Chapter 2

2068 Words
Snow's POV Napagod ako sa kakalinis sa aking kuwarto. Basang basa ang lahat. Mga damit, libro lahat lahat. Kahit kisame basa at napundi pa nga ilaw, malamang na short circuit dahil sa tubig. Wala talaga akong kaide-ideya kung paanong nabasa ang kuwarto ko ng ganun ganun na lang. Samantala ang buong bahay binaha pero di naman nabasa ang lahat ng gamit. Parang dumaloy lang ang tubig doon and naging stagnant. Pinagbintangan pa ako ng stepmom ko na binaha ko daw ang bahay dahil sa kuwarto ko lang din ang basang basa lahat. Like duh, mag-eeffort akong kumuha ng ganun karaming tubig para basain ang kuwarto ko at pabahain ang kabahayan? Ipagpapalit ko ang sarap ng tulog dun? Like what the heck! Ano akala nila sakin, lunatic? Buti sana kung kadugo ko sila baka may pag-asa pa. Ako pa talaga ang pagbibintangan, mas kapani-paniwala pa nga na sila ang bumaha sa bahay eh. Buti na lang may mga katulong din sa bahay kahit papano di ako ang nakapaglinis sa buong kabahayan. Pinagtulungan namin na linisin ang sahig. Pero sabog na sabog naman ang tenga ko sa lintanya at muntikan pa akong masampal dahil sumagot ako. Hindi na kasi ako nakapagpigil dahil sa mga sinabi ni Friah. Flashback: Nakayuko lang ako habang mala megaphone ang bibig ng stepmom ko sa kakatalak sa akin na akala mo ay abot na sa kabilang syudad ang boses nito. Kanina pa ito at umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya. Nauubusan na ako ng pasensya dahil sa mga pinagsasabi nito. Konting konti na lang talaga. "Wala ka na ngang silbe dito sa bahay, gumagawa ka pa ng kalokohan! Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga gamit na nabasa? Kaya mo bang bayaran yun lahat?" Umuusok na saad ni Friah at parang konti na lang ay masasapak na ako nito pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kahit baliktarin man ang mundo, mas matanda pa rin ito sa akin na dapat galangin kahit hindi naman kagalang-galang. Naikuyom ko naman ang palad ko. Feel na feel ko talaga ang Cinderella moment dahil ganitong ganito si Cinderella eh, mahilig yun magpaapi kaso may hindi tama. Ayoko na ng Cinderella moment, nakakapagod. Mapipigtas na ata yung pasensya ko. Nakakapagod maging mabait, kahit ang totoo naman ay may tinatago naman akong kamalditahan. "Wala ka talagang kuwenta! Mana ka talaga sa nanay mo!" Asik nito na siyang ikinaputol lahat ng pasensiya ko. Tiningnan ko ng masama si Friah at medyo nagulat ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay tinitigan ko siya ng masama. "Don't you dare insult my mom." May pagbabantang saad ko rito. Ni hindi ko nga kilala mama ko ito pa kaya? Tapos kung makapagsalita akala mo eh magkapitbahay sila ng mama ko dati, akala mo ang daming alam. "At wala akong pakialam kung nasira man ang mga gamit dito sa bahay! Ikaw ang walang karapatan sa pamamahay na ito. Ikaw na walang ginawa kundi magtatalak araw araw at lustayin ang pera ng Papa ko ay palamunin ng papa ko at ang mga walang kuwentang mga anak mo! Ni hindi niyo nga bahay ito at ni hindi niyo pera ang pinangagastos niyo sa mga luho niyo! Ang kakapal ng mukha niyo! Kung makaasta kayo dito sa bahay parang kayo ang may-ari, salin pusa lang naman kayo!" Galit na galit ba insulto ko dito. Wala akong pakialam kung masama na ang dating ko. If I insulted them that is their fault. They triggered me to do this. Pero dahil sa ininsulto niya ang mama ko na nananahimik na sa kabilang mundo, ibang usapan na yun. Yun ang bagay na hindi ko kaya o basta-bastang palagpasin lang. Patay na nga dinadamay pa nila sa waoamg kuwentang bagay. "You b***h!" Itinaas nito ang kamay nito para sampalin ako pero sinalo ko kaagad ang kanang kamay na sana ay dadapo sa pisngi ko. Mahigpit ko yun hinawakan at wala akong balak na pakawalan yun basta-basta. Ngumiti ako ng malaFallenyong ngiti na siyang ikinakilabot nito. "Try to slap me, and you will find yourself homeless in the streets." Banta ko rito. Yung totoo, hindi ko naman talaga gagawin yun pero kailangan ko na talagang sindakin ang mga ito dahil wala na yata silang plano na tumigil sa pang-aalipusta sa akin. Akala kasi ng mga ito ay di ako lalaban. Ilang taon na ba akong ina-alila ng mga ito sa sarili kong bahay? Limang taon na yata and now that I just turned 18 a week ago all assets was transferred under my name. Yun ang habilin ni mama kay papa bago yun namatay. They created a will and it was notarized by the family's attorney. The will was already effective and secured, para kung may mangyari man daw sa kanya ay wala na daw akong poproblemahin. "Y-you can't do that." Namumutlang saad nito. Halatang kinakabahan na ito ng sobra-sobra. Maybe I am right after all. Pera lang ang habol nila kay Papa. "M-mama..." nahihintakutan na saad dalawang step sister ko na ngayon ay namumutla at parang mga dagang nacorner ng pusa. "Do you think I can't do that? I can do whatever I want in this house, since I own everything in this house and all money that you have and about to spend. Every single penny, I own it." Saad ko dito with a possessive tone, making them know that I own every single thing in this household. Napatawa ito ng pagak. "I am the legal wife of your father, whatever he owns, I own." Saad nito na biglang naging confident. She believed that their marriage is conjugal kaya malakas ang loob nito. I smiled. "Too bad because 10 years ago, the will has already been created. Your marriage cannot change the fact that I am now the legal owner of everything you have. Your marriage has an automatic prenuptial agreement that you can't get any share of my mom and dad's money. If you wondered that I know all about it and do nothing about your abuse, that is because you are the wife of my father. Somehow, I convinced myself that someday, you will learn to love me and treat me as your own, but I only hope for nothing. So now, all the goody two shoes are long gone. So try to provoke me again and you will end up in the streets as a beggar!" Banta ko dito at nagwalk out na. End of Flashback Yan ang nangyari. Wala sana akong kabalak balak na sabihin sa kanila ang buong katotohanan na ako na may-ari ng mga ari-arian ng papa ko dahil para na rin sa kaligtasan ko pero sumosobra na sila. Kung hindi ako iimik baka ako pa ang papalayasin ng mga ito sa sarili namin bahay. Pero isa parin malaking mesteryo sa akin ang pagkabasa ng aking buong kuwarto o baka naman kagagawan nila yun para may dahilan sila na pag-initan ako at palayasin? Sa lahat ba naman ng kuwarto sakin pa talaga tapos ako pa pagbibintangan, bangag ba sila? Lumabas na ako ng kuwarto ko at pasalamat ko lang dahil malinis at tuyo na ang lahat. Nakita ko rin ang mga stepsister ko na may binabasang libro. Alam ko na nakita nila ako pero di ako pinansin ng mga ito. Hindi rin ito nag-abalang utusan ako, dahil nga sa mga nangyari kani-kanina lang. Di ko naman nakita ang aking step mother o baka naman nag-eemote yun sa kuwarto niya dahil di makamove-on sa mga pangyayari. Alam ko naman na kayamanan lang ni papa ang habol ng mga ito at ngayon alam na nila na wala silang makukuha ay parang gumuho na ang mga pangarap ng mga ito. Parasites will always be a parasite. "Seniorita Snow, handa na po ang pagkain." Saad ni manang Cli. Ilang dekada na ito sa bahay at sobrang bait din nito. Ito ang nag alaga sa akin mula ng maulila ako ng aking ina kaya maituturing ko na rin na magulang si manang Cli kahit na katulong lang ni Papa ito sa bahay. "Sige po manang kain na po tayo." Yaya ko dito. Talagang kasama ko mga katulong sa bahay na kumakain. Ganyan na talaga kami dati pa pero nagbago yun ng nag-asawa si papa dahil masyadong maarte si Friah, allergic ito masyado sa itsura ng kahirapan. ●●● Yuan's POV Kasama ko ngayon sina Jin, Violet, Avis at Luna. Nasa academy kami. Wala pa naman pasukan dahil enrollment pa ng Academy pero nandito na kami para sa isang pulong. Ipinatawag kami dahil may mahalaga daw na report na kailangan namin malaman. Nakaupo lang kami at nababagot dahil hindi pa dumadating ang dapat magreport. "This is boring." Saad ni Avis na nakapangalumbaba sa lamesa and he's drawing circles on the table. "You're making it worst. Humor me Avis." Sang-ayon naman ni Luna na mukhang inantok pa sa katahimikan. I don't know why we end up being a group where we have different and incompatible personalities. Aminado ako na suplado ako masyado dahil matagal ko ng alam yun. Si Jin naman na tahimik na walang pakialam and he will only speak if he likes to, si Violet na puro pagpapaganda at pacute ang alam, si Avis na puro pagkain ang nasa-isip at si Luna na madaldal na wala naman nag-aabalang nakikipagdaldalan. "Hold your shits. An important report will arrive." Saad ko naman sa mga ito. I already have a feeling what made us gather here. It may be because of that. Sumunod naman ang mga ito at habang si Violet ay pangiti-ngiti sa akin. Di ko alam pero gusto kong sunugin ang pagmumukha nito. Nakakairita noon pa, malamang dahil sa element nito na water kaya mukhang di ko talaga siya kasundo. Pero weird dahil nakikipagclose ito sa akin kahit gusto ko itong ibalibag para lumayo ito. She's annoying the hell out of me at madikit lang ako sa kanya at naiirita na ako. Bumukas na ang malaking pintuan at pumasok doon ang aming headmaster na may kasamang espiya. We all do have spy na pinakalat sa buong kaharian. We keep on searching gifted children para sa Academy at para na rin dagdag depensa at opensa sa mga kalaban pagdating ng panahon. "Good day Elites!" Headmaster Kier sang like heNs in a good mood. Di ko alam pero napaka-acentric nito na pagkatao, he's hard to figure out and loves playing mind games. Kahit sa pananamit nito ay halatang halata din. "Good day Headmaster." Bati naman namin pero tumayo kaming lahat. Though we are Royalties but in the Academy, we are just merely his students in training to harness our potential. "Take your seat." Saad nito at naki-upo na rin habang ang spy ay nakatayo lang at walang imik. "What is this report all about, headmaster?" Tanong ko rito. Ayoko ng patumpik tumpik pa. Time is running and we already wasted a lot and I can no longer keep my s**t from not knowing this meeting is all about. "Hhmm.. yes, about that. I wanted to inform you about the certain disturbance happened lastnight." Unang turan nito sa amin na ikinaseryoso ng lahat. I don't know if everybody felt it but I did. I was in the middle of my sleep and I was awaken because of that strange but powerful bone chilling aura. "Last night, we have found another elemental user." Sagot nito na parang walang kaimpo-importante ang sinabi nito na siyang ikinagulat naman namin. But is that it? Nagulat ako dahil pinatawag kami sa ganun dahilan lang. I thought it was about the strange event lastnight. Para yun lang kailangan ipatawag pa kami, seriously? Tuwing may nahahanap sila ay di naman nila ginagambala kami para ipaalam sa amin. Nakakafrustrate, na nasayang lang ang oras namin para sa isang maliit na bagay lamang. "And why do we need to know that? I believe that responsibility is for the spy and we don't have any business with it." Takang tanong ko rito. It kust doesn't make anysense. "That is because, another water elemental rose up from a non magic family." Maikling sagot nito na titingin tingin pa sa kuko kung may dumi ba. I was surprised. So was everyone. How could that be, an elemental born from a non-magic family? No one in the history has the same element outside the family of Del Rochi's. Kaya nagkatinginan na lang kaming lahat sa aming nalaman. Especially Violet who's no longer smiling and wearing a deadly eyes. Thank you for supporting GODS. Enjoy reading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD