na akong ibaba" naka-kunot ang noo niya pero binaba niya parin ako. Nilibot ko ang mata ko at dito sa private room, parang conference room siya, at madaming ilaw na bilog, hindi siya fluorescent. May mahabang mesa at may 12 chairs na nakapalibot at sa pinaka dulo may projector, at puting tela na pag-rereflectan nang projector at ang nakakagulat ang projector niya ay may katulad na sticker doon sa nakita kong laptop sa kotse, may itim na clown, may nakasaksak na usb din sa projector, at sobrang lamig nang aircon dito sa private room, feeling ko maninigas na ako. Umupo ako malapit sa dulo, at tumabi naman sa akin si damon at nasa harap namin sila angel, kaycee at Sophia na halatang nilalamig din. For the first time nakita kong nanahimik nang ganito si kaycee, at hindi na siya puro gadgets niya Maya maya dumating na din silang lahat, nang makaupo na kaming lahat nagulat kami nang biglang namatay ang ilaw kaya napahawak ako nang hindi sinasadiya kay damon, at niyakap niya ako mula sa likod. Kaya medyo napatigil ako pero bumalik ang kaba at ulirat ko nang bumukas na ang projector, at may video doon. "Video ni gwen?" halos sabay sabay naming sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD