CHAPTER FIVE

1741 Words
NAGISING si China ng maramdaman ang kiliti sa kanyang talampakan. Noong una ay inakala niyang nanaginip lang siya, pero kalaunan ay nadama niyang hindi halusinasyon ang lahat dahil unti-unting tumataas ang kiliting nanunulay sa kanyang kalamnan. Sa pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya ang kasintahang humahalik sa magkabila niyang hita. Ramdam niya ang init ng mga halik ng binata. Sumisidhi ang nararamdaman niya, Naghahangad siya ng higit pa. Sunod na pinagpala ng binata ang magkabilang hugpungan ng kanyang mga hita. Hindi niya napigilang hawakan ang ulo ng lalaking nakasubsob sa kanyang kandungan. Hindi niya alam kung pipigilan niya ang kasintahan, nahihirapan siya dala ng matinding sensasyon.  "Please sweetie!" hindi niya alam kung paraan saan ang pakikiusap niya. "Ayaw mo ba!?" tanong ni Bastian sa kasintahan na saglit na iniwan ang paghalik sa hugpungan ng hita niya. "No..... no please!" muli niyang hinila ang ulo ng binata palapit sa kandungan niya. "Wait sweetie! Promise me first......!" "I promise!" naiinis siya dito, tila binibitin sya ng binata. "Akin ka lang!" "Sayo lang ako sweetie!" Naramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa pinakamaselang parte ng katawan niya. Agad din nitong inilayo ang mga labi na tila pinasasabik lang siya. "Akin ka lang! Ako lang ang pwedeng magpaligaya sayo ng ganito sweetie! Mangako ka sweetie, tanging ako lang ang magiging lalaki sa buhay mo!" "Pangako sweetie, ikaw lang!" MABILIS na tinapos ni Bastian ang lahat ng dapat niyang asikasuhin sa negosyo. Nagbilin na rin siya sa assistant niya sa Seb Auto repair shop at maging kay Max ay ipinagbilin rin siya ng mga dapat gawin habang wala siya. May palagay siya na magtatagal siya sa Maynila, nandun ang pakiramdam na ayaw na niyang mawalay sa paningin niya si China. “Boss!” tawag mula sa labas ng silid niya. Nagbibihis siya ng mga oras na iyon. Plano na niyang lumuwas na agad, gusto niyang sa pag-uwi ni China mula sa trabaho  ay madatnan na siya nito. “Boss may bisita ka! Naghihintay sa baba!” “Sige papasukin mo!” sigaw ni Bastian. PAGDATING pa lang ni China sa opisina ay sinalubong na siya ng kapatid ng masamang balita. Nagkaroon ng mild stroke ang ama nila. Maayos naman daw ang kalagayan  nito pero pinili pa rin ng magkapatid na umuwi ng San Pablo. Sa ospital na sila dumeretso. Ng masigurado nila na maayos ang kalagayan ng ama ay lumuwas din agad si Rad, pinili ni China na magpaiwan para masamahan ang mommy niya sa pagbabantay. After lunch ay inutusan siya ng mommy niya na umuwi muna sa bahay para kumuha ng importanteng gamit. Nasa byahe na sya pauwi ng bahay  ng maalala niya si Bastian. “I need to inform him!” MALAYO sa inaasahan niya ang dinatnang bisita sa salas nila. Agad na tumayo si Bettina ng makita ang paglabas niya ng silid. “Anong ginagawa mo dito?” maging siya ay talagang nabigla ng makita ang dating kasintahan. Mas payat ito kumpara noong huli silang magkita, mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas. “Patawarin mo ako Bastian!” himig ng nagsusumamo. Nagmamakaawa ang anyo nito. Hindi nya alam ang magiging reaksyon niya ng mahigpit siyang niyakap nito. Sa laking tao niya, maawain pala siya. Hindi niya magawang itulak ang katawan ng babaing nakayakap sa kanya, hindi dahil mahal pa niya ito. Kahit nga ng makita niya ang mukha nito kanina ay wala siyang naramdamang kahit na ano, kahit katiting na pagmamahal ay wala na. Sa isang iglap lang ay sinakop ng lahat ni China ang puso niya. Kahit nga ang galit na nararamdaman niya dati kay Bettina ay naglaho na. Ngayon talaga niya napatunayan kung gaano makapangyarihan ang pag-ibig. Hindi niya tuloy alam kung anong itatawag sa naging relasyon nila ni Bettina sa loob ng sampung taon. Siguro nga ay hindi lang talaga malikot ang puso niya, kaya sila tumagal ng sampung taon. Nakapokus kase siya sa mga negosyo niya. Hindi rin talaga siya marunong manligaw, kahit ang mambola ay hindi niya alam kung paano. Kaya ng maging kasintahan niya si Bettina ay hindi na siya naghanap pa ng iba. Kay Bettina kase ay walang problema noon, Magkita man sila o hindi ay hindi niya pinoproblema. Ang mahalaga lang sa kanya noon ay basta naibibigay niya ang anumang magustuhan ni Bettina ay okay na. Pero ngayon pagdating kay China, hindi sapat ang lahat-lahat para mapaligaya niya ang dalaga. Pakiramdam niya ay kahit buhay niya ay handa niyang ibigay kay China. Kahit ang paghinga niya ay kay China na nakasalalay. Handa niyang iwan, at ipamahala sa iba ang mga negosyo niya makasama lang si China. At never niyang ginawa yun kahit kailan, kahit pa nga maaasahan naman ang kanyang mga tauhan. Mabuti na lamang at wala ang magulang niya sa bahay. Hindi niya alam kung anong maaaring gawin ng nanay niya kung makita nito si Bettina sa bahay nila sa mga oras nito. Sukdulan ang galit ng nanay niya kay Bettina. Kahit hindi siya nagsalita ng kahit na ano noong iwan siya ni Bettina ay nakita naman ng nanay niya ang kahihiyang inabot niya. Nakita rin nito kung paano niya nilalabanan ang kahihiyang iyon. Sa simula pa lang naman ng relasyon nila ni Bettina ay hindi na pabor ang nanay niya dito. Hindi gusto ng nanay niya ang life style nito, masyado daw maluho. Pero never naman siyang pinakialaman ng nanay niya sa mga desisyon niya sa buhay. Narinig niya lang itong nagsalita ng masasakit  ng iwan at ipagpalit siya ni Bettina. Nakita niyang umiyak ang nanay niya sa  galit kay Bettina. Ang ama naman niya ay kailanman ay hindi nagsalita sa mga nangyari, pero kita niya sa mukha nito ang awa sa kanya. Isang marahang tapik lang sa balikat ang ibinigay nito sa kanya ng malaman ang ginawa ni Bettina sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata niya upang pigilan ang sarili na itulak ang dalaga. Hindi niya alam, pero hindi siya komportable sa ginawa nitong pagyakap sa kanya. MATAPOS iparada ang sasakyan niya  ay dumeretso si China sa nakabukas na Vulcanizing Shop. Naabutan  niyang abala si Max sa pagkukutingting ng isang gulong. Natutuwa siya dito, sa tuwing makikita siya nito ay namimilog ang mga mata nito na tila namamangha. Palagi itong binibiro ng mga barkada ng kuya niya ng may crush daw sa kanya. Namumula kase ito pag nakikita siya, with matching pangangatal ng baba kapag kinausap siya. “Max!” tawag niya sa binatang abala sa ginagawa. Sumisipol pa ito habang abala sa ginagawa. Kaya ng lumingon ito matapos niyang tawagin ay parang nakalulon ito ng pito. Natatawa siya sa naging reaksyon nito. “Andyan ba ang kuya Basty mo?” tanong niya habang nangingiti dito. Natulala na ito. Hindi man lang ito nagsalita, nakatitig lamang na itinuro nito ang loob  ng bahay. Tumalikod na siya matapos nitong ituro ang loob ng bahay. Siguro kung pangkaraniwang araw ay biniro pa niya ito. Nasa ospital ang daddy niya kaya wala siya sa mood na biruin si Max. Wala namang tao sa harap ng bahay, kaya dumeretso na siya paakyat ng hagdan. Bukas ng bahagya ang pinto kaya sa halip na kumatok ay itinulak na lang niya ito upang tuluyang mabuksan. Nakaramdam pa siya ng bahagyang hiya ng tuluyang mabuksan ang pinto. Inihanda niya ng maganda niyang ngiti baka kase mga magulang ni Bastian ang mabungaran niya. Kilala naman siya ng mga ito, palibhasa nga ay kapatid siya ni Rad. Ang magandang ngiti na nakapaskil sa labi niya ay naglaho ng makita niya ang kasintahan na may kayakap na babae. Hindi basta babae. Kahit matagal na panahon na niyang hindi ito nakikita ay natitiyak niyang si Bettina ito. Nakatalikod si Bettina sa kanya, si Bastian ang nakaharap sa kanya kaya kitang-kita niya ang reaksyon ng kasintahan niya. Nakapikit ito na tila nasisiyahan sa pagyayakapan ng mga ito. Parang sinaksak ang puso niya sa nakitang eksena. Gusto niyang sumigaw sa galit, pero walang lumalabas na boses sa mga bibig niya. Mabilis na umagos ang mga luha sa mga pisngi niya, tila walang katapusan ang sakit na nararamdaman niya. Kusang humulagpos sa mga labi niya ang isang impit na hagulhol. PAGMULAT ng mga mata ni Bastian matapos makarinig ng kakaibang ingay ay naging mabilis ang galaw ng mga kamay niya. Agad niyang naitulak si Bettina na nakayakap sa kanya, hindi na niya napansin kung nasaktan ba ito sa pagtulak niya. Ang buong atensyon niya ay nasa kasintahang lumuluha. “China….!”  Tawag niya ng makita ang pagtalikod at mabilis na pagbaba ng hagdan. Naramdaman niya ang pagpigil ni Bettina sa mga braso niya ng tinangka niyang habulin ang  dalaga. Sapat na ang isang masamang tingin upang bitawan siya ni Bettina. Sa kotse na niya inabutan ang dalaga. “China mag-usap tayo!” pilit niyang binubuksan ang pinto ng kotse, sunod-sunod ang pagkatok na ginawa niya sa pinto ng kotse. Kitang-kita niya ang pagluha ni China, parang pinipiga ang puso niya sa anyo ng kasintahan. Patuloy lang ito sa pagluha, ni ang lingunin siya ay hindi nito magawa. “Please China! Buksan mo ito!” Gustong-gusto na niyang wasakin ang pinto ng sasakyan nito. Kita niya ng sumubsob ito sa manibela ng sasakyan. Lalong nagwala ang puso niya. Gigil na gigil siyang mabuksan ang pinto. May limang minutong nakatitig lang siya sa tinted na salamin ng bintana ng kotse, habang inaaninaw  ang dalaga sa pag-iyak. Wala siyang magawa. Nang makita niya ang pagtunghay nito ay nabuhay ang pag-asa niya na bubuksan na nito ang pinto ng kotse. Ngunit nagkamali siya, binuhay nito ang makina ng kotse at mabilis na minaniobra ang sasakyan pabalik. Hindi sya nawalan ng pag-asa na patuloy na kinatok ang pinto ng kotse. Bingi na si China sa mga pakiusap niya. Pero naiintindihan niya ang dalaga. Kaya ng tuluyan na patakbuhin ang sasakyan ay hinayaan na lang niya , susunod na lang siya sa Maynila. Hindi siya papayag na hindi nila maayos ang problema. MASAMANG-MASAMA ang loob niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Bastian. Ang gusto niya lang ay umiyak ng umiyak. Matapos ang mahabang sandali ng pag-iyak niya ay pumasok sa isip niyang kailangan niyang lumayo. Ayaw niyang makita, ni marinig ang lahat ng sasabihin ni Bastian. Mabuti na lamang at si Delaila lamang ang tao sa bahay nila. At hindi pa siya napansin nito ng pumasok siya ng kabahayan.  Dumeretso siya ng kwarto niya. Doon niya ibinuhos ang lahat sama ng loob niya, tila walang katapusan ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD