CHAPTER FOUR

3733 Words
Umuwi rin sila agad matapos magtanghalian sa resort na pinuntahan nila. Ayaw ni Bastian na sirain ang malaking tiwala na ibinigay ng magulang niya, sa pag-aakalang katulad ito ni Rad na nakababatang kapatid ang turing sa bunsong anak ng mga ito. Sa prinsesa ng mga  Almalvez. Kagabi lamang ay halos magdamag silang magkausap sa cellphone. Marami silang pinag-usapan. Sari-sari. Trabaho nila, politika sa lugar nila, negosyo at mga latest issue sa lipunan. Maging ang mga lovelife ng kaibigan nito ay napagkwentuhan pa nila. In-update siya nito sa buhay ng mga kaibigan nito sa ngayon. Bago magtanghalian ay dumating ang kuya Rad niya. Once a month ay talagang umuuwi silang magkapatid sa mga magulang nila. Simula ng piliin ng daddy niya ang magretiro sa pagiging presidente ng kompanyang minana ng mommy niya sa mga magulang nito ay ang kuya Rad na niya ang pumalit dito. Sa kabila ng pagiging babaero ng kapatid niya ay nakapaloob ang isang mahusay na pinuno at negosyante. Higit na naging maunlad ang kompanya nila simula ng hawakan ng kuya niya ang pamamahala. Palibhasa seguro’y napilitan lang ang ama nila na hawakan ang kompanya ng pamilya Tan dahil sa pagmamahal sa ina nila. Three  years pa lang ang nakakalipas ng siya naman ang tuluyang humawak ng Finance Department ng kompanya. Tuluyan ng ipinaubaya ng mga magulang niya ang lahat sa kanilang magkapatid. Dumadalaw pa rin naman ang daddy niya sa kompanya, lalo’t kapag may mga board meeting. Mas gusto ng daddy niya ang manatili sa lugar kung saan ito lumaki. Mahal na mahal ng daddy niya ang San Pablo. Mas pinili nito ang palakihin sila sa lugar na ito kaysa isama sila sa Maynila noong maliit pa silang magkapatid. Pinipilit nitong maging uwian para lang makita sila. Balewala dito ang  mahabang biyahe. At saka ang mommy na rin niya ang nagsabi na madignidad na tao daw ang daddy niya. Hindi nito hinayaan na madiktahan sila ng aristokratang pamilya ng mommy niya. Ginampanan lang talaga ng daddy niya ang tungkulin nito bilang mabuting manugang sa magulang ng mommy niya. Nag-iisang anak ang mommy niya kaya natural na ang mommy niya ang aasahan ng pamilya sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang daddy niya ang sumambot ng tungkuling para sana sa mommy niya.  Maraming pagsubok din ang dinaanan ng pamilya nila, lalo na sa pagsasama ng magulang niya. Inspirasyon para sa kanya ang pagsasama at pagmamahalan ng magulang niya. Sa ngayon ay masayang minamanage ng mag-asawa ang isang maliit na nature resort sa may karatig barangay. Sa tingin nga nila ng kuya niya ay ginagawa lang libangan ng mag-asawa ang resort dahil halos hindi naman kumikita ang resort dahil mapili ang mag-asawa sa mga kostumer. BAGO pa maghapunan ay isa-isa ng nagdadatingan ang mga kaibigan ng kuya niya. Sanay na siya. Ganoon talaga kapag dumarating ito. Hindi maaring hindi magpapakita ang mga kolokoy. At saka iyon na rin ang time para sa monthly report ng Amigos Construction Supply. At syempre  hinihintay nya rin ang araw na iyon. Patago syang nagnanakaw ng sulyap sa kanyang pinakamamahal na lalaki. Hindi sya nauubusan ng dahilan para lang makasulyap ng saglit kay Bastian. Nandoong  magdala sya ng meryenda kahit naroon naman ang katulong nila, mga importanteng tanong na isinasabay sa pagpunta ng mga kaibigan ng kuya nya kahit pwede namang  maghintay sya kung kelan walang kausap ang kuya nya, at marami pang dahilan makasulyap lang sa pinakamamahal niya. Alam na niya ang routine ng mga ito pagkatapos ng isang masaganang hapunan. Magrereport si Macoy, sesegundahan ng pagpapapirma ni Bong ng mga importanteng papeles. Tatawag ang kuya niya kay Pacita  at magpapalabas ng inumin. Ganoon palagi at hindi titigil ang mga ito hanggat hindi mga lasing. Dati ay wala siyang pakialam kahit magpakalunod ang mga ito sa alak. Minsan nga ay naisip pa niyang samantalahin ang kalasingan ng mga ito para mapasakanya si Bastian. Pinakamatibay sa inom ang kuya niya kaya hindi siya nagkaroon ng tsansa na maakit si Bastian. Iba na ngayon. Siya na ang kasintahan ni Bastian. Kasintahan? Tama bang iyon na ang isipin niya dahil nag-aminan na sila ng nararamdaman. Gusto sana niyang pagsabihan si Bastian na huwag masyadong magpakalasing, pero paano niya gagawin iyon ng hindi makakapansin ang mga kaibigan nito. Lalo na ang kuya niyang dudero. Nagtext na lang siya kay Bastian. TUNOG pa lang ng cellphone niya ay alam na niyang si China. Ganoon ito magtext, dalawa agad na magkasunod kahit pareho naman ng nilalaman. Nagpapaalaala ito na huwag siyang magpakalasing. Na agad naman niyang nireplayan  na huwag syang alalahanin nito. “Aba pare mukhang may katext ka!” biro agad ni Bong. “Tama lang yan p’re… huwag mo nang pakaisipan si Bettina. Hanap ka agad ng kapalit!” si Macoy. “Si Max, ipinaalala lang yung lakad namin bukas!” “Aba marunong nang magtext ang kolokoy na ‘yun!” tila hindi naniniwalang turan ni Rad. “Nag-aral magtext para sa mga chicks niya.” Tugon niya. Bigla rin tuloy syang napaisip kung marunong ngang magtext si Max. Dahil never pa itong nagtext sa kanya, dahil puro tawag ang alam nito. “Pare ano na  nga palang balita kay Bettina? Nakuha mo pa ba ang pera mo? Malaki-laki rin iyon!” usisa pa ni Rad. Mabuti na lang at iniba ni Rad ang pinag-uusapan nila, kung hindi ay mapipilitan syang ituloy ang kasinungalingan. “Hindi ko na hinabol pa! Pera lang yun, kikitain ko pa iyon!” ngayon niya pa maisip maghabol, halos si China na lang ang tumatakbo sa isip niya. “Tama iyan pare. Tigilan mo na rin ang katotoma, balita ko ay ginagabi-gabi mo. Baka mamaya niyan hindi na kayo makapagtrabaho. Tama na iyong once a month or once a week. Tulad ngayon.” natutuwang turan ni Rad na may kasama na ring pagpapayo. “Hoy Rad huwag kang pagoodboy dyan at hindi mo kami mapipigil sa pag-inom!” Angil ng tomador din na si Alfred. “Paalala lang iyong sa akin!” nangingiting turan nito. “Teka may isang linggo na yata na hindi nagyaya ng inom yang si Basty Boy!” si Alfred pa rin. “Good for you p’re!” duweto pa nina Rad at Macoy. “Kumusta na nga pala iyong negosasyon mo kay Alexander Diaz?” pag-iiba ni Bong sa usapan. “Ayos naman! Medyo nakakairita nga lang ang  kakulitan  ng isang iyon. Malakas ang tama kay China. Ako ang kinukulit kay China.” “Aba pare alpasan mo na yang kapatid mo at baka tumandang dalaga!’ natatawang wika ni Macoy. “Walang problema sa akin p’re, ipinagtutulakan ko na nga si China kay Alex. Wala na siyang hahanapin doon sa tao, inlove na inlove pa sa kanya. At saka p’re kilala ko yang si Alex… hindi siya iyong tipo ng lalaki na gagaguhin ang kapatid ko!” halatang botong-boto ito sa manliligaw ni China. “At saka malaking bagay sya sa negosyo kung saka-sakali.” “Sama ako dyan ng sampu!” wika ni Bong. “Hindi naman siya lugi sa ating dalaga. Materyales pwertes si China, kung nagkataon nga na medyo kaidad lang natin si China ay baka naging magbayaw pa tayo!” biro pa nito. “Ulol!” binato pa nito ng pulutang kornik si Bong na hindi naman nito naiwasan. “Hindi ko pinangarap na maging bayaw ang isa man sa inyo… kilala ko ang likaw ng mga bituka ninyo!” Aray ko! Damang-dama ni Bastian na tinamaan siya. Lalo tuloy siyang pinanghinaan ng loob na sabihin kay Rad ang relasyon nila ni China. “Sakit mo namang magsalita p’re!” si Macoy. “Tigilan mo ako Macoy… lalo ka na Bong… bugbog ang aabutin nyo sa akin!” “Bakit kami lang? May isa pa ditong binata. Kapag ba si Bastian ay pwede?” tiningnan nito ang nananahimik na si Bastian. May paakting-akting pa ito na tila nagtatampo. “Huwag ninyong itulad sa inyo si Bastian at never niyan akong tatalunin! Di ba pare?” tiningnan pa siya ni Rad ng mata sa mata. Hindi niya alam ang isasagot niya. Mabuti na lang at may kakulitan talaga itong si Bong. Dito nabaling ang atensyon ni Rad. “Huuu! Fake yan p’re!” buyo ni Bong. “Akala mo ba ay santo yang kumpare natin na iyan? Pare demonyo rin yan… demonyo sa kama!” nagtawanan  ang mga ito sa hirit ni Macoy. “Balita ko nga rin iyan! Lumalabas daw pagka halimaw mo kapag nasa kama na.Galit na galit nga si misis dun sa nagtsismis sa kanya na kaibigan ni Bettina!” sabad din ng pangiti-ngiti lang na si Alfred. Doble-dobleng kahihiyan talaga sa buhay niya si Bettina. Pati ba naman mga ginagawa nila sa kama ay nagagawa pa nitong ikwento sa ibang tao. Bigla tuloy napaikot ang paningin niya sa paligid, baka kase marinig ni China ang mga sinasabi ng kaibigan. “Maluwag din talaga ang turnilyo niyang si Bettina ano? Biruin mo na tagalan mo ang babaing iyon!” nailing na wika ni Macoy, sabay lagok ng tagay niya. Hindi siya komportable sa tinatakbo ng kwentuhan ng mga kaibigan. Kilala niya ang mga ito, kapag pinigilan ay lalo manggigil ang mga ito na pag-usapan. Mas mabuti ang manahimik kaysa may masabi siya na lalong ipagduda ng mga kaibigan. “Ito pare ay ngayon ko lang sasabihin sa’yo!” may kaseryosohan ang tinig ni Rad “ sa totoo lang ay hindi talaga ako boto dyan kay Bettina, hindi na nga lang ako nagsalita pa dahil napansin ko na mahal mo talaga yung babaing ‘yun!” “Kami man ni Bong ay ganun din!” segunda pa ni Macoy “Hindi kami nagpapasalamat na nasaktan ka pare, nagpapasalamat kami na nakalaya ka sa baliw na babaing ‘yun!” “Kahit ang mareng Theresa mo ay ayaw rin talaga diyan kay Bettina, ang gusto nga ng kumare  mo ay ipakilala ka sa ibang babae at baka daw matatauhan ka pag nakakilala ka ng iba… naunahan ka naman ng pagloloko ng babaing ‘yun!” Ngayon lang nagsalita ang mga kaibigan niya ng laban kay Bettina. Napakatagal na panahon ang sinayang niya kay Bettina. Kung noon pa sana niya napansin si China. Baka isa na silang masayang pamilya. Baka napakasarap na ng buhay niya sa piling ng isang maganda at mabait na asawang si China at marahil ay may mga anak na rin sila. Inakala niya talaga na si Bettina na ang mapapangasawa niya. Ilang beses rin niya itong inalok ng kasal, na ilang beses rin nitong tinanggihan dahil sa pinasyal na aspeto. Noong maayos na ang mga negosyong pinasok niya ay heto naman ang nagyaya ng kasal pero siya naman ang parang nag-alinlangan hanggang sa nagloko na nga ito. Natapos at natapos ang inuman ay hindi na siya nagkaroon pa ng lakas ng loob na sabihin kay Rad ang relasyon nila ng nakababatang kapatid nito. “PAGBALIK ko bukas ay sumabay ka na sa akin!” wika ni Rad habang kumakain sila ng hapunan. Tanghali na ito nagising dala ng kalasingan ng sinundang gabi. “Kuya pwede ba akong humingi ng kahit 3 days vacation man lang!” “Not now baby girl… kailangan ka sa opisina, marami kang dapat tapusin. Ang haba na ng bakasyon mo, sa susunod ka na lang uli humirit ng bakasyon!” tanggi ni Rad sa hiling ng kapatid. “Rad pagbigyan mo na ang kapatid mo, minsan na nga lang kayo magtagal dito sa bahay!” ayon ng mommy niya sa gusto niyang mangyari. “Tama ang mommy mo Rad, minsan lang naman humiling ng mahabang bakasyon si China!” segunda pa ng daddy niya. “Okey lang naman sa akin dad, pero kailangan ko talaga siya sa dinner meeting ko tomorrow!” ayaw talaga nitong pumayag. Naalala na niya na ang meeting na binabanggit nito. It concern with the Diaz industries. Tiyak na isa siya sa mga kapritso na hiniling ni Alex. “It’s in the evening… kaya susunod na lang ako ng after lunch!” tiyak kase na madaling-araw ang luwas nito. “Be sure na luluwas ka, at aabot ng dinner!” wala itong tiwala sa kanya, ilang beses na kasi niya itong inindyan sa mga date na isinet nito sa kanila si Alex. Tumango lang siya, pero nag-iisip na sya ng magandang dahilan para hindi siputin ang dinner date na pinaplano ng kapatid niya. Napansin niya na tila natigilan ang kuya niya. Tila may naalala. “ Mabuti pa ay mapasabay na lang kita kay Bastian, naulit niya na luluwas siya bukas. Hindi nga lang naulit saken kung saan ang punta niya.” Great! Pag sinuswerte nga naman! ngiting-ngiti ang puso niya, hindi lang siya nagpahalata sa mga kasalo sa mesa. "kuya huwag mo ng abalahin yung tao!" kilala niya ang kuya niya. Once na tumanggi siya ay lalo nitong ipiipilit ang gusto "kaya ko namang bumalik ng Manila ng mag-isa!" "Mabuti na yung segurado China, kaya sa ayaw man o sa gusto mo ay sasabay ka kay Bastian!" desididong tugon ni Rad. "Paano ang kotse ko?" umaarte pang tanong niya sa kapatid. "Iwan mo na dito. After ng dinner date mo kay Alexander Diaz ay reregaluhan kita ng sasakyan!" nakangiting wika ng kapatid niya.  Masyado yata siyang sinuswerte ngayon. Makakasama na niya ang boyfriend niya, bibilhan pa siya ng kapatid ng sasakyan. MAAGA pa ng makarating sina Bastian at China sa condominium unit niya. Sumaglit lang sila sa supplier ni Bastian ng parts ng sasakyan. Saglit lang itong nakipag-usap. “Sure ka ba talaga na sasama ka sa dinner appointment ng kuya mo?” tanong agad ni Bastian kay China pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng condo. “Ayaw mo ba?” tanong ng dalaga na agad na naglambitin sa leeg ni Bastian. “Syempre gusto ko na nandito ka lang… pero alam ko rin na trabaho yan!” “Hindi mo man lang ako pipigilan… kahit alam mo na nandun si Alexander!” Napangiti lang si Bastian sa sinabi ni China. “Hindi na ako bata para mausuhan pa ng selos!” Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nito ng  marinig ang sinabi niya. KILALA niya si Bastian. Sobra itong seloso kay Bettina noon. Siguro nga ay hindi pa siya nito ganoon kamahal para makaramdam ito ng selos. Akala niya ay mahal din siya nito tulad ng pagmamahal niya rito.  Siguro nga ay mahal sya nito pero hindi kasingtindi ng nararamdaman niya. NAKAKABALIW isipin na magkikita si China at si Alexander. Pero kailangan niyang magtiwala kay China. Naniniwala siya sa pagmamahal nito.  Gusto niyang labanan ang anumang negatibong emosyon. Ayaw niyang matakot si China kapag inilabas niya ang totoong siya. Sobra siyang seloso, kung maaari lang na hindi na makita ng ibang lalaki si China ay gagawin niya. Kung pwede lang na  kahit saglit ay hindi malayo sa tabi niya ito ay gagawin niya. Matindi ang pagmamahal niya kay China kaya kailangang maging bukas ang isipan niya, ayaw niyang mararamdaman ni China na sinasakal niya ito sa relasyon nila. Dapat lagi niyang isipin ang mga bagay na makabubuti at makapagpapasaya sa mahal niya. Sabi lang niya iyong hindi siya nauusuhan ng selos, pero ang totoo ay selos ang nangingibabaw sa kanya. “O ‘wag ka ng malungkot. Syempre sasama ako sa’yo. Kaso hanggang sasakyan lang ako ha. Iwasan na lang natin na makita ako ng kuya mo!” “Okey lang na huwag ka ng sumama!” tanggi ni China. Alam niya na pagod na si Bastian sa mahabang biyahe, hindi naman ito pumayag na haligan niya sa pagdadrive. “Alam ko na pagod ka, dito ka na muna sa condo ko. Gusto ko na nandito ka pa rin pag-uwi ko!” “Hindi naman ako papayag na aalis kang mag-isa!” niyakap niya ang dalaga at binigyan ng isang malalim na halik. Agad ding tinugon ni China ang halik ng binata. Pareho silang nagpatibuwal sa sopa upang ituloy ang higit pang malalim na halik. Hindi na rin napigil ni Bastian na gumala ang mga kamay niya sa hita ni China paakyat sa balakang ng dalaga, naging mas mapaghanap ang kamay ni Bastian ng ipasok pa nito sa blusa ng dalaga. Saglit na pinutol ng binata ang halik sa pagitan nila. “Sure ka ba na handa ka na? kaya kong maghintay Sweetie!” gusto niyang pigilan ang sarili bilang respeto sa pamilya nito pero mas nangingibabaw ang matinding damdamin niya sa dalaga. Seguro ay dala na rin ng ilang buwan niyang pagkatigang sa tawag ng laman. Ngayon lang muling nabubuhay ang pagnanasa niya, at napakatindi pa ng pagnanasang umaalipin sa kanya.  Pero hindi maihahalintulad ang damdaming umaalipin sa kanya, sa mga pakikipagtalik niya sa dating kasintahan. Lahat ng gawin nila ni China ay bumubuhay sa bawat himaymay ng pagkatao niya, gumigising sa lahat ng emosyon na meron siya at tumatatak sa bawat parte ng isipan niya. Napangiti siya sa indearment na ginamit ni Bastian. “Ikaw makapaghihintay pero ako ay hindi na makapaghihintay pa dahil matagal ko ng inihanda ang sarili ko para sayo!” alam ni China na pagdating kay Bastian ay tunay na bulag na siya, sarado na ang isip niya at puso na lang ang kaya niyang sundin. Mabilis na sinunggaban uli siya ng halik ni Bastian ng marinig ang mga sinabi niya. “ Maaga pa naman para sa dinner appointment ninyo ni Rad!” putol-putol na pagsambit ng binata, hindi nito kayang iwan ng matagal ang mapupulang labi ng dalaga.  Damang-dama ni China ang mainit na halik na nagmumula sa labi ng kasintahan. damang-dama niya ang kagustuhan nito na angkinin siya ng buo. Halos hindi na siya makahinga sa paraan ng paghalik nito. Kayang saliksikin ng malikot nitong dila ang bawat sulok ng bibig niya. Parang batang nag-aakit ang dila nito, tinuturuan siya kung paano makipaghabulan.  At isa siyang matalinong bata na mabilis matuto sa master niya. Mabilis niyang natutunan kung paano labanan ang dila nitong nanaliksik sa pagkatao niya. Hinayaan niyang mahubaran ang pagkatao niya, kasabay ng pagtuklas ni Bastian sa buo niyang katawan. Sa una ay nahihiya siya dahil sa unang pagkakataon ay may nakakita ng katawang iningatan niya. Napakaswerte niya dahil maiaalay niya ang sarili sa taong sadyang itinalaga niyang mag may-ari sa kanya.  Ginising ni Bastian  ang lahat ng parte ng katawan niya, senegurado nito na mabibigyan siya ng kaligayahan sa bawat pagdantay ng kamay nito at sa bawat pagdaiti ng ng mga labi nito. Nakakabaliw. Langit na pakiramdam. Sadyang malilimutan mo ang lahat. Lalo na ng lumapat ang mga labi ni Bastian sa mga sensitibong parte ng katawan niya. Halos isigaw niya ang pangalan ng kasintahan sa sensasyon na nadarama niya. Hindi niya alam kung saan kakapit ang mga kamay niya ng palalimin ni Bastian ang mga dila nito sa p********e niya. Nandoon na sabunutan niya ito na patuloy na nanalakay sa kaibuturan ng iniingatan niyang pagkabirhen. Ramdam niya ang pagdating ng sukdulan kahit mga labi pa lang ng binata ang nagpala sa p********e niya. Nang iwan nito ang pagkakababae niya ay agad niyang niyakap ang kasintahan ng mahigpit, tumutulo ang luhang pinaghahalikan niya ang buong mukha ng binata. Na ginantihan naman ng binata ng malalim na halik ang mga labi niya. Sa isang iglap ay bigla niyang naramdaman ang pag-iisa ng mga katawan niya. Sa mga oras na yun ay naramdaman nila na iisa na lang sila, magka-ugnay na ang mga katawan nila.  Ginawa ng kasintahang napakatamis ng pag-aalay niya ng pagkabirhen dito.  Lahat ng imagination na naglaro sa isipan niya ay nangyari, higit pa sa expectation niya ang naganap. Siniguro ni Bastian na napaligaya siya nito. At alam din ng dalaga na nabigyan niya ito ng labis na kaligayahan ng ialay niya ang kanyang kalinisan sa binata. Nasa silid na sila ng condo, may natitira pang minuto bago ang usapan nila ng kapatid. Magkayakap sila sa ilalim ng kumot, pareho nilang dinadama ang init ng mga hubad nilang katawan. “Happy?” umamot pa si Bastian ng halik sa tungki ng ilong ng dalaga, at isa pang halik sa noo. Mga halik na lalong nagpatamis sa ngiti ng dalaga. “Very!” halos isiksik niya ang katawan niya sa malaking katawan ng binata. Damang-dama niya ang init ng katawan ni Bastian, ang lalaking pinakamamahal niya. “Ayoko sana na umalis ka pa pero kilala ko ang kuya mo, tatawag yun para tumuloy ka!” sino ba naman ang gugustuhing mapalayo sa kasintahan pagkatapos ng isang mainit na pagmamahal nila sa isa't-isa  “Ako na lang ang tatawag sa kanya, sasabihin ko na hindi ako tutuloy!” naiinis siya sa kuya niya. Gusto niya sanang mainis kay Bastian dahil pinipilit siya nitong umalis pero ayaw naman niyang sirain ang magical moment nila. “Sige na sweetie! Kailangan mong tumuloy para hindi magalit ang kuya mo!” si Bastian pa ang nangungumbinsi sa dalaga. “Sasamahan naman kita eh!” kailangan niyang gawin yun upang hindi magduda si Rad sa kanila. Kailangang maiplano niya ng tama ang pagtatapat sa pamilya  ni China. “Ok sige pupunta ako pero sasamahan mo talaga ako ha!” Nahihiya PINAGBIGYAN lang talaga ni China ang kapatid. Hindi pa man tapos ang dinner nila ay nagpaalam na siya sa kapatid, nagdahilan na pagod siya sa byahe. At katulad ng pangako ni Bastian ay magdamag nilang inubos ang oras sa pagpapaligaya sa isa’t isa. “Uuwi ka rin ba bukas ng umaga?”parang sanggol na nakasiksik si China sa katawan ni Bastian. “Kailangan kong umuwi may nakaschedule na delivery sa shop bukas, kailangan ng signature ko!” paliwanag ni Bastian. kitang-kita sa mukha ni China ang pagkalungkot ng malamang uuwi ang kasintahan sa probinsya “Huwag ka ng malungkot dahil pipilitin kong makabalik bukas ng gabi!” “Talaga!” parang batang napangakuan ng laruan ang dalaga. Pumaibabaw siya sa kasintahan at binigyan ito ng malalim na halik sa labi. "Thank you sweetie! hindi ka pa umaalis nalulungkot na ako na magkakahiwalay tayo bukas!" wika niya matapos ang isang matamis na halik "Promise me na  babalik ka agad ha, gusto ko nandito ka na pagkaawas ko sa office!" “Oo naman, babalik agad ako!” kung maaari nga lang na hindi na siya umalis sa tabi ng dalaga ay gagawin niya. Inaamoy-amoy niya ang buhok ng dalaga, hindi yata siya magsasawa na yakapin, halikan at langhapin ang amoy nito. Kung hindi niya kokontrolin ang sarili ay tunay na malulunod siya sa labis na pagmamahal sa dalaga. Nakatulog silang parehong may ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD