LYKA'S POV
Para akong binuhasan nang malamig na yelo sa nalaman ko, hatred built in my heart para sakaniya tapos malalaman kong wala naman pala siyang kasalanan? Nagalit ako, nakulong siya, nagkahiwalay kami at nagkalayo sa kasalanang hindi pala dapat kami ang nagdusa?
Dapat pinaniwalaan ko siya
"LOVE PLEASE!! PLEASE!! DON'T LISTEN TO THEM! THEY ARE TRAITORS; THEY WILL STAB YOU BEHIND YOUR BACK!"
"SYEMPRE HINDI! KASI TANGA KA LYKA! HINDI MO NAKIKITA ANG TOTOONG SILA!! NABUBULAG KA SA KAISIPAN MONG MABAIT SILA KAHIT NA HINDI!!"
Dalawa na silang nagsabi sa akin nun, Ang boyfriend ko at si Black clown, does it mean? Hindi ko nga sila tunay na kaibigan?
"I'm sorry lyka" hinawakan niya ako sa kamay pero kinuha ko ang kamay ko
"Alam mo mapapatawad kita kung noong una palang umamin ka na! You're selfish, angel!" sigaw ko sakaniya.
"I know, i know kaya nga ngayon palang nagsosorry na ako"
"But the damage has been done"
"I know that too, Lyka. The other killer! She's a psycho! i swear! She is seeking for revenge, at may tattoo siya! a Joker! sa waist line niya! Hindi biro ang utak niya, matalino siya kaya huwag mong ipahalata sakaniya, and last black clown! honestly i don't know kung sino siya pero ang isang killer! Malapit siya sa atin! magaling magbalat kayo! Siya si ---- *BANG*"
Napatayo ako nang may bumaril kay angel, nabasag ang bintanang pinagdaanan nang baril Nagred alert ang ilaw, at may pumasok na guards sa kwartong ito, kaya lumayo ako. Saktong sa noo tinamaan sa angel, kaya i know dead on the spot na siya. Pero sino siya? ang killer?!
"ANONG NANGYAYARI DITO?! FREEZE!" Tinaas ko lang ang kamay ko at may stretcher naman na dumating at kinuha si angel, may mga pulis naman na dumating din at pinosasan ako.
Pagkababa namin, sinalubong ako nila Damon, Vivian, Brandon, Kaycee, Luke at Sophia.
"What happened?" takang tanong ni Luke
"I'll explain later" i said, pinasok naman nila ako sa patrol car at dinala sa City jail, nakita ko namang sumunod sila sa amin. Pagkapasok namin sa isang Kwarto, more like interrogating area
Pinaupo ako sa harap nang mesa at kaharap ko ay isang babae't lalaking pulis
"Now explain what happened, miss" sabi nung babae
"We were just talking, Angel is my Friend. and we are talking about some serious matter when someone shoot her, that's it" i said
"That's it? Ikaw lang ang nandoon at yung Angel, bakit nasa loob kayo nang kwarto nang ospital na hindi naman charged sa pasyente na kasama ninyo?"
"Kasi nga may sinabi lang sa akin si angel na seryosong usapan!" i said
"Then what is that serious matter?" they asked
"It's private" i said, bawal kong sabihin sakanila ang totoo. Dahil una sa lahat, wala akong proweba o maski wala akong alam kung sino ang killer
"So you are, Lyka Alonso the Daughter of Carmela and Douglas Alonso. The owner of L&L Fashion Line?" I nod
"May kilala ka bang pwedeng kagalit nung si Angel, Angel Wang?" Tanong nang lalaking officer
"None"
"Any possiblities? ---" Naputol ang tinatanong nang babaeng officer nang may pumasok na isa pang pulis at may hawak na laptop
"Deputy Jin and Deputy Karl! Ito na po ang CCTV Footage sa loob ng crime scene" nilapag nung lalaki yung laptop niya at sinaksak ang isang USB, at may binuksang file tsaka tinapat sa amin at plinay
"Makikita po dito, kahit na nakapatay ang ilaw nang kwarto. May night vision ang CCTV nang ospital kaya kahit madilim maliwanag parin ang kuha. Ayon po sa footage, naguusap lang po talaga sila at nang may bumaril kay Ms. Angel Wang sa right side at sa pangalawang window dumaan yung baril at ayon sa forensic, ang baril na balang ginamit ay may lason. Noong tinignan namin ang footage nang CCTV sa labas nang ospital, at sa katapat na building nang kwarto ay sira na ang mga CCTV's nila, at sa labas po nang kwarto or crimescene makikita din po dito na may kausap si Ms. Lyka sa Phone, at pagkatapos noon ay dumating si Ms. Angel at hinila siya papasok, nang makuha namin ang phone ni Ms. Lyka na nasa kama sa crimescene sa Call logs niya ay may nakita kaming phone number at nang hanapin namin ang may ari ng sim card, ay unavailable na, at we also saw a threat messages sa phone ng biktima, and same number sa call logs ni Ms. Lyka"
"So, Ms. Lyka. tine-threat niyo ba si Ms. Angel nang kasabwat mo?" tanong nung lalaking pulis
"Of course not! why would i?" takang tanong ko
"Mark! Deputy Jin and Karl! New message ang natagpuan sa phone ni Ms. Lyka at angel! Same number! kaka-send lang 2 mins ago!" May pumasok na babae na naka lab gown, at blonde ang buhok
"Sa phone ni Ms. Lyka ang sabi ng nagtext
'Angel wang is such a b***h! She betrayed me, muntik niya pa akong ilaglag sayo, good thing i killed her as fast as a lightnight bolt! Isn't i'm amazing. Too bad for you lyka, you didn't know who i am!'
at doon naman sa Phone ni Ms. Angel
'I know you're dead, and i know those fuckin officers will see this, You! yes officer you! Angel wang is not good as her face, she has a secret that no one knows except me! Let us estimate her, uhmmm she's daughter of Satan! and to tell you frankly Lyka is not the killer because sooner or later i will kill her too, like angel her friend! HAHAHAHA isn't i'm amazing? Haaayy! all police officers are so dumb!'
ayun po ang text messages, at yun po ang isang siguradong text na hindi si Ms. Lyka ang killer at nang hanapin namin ang number, unavailble na po ulit siya"
"Thankyou, Wendy. Ms. Lyka, matagal ka na bang nakakatanggap nang threats?" tanong nung babaeng officer. Lumabas na yung may dalang laptop, at yung blonde, at kaming tatlo nalang ulit ang natira
"No. Now that you know the truth may i go home?" they sigh in defeat at tinanggal ang posas ko tsaka lumabas, may pinapirmahan naman sila sa akin, at sinoli ang phone ko at kay angel at paglabas ko nandoon padin sila, ang mga kaibigan ko.
"Ano? Okay ka na?" tanong ni damon
Hindi ako sumagot, pero naramdaman ko na parang tutumba ako, buti nalang nasalo agad ako ni damon. Masyadong madami akong nalaman ngayon too much information kumbaga! at hindi kinaya nang utak ko.
Binuhat ako ni damon na pang bagong kasal.
"Ingatan mo si Lyka, dalaw kami sainyo bukas, take care of yourself" sabi ni vivian. Nagpaalam na si damon sakanila at pinasok ako sa kotse niya
Pagkaupo ko sa passenger seat, pumasok na siya sa driver seat
"Doon ka muna kaya sa pad ko?" tanong ni damon
"Yes please" sabi ko at pumikit na. How i wish sana ako nalang ang tinamaan nang bala! Hanggang sa hilain ako nang antok.