Lyka's POV
"Have you seen gwen?" tanong ni Sophia, habang nagpapatirintas sa nerd naming kaklase. Umiling ako at yumuko sa desk
Malapit ng magtime pero hindi parin nagpapakita si gwen, ni hindi man lang nagtext kung papasok siya or hindi. I sigh
"Guys! Nagtext si Gwen!" napatingin kami kay angel na sumigaw, huh? Si gwen?! Nagtext sa kaniya? Ang weird
"Anong sabi?" tanong ko.
"Nasa Green Marines daw siya" Green marines? Anung ginagawa niya doon?
"Huh? Diba abandunadong Resort na 'yon kasi ang sabi sabi may multo daw doon tsaka ang layo nun ah? Wala na ata sa kabihasnan yun eh, anu bang ginagawa niya doon?" Tama siya
Ang green marines resort kasi dating kilalang resort pero ngayun hindi na dahil, may namatay na sampung magkakaibigan doon, at ngayon daw nagmumulto. Kaya inabanduna na yung resort na yun
"Na-iistress na daw kasi siya sa mga magulang niya na puro away kaya na-isipan niyang magpalamig muna daw doon, puntahan daw natin siya" sabi ni angel.
"Oh sige punta tayo, pagdismissal" sabi ko, tumango sila at pumunta na sa kaniya kaniyang upuan
Habang naglelecture si ma'am pakiramdam ko may hindi tama, feeling ko may mali. Anu bang nangyayari? Ang daming tanong sa utak ko na alam kong mahirap sagutin katulad nalang. Bakit kay angel nagtext si gwen? Bakit siya nasa green marines? Yung mga ganung tanung.
"That's all, and class dismiss" tumayo na kami at kinuha yung gamit naming tsaka sabay sabay na lumabas nang room
Paglabas namin, dumiretso na kaagad kami sa parking lot. "So, guys iisang sasakyan nalang tayo?" tanong ni Damon
"Sige, kaninong sasakyan ba?" tanong naman ni kaycee
"sa akin nalang" nagsitanguan kami sa suhestyon ni Brandon at pumasok sa kotse niya, nagtext naman ako kay mom na male-late ako ng uwi kasi may pupuntahan kaming mag-kakaibigan
"Let's sleep for awhile, this is going to be a long ride" sabi ni Luke, pagsilip ko sakanila si Vivi nakahilig ang ulo niya sa chest ni Luke, si Kaycee nag P-psp, si Mhariz nace-cellphone, si Sophia natutulog, si Angel kumakain, Si Damon nakaheadset, Si Brandon nagdadrive at may kausap sa phone ka bandmate niya siguro. May sarisariling mundo
"Angel, buti sumama ka?" Tumingin siya sa akin at ngumiti nang alanganin
"Oo, nga kasi ikaw ang dakilang KJ na laging ayaw sumama sa mga lakad natin, bakit ngayon sumama ka na? tanong din ni kaycee
"Hehe wala lang sa akin kasi nagtext si Gwen, Malay mo gusto na niya ako I mean hindi na siya highblood sa akin" Nagkibit balikat ako at tumingin sa bintana, pakonti na nang pakonti ang mga kotse, wala na kasi kami sa metro manila
Sinandal ko ang ulo ko kay damon, siya kasi ang katabi ko. Parang FX style kasi ang kotse ni Brandon, actually hindi niya sariling kotse ito, kotse ito nang banda nila ito ang ginagamit nang banda nila kapag may mga gig sila or something kaya pang maramihan
Ang seating arrangement kasi namin ay
|Brandon| |Vivian and Luke|
|Ako, Damon, Kaycee|
|Angel |Mhariz
|Sophia|
Sinalpak ni Damon yung kabila niyang headset sa tenga ko
Playing: Big Mistake
Habang tumutugtog ito, parang hinehele ako nang kanta hanggang sa bumagsak na ang talukap ko
------
"HOOOOY!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw si damon.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! TULO PA LAWAY MO AH!" inirapan ko siya at tumingin sa bintana.
"Nandito na tayo?"
"Oo, kaka-stop palang natin" tumingin ako sa mga katabi ko at mga tulog sila ang wala lang dito si Angel at si Mhariz. Aba? Kelan pa naging close yung dalawang yun?
"Gising nandito na tayo" Tinampal tampal ni damon yung mukha ni kaycee na natatakpan nang sumbrero
"Oo na, bwiset na bakla to!" inayos ni kaycee yung sumbrero niya at kinuha yung bag niya tsaka padabog na lumabas
"Lagot ka!" tinawanan lang ako ni damon at lumabas tsaka pumasok sa likod na part nang kotse, kung saan natutulog si sophia
kinuha ko yung bag ko at lumabas
"Guys, tara na nasaan na daw ba si Gwen?" tumingin sa akin sila
Si Luke nagyoyosi, si Vivian nagmemake up, si Brandon umiinom nang tubig, si Mhariz at angel kumakain at si Kaycee nagp-psp ulit
"SIRAULO KA!! BWISIT KA DAMON, DEMONYO KA TALAGA!!!" Napatingin kami sa sumigaw, si sophia at pinapalo niya si damon, si damon naman tawa nang tawa
"Binully ka?" tanong ko
"HINALIKAN AKO NANG HUDAS NA TO!! BWISIT!" Tumigil na si sophia pero sinipa niya yung p*********i ni damon, hahahaha
"BWISIT KA SOPIYAAAAAA!!"
"Tara na!" Lumakad na kami at pumasok sa resort, nabasa ko pa na may signage sa gitna
"DANGER ZONE AHEAD"
Pagpasok namin, malakas na hampas nang alon at sariwang hangin ang sumalubong sa amin, malinis yung tubig pero yung mga cottages nila sira sira na at madami nang sapot nang gagamba
"Wow, ang ganda naman pala dito sa green marines eh!" Sabi ni Mhariz at nagselfie sila ni sophia
"Si gwen ba yun? Pero ayun yung suot niya kahapon eh, tsaka bakit parang madaming dugo?" Tanong ko sa sarili
"Guys ayun na ata siya!" tumingin sila sa tinuro ko at sabay sabay kaming naglakad
Pero tumakbo ako papunta sa kinalalagyan ni gwen at hinawakan ko siya sa balikat
"Gwen! Huy anung ginagawa mo diyan?!" Tinapik tapik ko siya, hanggang sa napahiga ang katawan niya
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Tumakbo sila papalapit sa akin at nagsigawan din, ang mga lalaki naman napamura sa nakita
"Bakit ganito ang itsura niya? May tusok yung dalawang pisngin, walang mata, may sulat yung mukha, demonyo ang gumawa nito! OMG!" napatalikod ako at nahagulgol, nilapaitan naman ako ni damon at niyakap
Nagsi-iyakan nadin sila, si angel nasuka pa dahil sa itsura ni Gwen.
"Guys, may kwintas si gwen at may papel" Lumingon kami kay brandon na ngayon ay may kinuhang papel, mamula mula pa ang mata at ilong ni brandon kasi umiyak
"There is no way to run, all of you will pay. Slowly, Painfully, Bloody. IT'S DEAD END Fab11
-BlackClown"
"Sino si Black Clown!!"
"Gagu yun ah? Gustong makipaglaro sa nakakadiring paraan!"
"Sht! Who is that b***h!"
"Gwen! Bakit si gwen pa!!"
Sari saring komento, mura at iyakan ang naririnig ko pero nabablangko ang utak ko. Siya din ba yung nagsulat sa blackboard?
Siguro siya nga!
"Anung gagawin natin sa katawan ni gwen?" garalgal at umiiyak na tanong ni vivi
"Huwag natin dapat ipaalam sa pulis na dito nakita ang katawan ni gwen dalhin nalang natin siya sa ospital" Sabi ko, nagsitanguan sila
Binuhat nang mga boys ang katawan ni Gwen at binalot sa isang kumot, buti nalang may ganun sa van ni brandon
Hinayaan ko nalang na sila damon, brandon at mhariz ang nagdala sa ospital at nagreport sa pulis
Dumiretso na ako sa bahay namin at pumasok sa kwarto ko at nagkulong
Kaya pala sa una palang ang weird na ng nangyayari, yung text, green marines, dahil lahat iyon ay hindi si gwen ang may kagagawan kundi si Black Clown
Alas-dies na pero hanggang ngayon di parin ako makatulog
IT'S DEAD END.
Dead end? Wala na kaming tatakbuhan? Mahahabol at mahahabol niya kami, alam kong yun ang ibig sabihin niya
*Call ring*
Calling: 09xxxxxxxxx
Wala sa sarili kong dinampot ang Cellphone at sinagot ang tawag
"Hello?"
"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Nagulat ako nang may tumawa sa kabilang linya, at ang tawa niya nakakakilabot, tinignan ko ang number at unregistered siya
"sino to?"
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH! AAAHHH! OO ALAM KONG MALAKI ANG PAGKUKULANG KO SAKANIYA BUT THIS IS TOO MUCH HINDI KO ALAM KUNG SINO KA AT PAANO MO NALAMAN ANG TUNGKOL DOON PERO SINASABI KO SAYO! SOBRA SOBRANG KAPARUSAHAN NA ITO!!!" OH MY GOSH! BOSES YUN NI GWEN!!!
"HELLO!! SINO BA ITO! s**t!" Dali dali akong nagbukas nang laptop at nagtype sa keyboard, at tsaka ko binuksan ang isang application sa laptop ko, nilagay ko ang password at tsaka ko nilagay ang cellphone number nito
"there's no way to run, because IT'S DEAD END"
-Call ended-
Tinignan ko ang laptop ko at nag lo-loading parin siya, bilis! Itong application na ito ay ginawa nila mom, ang mom ko ay nagtatrabaho sa government sa investigation at doon siya nakatalaga sa technologies, kaya ng makagawa ang organization nila itong application na ito ay pina-install niya sa akin.
Kaya ng application na ito, tukuyin ang buong bio data ng isang tao, kung nasaan siya mahahanap lang nila ang bio na iyun kapag inilagay ang cellphone number nang taong iyon or pangalan o kaya picture.
DATA NOT FOUND
Sht! siguro tinaggal na niya yung sim card at sinira! PESTE!
Pinatay ko na ang laptop at nahiga sa kama, nang magring ulit ang cellphone ko, at this time si Mhariz na ang tumatawag
"Hello?"
"Uhm hello, si gwen ayun sa autopsy, 1 day na daw mula nang pinatay siya, ibig sabihin isang araw na siyang patay, at yung nagtext sa atin ay si Black Clown, natatakot ako lyka! baka isunod niya ako!"
"Wait, inhale ka muna at exhale" kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagiyak
"Ayan kumalma ka muna, walang mangyayari sa atin kung hindi muna tayo lalabas nang bahay. school at bahay lang muna, at kung pwede magstick muna tayong magkakaibigan, magsamasam para walang mawala at mapatay, now umuwi ka muna at magpahatid kay brandon, lock your doors and windows okay?"
"Y-yes, thankyou lyka hanggang ngayon diko padin matanggap ang nangyari kay gwen, yung parents niya nandito at tinanung kami kanina basta ang sinabi lang namin nakita nalang natin si gwen na ganiyan sa daan, hindi namin binanggit yung tungkol sa text, at kay black clown at di rin namin sinabi yung sa green marines"
"That's good, kung maari wala dapat makaalam dyan, sige na take a rest"
"You too"
-toottoot-
Pinatay na niya ang tawag kay chinarge ko na ang cellphone ko at tumayo para isara din ang pinto at bintana ko tsaka nahiga para matulog, ANU NA KAYANG MANGYAYARI BUKAS?