CHAPTER THREE

2745 Words
KABALIWAN pero hindi niya kayang pigilan ang sarili niya. Masyadong malakas ang atraksyong nararamdaman niya sa kapatid ng isa sa matalik niyang kaibigan. Alam niyang  maaring masira ang samahan nila ni Rad, pero ayaw gumana ng matinong parte ng utak niya. Ang alam lang niya ay masaya siya. Ilang halik pa ang pinagsaluhan nila bago niya ito tuluyang inihatid  sa tahanan ng mga ito ang dalaga. Walang kahit na anong usapan sa pagitan nila ng dalaga. Nagkakaintindihan sila sa kung anuman ang nangyari kanina. Wala siyang binitiwang pangako dito bago sila naghiwalay kundi ang kasigurahang magkikita sila bukas. Kung maari nga lang ay hindi na ito mawala sa panin gin niya. Kailanman ay hindi niya nadama ang ganitong pakiramdam kay Bettina. Nandoon ang matinding simbuyo ng damdamin pero naroroon din ang takot na maaari itong mawala sa kanya. Ang pagkawala ni Bettina sa buhay niya ay isang malaking panghihinayang at kahihiyan. Panghihinayang dahil halos sampung taon ang inubos niya. Maging sa pinansyal ay napakalaki na rin ng nagastos niya sa dalaga. At kahihiyan dahil ipinagpalit siya nito sa tauhan niya at dinala pa ang  inipon nila. Sobrang nakakahiya dahil nalantad ito sa maraming tao, wala man lang siyang nagawa para protektahan ang sarili sa mga usyusero at usyusera. Kailangan niyang maging maingat sa pagkakataong ito, hindi siya papayag na basta na lang mawawala sa kanya si China. Hindi pa man niya alam kung anong dahilan at pumapayag si China sa mga ginagawa nila ay naroon na ang kasiguraduhan sa puso niya na magiging kanya ito. Mamahalin niya ito sa abot ng makakaya niya.  Naroon din sa puso  niya ang matinding alinlangan. Alam niya kung anong klaseng lalaki ang pangarap ng pamilya nito para sa dalaga. At wala siya sa kalingkingan ng mga ito. Nasubaybayan niya ang pagdadalaga nito. Dalagita pa lang ito ay sadyang marami ng kalalakihan ang nabibighani sa ganda ni China. Pero kung ikaw ay binatang nagbabalak manligaw dito ay kailangan mo ng matinding lakas ng loob para harapin si Rad at ang buong barkada nila. Hindi papayagan ni Rad na mapunta lamang sa walang kwenta at walang binatbat na lalaki si China. Naniniwala siyang may espesyal itong nararamdaman sa kanya kaya pumayag itong halikan niya. At napakaswerte niya dahil alam niyang siya ang unang halik ng dalaga. Sa umpisa kase ay tila ito tuod na hindi alam kung paano tutugunin ang mainit niyang halik. Ngunit kalaunan ay naturuan din ng mga labi niya kung paano nito tutugunin ang kanyang mainit na mga labi.  Hindi muna dapat malaman ng pamilya ni China ang lahat. Kailangan niyang unti-untiin upang maihanda ang mga ito. Dahil kahit siya ang nasa katayuan ni Rad at ng mga magulang nito ay mahirap tanggapin na isang kagaya lamang niya ang makakakuha sa unica hija ng mga Almalvez. Kailangan niyang maging karapat-dapat kay China. “BOSS okey na itong kotse ni China?” tanong ni Max sa binatang bumababa ng hagdan. Lumang style ang bahay nina Bastian. Namana pa ito ng magulang niya sa Lolo Vino niya. Sa harapan ay hagdan na may limang baytang ang bubungad. Yari sa matitibay na uri ng kahoy ang bahay. Matagal na sana niyang gustong iparenovate ang bahay pero ayaw ng magulang niya. Ang gagastusin daw niya sa renovation ay ipagpagawa na lamang niya ng magandang bahay para sa magiging pamilya niya. “Ayos na ‘yan. Tinapos ko kagabi!” Pagkatapos nilang maghiwalay ni China ay ang pag-aayos ng kotse nito ang inatupag niya. “Himala bossing… parang hindi ka nakatoma kagabi!” Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. At baka kung saan pa mauwi ang mga tanong nito. Kilala din naman niya ang pagkatsismoso nito. “May lakad ka ba boss? Ako na lang ang maghahatid nitong kotse ni China!” prisinta nito. “Tiyak na makakalibre ako ng tsibug at masisilayan ko pa si China!” matindi rin talaga ang tama nito sa dalaga. “Ako na ang magdadala niyan. Idadaan ko yan ngayon bago ako dumiretso sa Amigos!” sansala agad niya dito. “Sure ka bossing na sa Amigos ang punta mo?” tila may pagtataka sa tono nito. “Bakit?” ngayon lang yata siya maiinis sa pagiging mausisa nito. “Akala ko ay may date ka. Humahalimuyak ka at mukhang bago iyang suot mo, ngayon ko lang nakitang isinuot mo!” inikutan pa siya nito at inamoy-amoy. “Kung ano-anong pinagsasasabi mo, at saka matagal ko na itong binili. Ngayon mo lang seguro napansin dahil ngayon ko lang isinuot” ang totoo ay bago talaga yung suot niya, matagal  ng nakatago sa drawer niya. Hinalungkat pa niya iyon sa taguan. “Ibang-iba ka ngayon boss! Kahit noong kayo pa ni Betty ay di ka naman pumuporma ng ganyan. Pati amoy mo ay katulad lang ng sa amin dati… amoy pawis!” tama naman ito, balewala sa kanya kahit anong porma niya noon, basta nakaligo siya ayos na. Kung anong mahila niyang damit, iyon ang isusuot niya. Nasapok tuloy niya ito ng wala sa oras. Ang dami kaseng pinapansin. Sapok pagmamamahal lang naman dahil hindi man lang ito nasaktan. Tinawanan pa nga siya. “Kung lagi ka sigurong ganyan ay baka hindi ka iniwan ni Bet…!” ang tawa nito ay may halong pang-asar. Hindi pa sana ito titigil kung hindi napansin ang masama niyang tingin. Kamot-kamot ito sa ulo na lumayo sa kanya. Alam din kasi nito kung paano siya magalit. Nakikipagbiruan siya rito pero kapag hindi na siya kumikibo ay alam nitong dapat na itong tumigil. Kahit malaking tao siya ay hindi siya yung tipo ng tao na ginagamit ang lakas niya kapag galit. Tahimik lang siya kapag galit. Isang beses pa lang siya nagalit na talagang halos makapatay siya gamit lang ang kamao niya. Ipinagtanggol niya ng panahong iyon si Rad. Naunahan ito kaya hindi nakalaban ng parehas. Siya ang tipo ng kaibigan na hindi nang-iiwan sa laban. Pero siya rin ang kaibigan na gagawa ng paraan upang hindi umabot sa pisikal na sakitan ang hindi pagkakaunawaan. Madalas na siya ang taga-awat ng barkada. Lalo na sa away-bata nina Bong at Macoy. Siya rin ang nagsisilbing shield ni Rad sa mga kayabangan nito.  MATAPOS ihatid ang kotse ni China ay ipinagpaalam niya ito na iroroad test ang sasakyan para siguraduhing hindi ito masisira sa pagbalik ng dalaga sa Maynila. Ang mga magulang pa nito ang nahiya sa pang-aabala sa kanya. Nakokonsensya siya sa walang katapusang pasasalamat ng mag-asawa sa pag-aayos niya ng sasakyan ni China ng libre, at pati ng pagbibigay niya ng serbisyo na iroad test ang sasakyan. “Kung alam lang ng mga ito!” Pasimple niya itong binigyan ng halik sa labi ng makitang tumalikod na ang mag-asawa na inihatid pa sila sa sasakyan. Mabilis lang. Tikim lang. Mabawasan lang ng kahit konti ang nararamdaman niyang pagkasabik dito. Magdamag siyang hindi pinatulog ng kakaisip dito. Itinuon na niya ang pansin niya sa pagmamaneho. May pagmamadali ang pagmamaneho niya. Gusto niyang makarating na sila sa destinasyong binalak niya. Kagabi pa niya nakontak ang isang kaibigan na taga-Los Baños. Hindi ito kilala ng mga kaibigan niya kaya safe sila na hindi makakarating kay Rad. Nakontento na lang muna siya sa minsanang paghalik sa mga kamay nito habang nagmamaneho. At bawat traffic na madaanan nila ay umaamot siya ng saglit na ligaya sa mapupula nitong labi. Para syang teenager na ngayon lang nakaranas magkasyota. Naiinis siya sa inaasal niya pero hindi nbiya kayang pigilan ang sarili. ISANG private resort sa Los Baños ang pinasok nila.  para siyang umarkila ng  isang private pool.  Solo nila ang lugar. Inihatid sila ng caretaker sa isa sa mga silid ng resort. Sa ngiti ng caretaker ay tiyak na iniisip nitong nasa honeymoon sila ng dalaga.  Pagkalabas ng caretaker ay agad hinagilap ni Bastian ang kamay ng dalaga. Hinila ito at hinapit upang mayakap ng binata. Hahalik na sana ito ngunit pinigil ito ng dalaga. “Can we talk first!?” kagabi pa siya nabibilisan sa mga pangyayari pero hindi siya tumutol dahil kay tagal niyang pinangarap ang mga sandaling kagaya nito. Pero kailangan niyang makasiguro na hindi laro lang ang lahat ng ito, ayaw rin naman niya na maging panakip-butas lang sa iniwang puwang ni Bettina. Pakiramdam nga niya ay tila isa siyang mababang uri ng babae dahil pumapayag sa kahit saang lugar siya dalhin ni Sebastian. Ni hindi man lang niya iniisip kung tama ba ang ginagawa niya. Para siyang babaing walang kahihiyan na basta na lang nagpapahila sa lalaki saan man siya dalhin. “Later sweetie!” hindi rin niya napigilan si Bastian na gawaran siya ng halik. Na tinugon rin niya ng kapares ng alab. Hindi niya kayang tanggihan ang lahat ng ginagawa sa kanya ni Sebastian.  Si Bastian rin ang pumigil sa nagsisimulang apoy sa pagitan nila. Kusa nitong pinakawalan ang mga labi niyang uhaw sa mga halik ng binata. Kinulong nito ang pisngi niya sa malalaki nitong palad. Pinagkiskis nila ang  kanilang mga ilong . Parehong may ngiti sa mga labi nila. Mga ngiting nakakatunaw ng puso. Iginiya siya nito sa nag-iisang sofa sa silid. “Mag-uusap tayo di ba?” tila pagpapaliwanag kung bakit niya itinigil ang paghalik.  Tumango siya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang napakaraming tanong na nag-uunahan sa isip niya. “Bakit dito tayo pumunta?” Napangiti si Bastian sa tanong ni China. Napakainosente nitong tingnan habang hinahanapan sya ng kasagutan sa mga tanong nito. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay hinawakan ni Bastian ang mga kamay niya. “China maniniwala ka ba kung sasabihin ko na gusto kita… gustong-gusto kita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko, alam ko na alam mo na kagagaling ko lang sa isang relasyon na inakala ko na panghabang-buhay. Sa ngayon ay isa lang ang alam ko… masaya ako. Wala kahit isang saglit na hindi kita naiisip simula noong nakita kita noong isang araw. Addict na addict ako sa mga labi mo, naroon iyong pakiramdam na maisip pa lang kita ay nagsisikip na ang dibdib ko sa pananabik sa’yo!” Masaya na siya na kahit paano ay may espesyal na damdamin ito sa kanya. Sobra pa nga sa inaasahan niya. Ang gusto nga lang niya dati ay yung kahit paano ay makita siya nito bilang babae, bilang babae na pwede nitong mahalin at ipalit sa dating kasintahang si Bettina. “Ikaw? Bakit ka pumapayag na halikan kita? Huwag mong sabihin na matagal ka ng may crush sa akin, at kaya ka nagsusuplada sa akin ay dahil diyan sa itinatago mong damadamin!” hindi niya alam kung nagbibiro ito pero literal na namula ang  mga pisngi niya sa kahihiyan dahil natumbok nito ang damdamin niya. “Oh my god! Totoo na may gusto ka sa akin!” hindi makapaniwalang wika nito ng makita ang pamumula ng mga pisngi niya. Ang totoo ay biro lamang yun, malabo na ang isang kagaya ni China ay mapansin siya. Hindi tuloy siya makatingin ng deretso rito. Paano ba niya aaminin ng hindi naman siya magmumukhang kawawa. Hindi na kase niya kayang itanggi ang natumbok nitong damdamin niya. “Kaya ba nagsimula kang umiwas sa akin ng magdalaga ka na?” patuloy na tanong ni Bastian sa dalagang namumula sa sobrang hiya. Tango lang ang naging tugon niya.  Tila tumalon sa tuwa ang puso ni Bastian sa nalaman. Hindi kapani-paniwala pero totooong naririnig niya sa dalaga ang isang katotohanan na tila imposible para sa kanya. “Kung ganoon ay matagal na kitang nasasaktan kapag nakikita mong magkasama kami ni Bettina? Hindi ko mapaniwalaan ito! Ikaw magkakagusto sa akin? Pakiramdam ko nga ay ang kapal ng mukha ko na isipin na bagay tayo!” isang malakas na halakhak ang lumabas sa mga bibig, tawang hindi makapaniwala sa mga natuklasan.  Hinayaan lang siya ni China na tawanan ang natuklasan. Sa bandang huli ay tumigil din siya sa pagtawa ng makitang tinititigan siya ng namumulang mukha ng dalaga.  “Huwag mong sabihin yan dahil sa paningin ko ay walang ibang babae na maaring bumagay sa’yo kundi ako lamang. Kahit iyang Bettina na ex mo ay walang binatbat sa akin!” mataray na wika ni China. Napatitig lang ito sa kanya na parang hindi makapaniwala na siya ang nagsasalita at nagtataray. “Totoo naman  di ba?” “Tama ka kahit sino pa sila ay wala talagang binatbat sa’yo. Nag-iisa ka lang na napakagandang babae na nagkagusto sa negrong  kagaya ko!” “Huwag mong maliitin ang negrong ito!” mariing dinutdot pa nito ang dibdib ng binata. “Dahil ito ang lalaking matagal kong pinangarap. Matagal kong idinambana sa puso ko. Nag-iisang lalaking naghari sa puso at isipan ko!” mangiyak-ngiyak siya habang binibigkas ang mga katagang nagmumula sa puso niya. Mga pangungusap na madalas bigkasin ng puso niya ngunit ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na maisatinig sa harap pa mismo ni Bastian. Tuluyan ng naglaho ang hiyang nararamdaman niya. Mangiyak-ngiyak na nakatitig lang sa kanya si Bastian. Hindi pa rin nito mapaniwalaan na nangyayari ang lahat. Kaya ba siya nasaktan ng ganoon kay Bettina, para malaman niya kung gaano siya kaswerte sa pagdating na ito ni China sa buhay niya. Totoo nga na kapag may nawala ay may dadating na higit pa sa inaakala niya. Mas higit pa sa isandaang ulit. “Walang-wala ako kumpara sa mga manliligaw mo. Looks pa lang dehado na ako!” biglang pumasok sa isip niya na napakaswerte niya, pero hindi ba lugi sa kanya ang dalaga.  “Ano bang sinasabi mo? Kung naiinsecure ka sa mga suitor ko ay ako na ang magsasabi sa’yo na huwag. Ang dami na nilang nanligaw sa’kin pero may kahit isa ba na nakapasa sa puso ko? May nabalitaan ka ba na nagkaboyfriend ako?” ayaw niyang maramdaman ni Bastian na hindi ito karapat-dapat sa kanya. “Ang akala ko noon ay si Bong ang gusto mo!” Sa kanilang lahat ay pinakabagay si Bong sa dalaga. Magandang lalaki si Bong, at galing sa prominenteng pamilya. “Yung playboy na ‘yon. Natutuwa lang ako sa mga jokes niya. Kung sya ang type ko ay matagal ko na sana syang asawa!” naalala niya ang kabaliwan ni Bong noon,  akala nito ay papayag siya na maligawan nito. “Nanligaw ba sa’yo si Bong!?” literal na umasim ang mukha ni Sebastian ng banggitin ang pangalan ng kaibigan. “No! pero nagtanong  siya sa akin kung pwede!” si China naman ay  napangiti ng maalala ang sandali ng kabaliwan ni Bong. “Hindi namin alam. Wala siyang inulit sa barkada!” naiinis siya ng malamang plinano ni Bong na ligawan si China. “Dapat lang na wala siyang ulitin dahil hindi nga ako pumayag na magpaligaw. At saka  nangako siya na titigilan ang mga kabaliwang naiisip niya. Magkakasira lang sila ni Kuya Rad, e wala naman siyang aasahan sa akin!” “Speaking of Rad. Ikaw na rin ang nagsabi na maaaring masira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman niya na tinalo ko ang kapatid niya. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maihanda ang kuya mo, hayaan mong dahan-dahanin ko ang pagsasabi sa kanya. Kilala natin pareho ang kapatid mo. Ang lahat ng bagay na hindi papabor sa gusto niya ay idinadaan niya sa init ng ulo!” “Until when!?” nasa tono niya ang pagtutol. Ang tagal niyang pinangarap ito pagkatapos itatago nila. “Kuya will understand! Bahala siya kung ayaw niya!” may pagmamaktol ang tinig niya. Gusto niyang ipagmalaki sa lahat na kanya na si Bastian, na wala ng karapatan ang sinumang babae na pangarapin ito. “Hindi pwede ang ganoon China. Kailangan kong harapin ang pamilya mo sa maayos na paraan. Hindi nila basta-basta matatanggap na ako ang boyfriend mo. Baka nakakalimutan mo na nakita kitang lumaki at alam ko kung gaano kataas ang pangarap ng pamilya mo sa’yo. Hindi isang katulad ko lang ang gusto nila para sa’yo!” Siguro nga ay tama ito. Ibang mag-isip ang binata, hindi katulad niyang sariling damdamin lang ang pinaiiral. Hindi talaga siya nagkamali na ito ang mahalin. Iniisip din nito ang magiging damdamin ng pamilya niya. Pero paano naman siya, ngayon pa lang siya magkakaboyfriend tapos secret pa. Naiinis siya. Ayaw niya ng ganoon, handa naman siyang ipaglaban si Bastian sa pamilya niya.  “Pipilitin kong masabi agad kay Rad. Kung ako ang tatanungin ay ayoko rin na ilihim ito ng matagal. Mahirap na! Baka magbago pa ang isip  mo!” pinisil ng kaliwang kamay ng binata ang kanang kamay niya. " Magtiwala ka lang, ako na ang bahalang magsabi sa kuya mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD