Angel's POV
"BASTA! MAY SAPAT AKONG DAHILAN LYKA! at yung kay mhariz---"
FLASHBACK (Chapter 7)
"Puntahan mo si Mhariz ngayon, Kunin mo yung pinadala kong panyo at itakip mo sa ilong niya at kami na ang bahalang kumuha sa kaniya"
"P-pero ayoko na! Please! itigil na natin to!" pagmamakaawa ko sa kausap ko
"Tapos ano? Huhulihin tayo nang pulis? Kakamuhian tayo ng lahat? Pero anong nakuha natin in return? wala! kasi kinamuhian na tayo hindi pa tayo nakapaghiganti! Now do your job o sasabihin ko sa Fab10 ang sekreto mo?"
"E-eto na nga e!" Tumawa lang siya at pinatay ang tawag. Huminga ako nang malalim at binuksan yung box na pinadala niya, Isang panyo at spray bottle, na naglalaman nang pampatulog na amoy. Tinakpan ko ang ilong ko at ini-spray ko yung pampatulog sa panyo at nilagay ko iyon sa bulsa ko
Tsaka ako nag ayos at Sumakay sa taxi papuntang bahay ni Mhariz
Nang makarating na ako doon, dumaan ako sa bintana
"PSST!" tumingin si mhariz sa bintana at nakita niya ako, kumakaway ako sakaniya at kumakatok sa bintana, nakita ko namang pagapang siyang naglakad papuntang bintana, at binuksan ito para makapasok ako
"Anung gnagawa mo dito?---"
"Wala, Bakit hindi ka nagpapakita sa barkada ngayon?"
"AYOKO! BAKA NANDITO LANG SIYA! Tsaka bakit hindi ka sa pinto or balcony dumaan? Bakit sa bintana pa?" tanong niya tumalikod siya, at alam ko na ito na ang tamang oras,
"Sorry Mhariz ah!" bago pa siya makalingon saakin, tinakpan ko na ang ilong at bibig niya nang panyo, nasinghot naman niya kaagad yung matapang na pampatulog at bumagsak ang katawan niya, hindi na ako nag-abalang itayo ang katawan niya at lumabas na ako nang bintana paglabas ko nang bakuran nila nakita ko naman di kalayuan ang kotse niya.
Pumara ako nang taxi at pagpasok ko, tumawag siya
"That was a clever idea, angel! sa bintana ang daan huh? By the way, Very Good! Oh i need you sa green marines, darling! NOW" Pagkasabi niya nun, pinatay na niya ang tawag
"Kuya sa Green Valley po" Tumango naman si kuya at nagdrive
---
"A-anong gagawin ko?" tanong ko, Lumapit siya sa akin at nginitian ako.
"All you need to do is follow my orders" Tumango ako at tumalikod na siya, paglabas ni blackclown galing sa pinto, tsaka kami pumasok
"B-bakit niyo nagawa ang bagay na ito?" Nginisian ko siya, para maipakita na matapang ako! May pinindot siya at tsaka tumaas yung rehas, lumapit kami sa kaniya at piniringan ko siya, siya naman binusalan niya si Mhariz. Pagkababa namin sa upuan
"Alam mo mhariz, kaya namin to ginagawa? DAHIL MAY SAPAT O SOBRA PA KAMING DAHILAN" Sabi niya at tsaka sumara na yung rehas at lumabas kami
"Thankyou for your help our little angel, now you may go!" Pagkasabi niya nun walang anu anong naglakad na ako palabas
Hindi dapat ako maging ganito! After these, sasabihin ko na ang lahat ayokong maging alipin ako nang sekretong meron ako!
----
"Tapos all the way? You acted like it's nothing?" Disappointed na tanong ni Lyka. Hinawakan ko ang kamay niya at pintong ko ang ulo ko sa lap niya
"It's all because of my darkest secret! Lyka! I'm sorry! I'm sorry!" Humagulogol ako nang iyak, tinap naman ni Lyka yung likod ko
"Anything happened for a reason; now tell me what is it? Your secret? I know this is the time for you to let go of the past" Sabi niya pero tumingin ako sakaniya
"No, Lyka not with you! alam kong kamumuhian mo ako kung sayo ko to sasabihin! Napakalaking kasalanan ito lyka,and i know hindi mo kakayanin kaya huwag na" sabi ko at napahagulgol ulit dahil sa isang sikretong pilit na nagshashadow over me
"No, Angel spill it"
"Please! Lyka! Forgive me! It was just an accident! I didn't mean it! i swear! I'm sorry!" sabi ko habang umiiyak, she held my face and she wipe my tears
"I know you are a good person angel, now tell me what is it" tumingin ako sa bintana nang muling magbalik tanaw sa akin ang lahat
"I swear, Lyka! It was just an accident"
FLASHBACK 2 YEARS AGO.
"Lester! Nasaan ang ate Lyka mo?" Tanong ko kay Lester, Lester Alonso. Twin Brother ni Lyka
"As usual kasama ang Boyfriend niya, haaay! I really hate him! kasi nang dahil sakaniya wala na kaming quality time ni ate" Nakasimangot na reklamo niya, nandito kasi kami ngayon sa Rooftop ng Campus namin.
"Anu kaba! Minsan na nga lang mainlove ang isang tao, ganiyan ka pa" Sabi ko. Lumakad kami sa edge nang Rooftop
"Anu kaya kung magpatihulog ako dito? Iiwan kaya ni ate ang boyfriend niya at sasaluhin ako?" tanong niya
"Sige nga!" Tawa ko, alam ko naman kasing hindi niya kayang gawin
"Nakakatakot eh! HAHAHAHA tulak mo ko" sabi niya. Kaya hinawakan ko siya sa braso at pabirong ginulat at tinulak nang mahina,
Pero hindi ko alam na sobrang magugulatin pala si Lester kaya aksidenteng nahulog siya sa rooftop,
"AAAAAAAAAAAAHHHHH!" Sigaw niya
"LESTER!"
"ANGEL TULONG, PULL ME UP!" sigaw niya, pero natatakot ako Baka mahila niya ako at pati ako mahulog
Nilamon ako nang takot ko that time kaya imbes na tulungan siya umatras ako
"SHT ANGEL! HELP ME!!"
"I'M SORRY LESTER- I'M SORRY!!!" Tumayo ako at tumakbo palabas nakita ko naman ang boyfriend ni Lyka, paakyat din sa rooftop
"Oh angel si Lester?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot at tumakbo na ako, at dumiretso sa parking lot at sumakay sa kotse, buti nalang naghihintay yung driver ko
(After 2 weeks)
Nandito kami ngayon sa presinto at sinamahan namin si Lyka.
"HOW CAN YOU DO THIS TO ME?!!" Sigaw ni lyka sa boyfriend niya, at pinaghahampas
"But love! You know that i can't kill your brother!!" Nagmamakaawang sabi niya. Tumingin siya sa akin at alam ko ang nais niyang gawin, ang isumbong ako. Magsasalita palang sana ako nang magsalita sila Sophia, Mhariz, Damon
"You know man! alam naming kaya mo, kasi i saw you arguing with lester sa likod nang school, but i didn't interrupt the two of you" Sabi ni damon
"Yea he is right Lykz, from the start mainit na ang dugo ng boyfriend mo sa kapatid mo dahil nga ang alam ko, magkakumpitensya sa isang illegal gambling yang boyfriend mo at si Lester, at lalong uminit ang dugo niya nang malamang tutol si lester sa relasyon niyo, so no doubt he can do that" panggagatong ni Sophia
"Kaya don't ask how can he did that, kasi obviously there is a big reason kung bakit niya gagawin yun" sabi pa ni Mhariz
"No love, huwag kang maniwala sakanila! Yes we are competitor sa isang gambling but that doesn't mean mapapatay ko na siya, at mainit ang dugo ko dahil tutol siya? No way! i know na nagseselos lang siya sa quality time na meron ka para sa akin, and that's childish kung magagalit ako nang dahil lang doon! You know me, lyka! " nagmamakaawang sabi niya, at lumuhod pa kay Lyka
"Then i conclude you're a childish" sabi ni Gwen
"Let's go, there is no reason to stay here" sabi ni Lyka at tumayo na. Nandito kasi kami sa isang kwarto sa loob nang presinto kung saan pwede mong makausap ang nasa city jail
"LOVE PLEASE!! PLEASE!! DON'T LISTEN TO THEM! THEY ARE TRAITORS; THEY WILL STAB YOU BEHIND YOUR BACK!" Sigaw niya pero lumabas na si lyka, dahan dahan akong lumingon sakaniya at nakita kong masama ang tingin niya sa akin.
After that incident nalaman ko na nahatulan nang 1 year imprisonment ang boyfriend ni Lyka, that supposed to be life time, pero ayon sa narinig ko natabunan daw ng pera nang family niya
Huminto si Lyka sa pag-aaral kaya pati kami huminto, wala namang kaso sa magulang namin yun dahil may pera kaya, kahit na anong araw pa kami bumalik sa eskwelahan walang kaso,
nang mag 3rd year kami ulit. Doon lang siya bumalik sa dati, sa pagiging mapalakaibigan, ngumingiti.