Chapter 3

2156 Words
Snow's POV Ilang araw ko ng napapansin na iniiwasan ako ng step family ko. Ni hindi na nila ako inuutusan o sinisigaw sigawan. For the first time since five years, walang naninigaw at namimingot sakin, naging tahimik ang buhay ko dahil wala ng nagbubunganga umagang umaga sa bahay. Pakiramdam ko nga ay ako pang at ang mga katulong ang nandito sa bahay. They are very careful with what they are doing. But somehow, napapansin ko ang step mother ko na laging may kausap sa telepono na parang pasekreto at pagnakita ako kay biglang pinuputol nito ang tawag. Sa totoo lang hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa ikinikilos ng step mom ko. Something is wrong and fishy. Hindi naman siya mangingisda para mangamoy isda. Naputol na lang ang aking pag-iisip ng tumunog bigla ang door bell kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Sino kaya ang tao sa labas? Wala naman bumibisita dito sa amin. Kung may kaibigan din ako, natatakot naman sa step mom ko kasi reyna reynahan sa bahay dati, talo pa ang monarch kung umasta. Nakita ko naman na binuksan yun ng isang katulong namin kaya lumayo na ako sa bintana at umupo na lang sa sofa. "Seniorita, may bisita po kayo." Saad ng katulong namin nasi Vanji na siyang nabukas ng gate kanina. Nagtaka naman ako kung sinong bisita ito. Wala akong naalalang may appointment o kung ano man sa akin. Mas lalong wala naman akong kaibigan para may bumisita sa akin. "Snow!" Biglang tili ng isang boses babae na matagal ko ng hindi naririnig. Halos hindi ko pa nga makilala, kung hindi lang sa istilo ng tili nito, di ko makikilala. "Yuki?" Napamaang na tanong ko at nanlaki pa talaga mata ko ng makita ito. "Yes, ako ito!" Patakbong lumapit ito kaya tumayo agad ako at sinalubong ito ng yakap. "Yuki! Oh my God! Ang tagal na di kita nakita. Hindi ako makapaniwala! Nandito ka na ulit! For good na ba ito? Dito na ba ulit kayo titira? Nasan pala mga magulang mo? Magkapitbahay parin ba tayo?" Ang dami kong tanong. Ang tagal na kasi namin na hindi nagkita. It was 10 years ago huli kaming nagkita ni Yuki. (A/N: Yuki is a japanese term of Snow.) "Teka lang, mahina kalaban. Hahaha." Natatawang saad nito tsaka kumalas ito mula sa pagkakayakap sa akin. "Well, to answer all your question, why don't allow me to sit first?" "Oops. Hahaha." Tsaka nag-peace sign ako sa kanya. Nawala ang hospitality ko dahil sa excitement ko na makausap siya at sagutin niya ang mga tanong ko. Pumunta kasi ito ng ibang syudad na malayo dito sa neighborhood at di na kami nagkita. Di ko rin naman mabisita ito dahil bata pa ako dati at noong lumaki naman ay di naman ako makagalaw ng malaya dahil sa step family ko. Umupo na kami tsaka nagpagawa na rin ako ng juice at cookies para sa ngangat-ngatin namin habang nagkukwentuhan kami. "Bumalik na kami rito dahil natapos na ang assignment ni Papa doon. Kaya for good na rin kami dito. And good thing dahil binebenta ang bahay na katapat sa inyo kaya binili yun ni papa kaya magkapitbahay parin tayo." Sagot nito sa akin. Parang lumutang naman ang puso ko sa tuwa. Ang bestfriend ko makakasama ko ulit! "Really? I am so happy. Matagal ko na talagang pinagdadasal na sana bumalik na kayo dito. Miss na miss ko na bestfriend ko." Madramang saad ko sa kanya. Hindi ko maiwasan na hindi magdrama dahil siya ang kaisa-isang bestfriend ko. I don't have any friends aside from her. Pero bigla naman natahimik si Yuki. Yumuko ito na tila parang may sasabihin. "But, I will no longer stay in our house, Snow." Saad nito mukhang nahihirapan ito sa pagsasabi. Napakunot naman ang noo ko. Di ko siya maintindihan, for good na daw pagstay niya dito tapos sasabihin naman na di siya titira sa bahay nila? Ano ba talaga Yuki? Prank ba ito? Baka biglang may susulpot na lang bigla na magsasabing you've just been pranked! Di ba? Uso pa naman yan ngayon. Malay mo ako ang napagtripan hindi ko lang nalalaman nagmumukhang tanga na pala ako sa national TV. "Bumalik kami rito dahil, papasok na ako sa Universe Academy." Sabi nito and her voice became lower and lower na kung hindi lang malakas ang pandinig ko ay baka hindi ko yun marinig. The news was like an atomic bomb was dropped in Hiroshima and Nagazaki. The news was a bomb itself. Pero dapat di na ako nagulat di ba? Since aware naman kami na elementalist ang parents ni Yuki. Both her parents can summon lightning. Kaya dapat inexpect ko na din yun. Paanong nawala sa isip ko yun? Masyado na akong absorb o umaasa na magkakasama kami ulit? Papasok na si Yuki sa Academy na pinapangarap kong mapasok. And me? I will surely enroll in a University to study business. Yun naman kasi ang gusto ni Papa. Universe Academy is a boarding school. Walang makakalabas within the school year. Makakalabas lamang ang mga estudyante doon kung tapos na ang buong school year o kung may special case na required na lumabas ng Academy. Bigla akong nakaramdam ng inggit, pero masaya ako para kay Yuki. Pinangarap ko na makapasok sa Universe Academy pero isa lamang akong ordinaryong tao, walang kapangyarihan at isang pangarap lamang ang makapasok doon. I am not capable. Malungkot isipin na hindi ako makapasok sa Academy pero mas nakakalungkot pala na alam mo na makakapasok ang bestfriend mo doon samatalang ako hindi. "Yuki, masaya ako para sayo. Sana pinanganak na lang din ako ng may kapangyarihan para magkasama tayo." Nalulungkot na saad ko. Sana totoo na lang yung panaginip ko para kahit papaano ay makapasok ako sa Academy. "Snow, don't worry. Four years lang naman yun tsaka may 2 months vacation din naman kami after school year." Pangchecheer up nito sa akin. She's trying to make things light kahit ang totoo ay mabigat yun sa loob ko but I am trying to be happy for her. Napabuntong hininga na lang ako. Kung pwede lang sanang gawing super powers itong kagandahan ko, nako nag-enroll na ako sa Universe Academy. Pero di ko kaya na ilabas anyo ko, magkakagulo sila. Charot. Pero totoo yun, ni hindi ako makalabas ng bahay kung walang disguise. Nakasuot ako ng glasses na makapal at malaki para di masyadong mapansin mukha ko. Nilulugay ko lang din ang buhok ko para hindi masyadong kapansin pansin ang mukha ko. Mas agaw pansin yung buhok ko. Ang nakakaalam lang sa totoong itsura ko ay ang family ko, katulong at bestfriend ko, pati family din niya. Pero yun ibang tao ay hindi alam ang itsura sa likod ng salamin ko sa mata. As the modern kid say's nerd daw ako. This is what there mentality is. Pagnakaglasses nerd ka na. Hindi naman ako totally nerd dahil di naman ako manang sa kasuotan. Normal ako. Kung sa nerd tree pa, ako ang modernang nerd. Nagkuwentuhan lang kami ni Yuki tsaka tumingin siya sa aking album kung saan ay nakalagay ang mga larawan noong kabataan ko hanggang sa lumaki ako. Catching up daw kamo. Ang cheesy lang ng babaeng ito. Nangibang bayan lang naging cheezy na. Sa bahay na rin nananghalian si Yuki at nakilala niya ang step family ko na muntikan ng ismiran ni Yuki dahil kay Ria at Dia na mukhang si B1 at B2 daw. Natawa ako sa description ni Yuki. Hindi ko naisip na parang si B1 at B2 sina Ria at Dia. Or maybe iba lang din talaga ang wavelenght nitong si Yuki. Inabutan na ng gabi si Yuki dito sa bahay at dito na rin siya naghapunan. Grabeng catching up diba? Kulang na lang dito ko na patutulugin si Yuki. Pero syempre kailangan niyang umuwi. Kaya inihatid ko na lang siya sa kanilang bahay na nasa tapat lang naman din. "Salamat pala. Ang sarap magluto ng kusinera niyo." Saad nito Yuki na natatawa pa. "Buti, di ka tumataba." "Isa lang ang motto ko Yuki. To eat without getting fat!" Saad ko na tatawa tawa pa. "Wow! Every girls dream! Pero magandang motivation din yan. Pero yung step sissy mo, bakit ganun? Ang chachaka?" Nakuha pa talaga nitong mamintas di ba? "Grabe ka naman! Syempre, evil witch ang motherhood nila eh. San pa ba nagmamana." Natatawang sagot ko rin dito. Nagkasundo pa talaga kaming mamintas diba? Bestfriends nga talaga. Pero ganun talaga ang magbestfriend. Kung sino ang kaaway ng isa-kaaway na ng lahat. "Pero sige, pasok na ako ah. Baka makurot na ako ni mama. Hahaha." Saad ni Yuki habang nagpapaalam sa akin. "O sya sya.. sige, bukas ulit ah." Sagot ko dito. Pumasok na ito sa gate nila at sumara na ulit. Napabuntong hininga na lang ako ng bumalik sa aking ala-ala ang pagpasok nito sa Universe Academy. The heaviness in my heart came in at tila nang-aasar pa talaga. Pumanhik na ako pabalik pero bigla namatay ang ilaw sa kalye. Ang tanging naiwan na ilaw ay ang sa gate ng bahay namin. Blackout? Imposible dahil may ilaw naman sa bahay. The bulb at our gate is still emiting light enough for me to see the road way back. Pero may napansin na lang ako, isang lalaking nakabonnet ang nakatayo sa di kalayuan na nakaharap sa akin. I can't even believe I could see him in this darkness. Nakaramdam ako ng takot bigla dahil sa lalaki. Hindi ko maintindihan pero masama ang kutob ko. Something in my gut is kicking in and saying to run away because there is danger. But I could not assume na meron nga mangyayari. Inisip ko na nagkataon lamang yun o baka naman may inaabangan lang ito at trip lang nitong magbonnet. Pero mas lalong bumaha na lang ang aking takot ng naglakad na ito papalapit sa akin. Bigla kong binilisan ang lakad ko at nagpanggap na hindi ko siya napapasin pero laking gulat ko na lang ng biglang hinablot nito ang braso ko ng marahas na ikinatigil ko sa paglalakad. Napatingin ako rito at nasindak ako sa aking nakita. May hawak itong patalim na akmang isasaksak sa akin. Pero gumalaw ang reflexes ko, nablock ko ang braso niya kaya hindi ako natamaan ng kutsilyo. Walang pagsidlan ang aking kaba. Wala na akong ibang maisip kundi nanganganib ang buhay ko. I want to survive and I want to know who the heck is this man who is trying to kill me. "Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?!" Asik ko dito. Wala akong maisip na kalaban sa labas, maliban sa step mother ko. "Pasensya na miss, napag-utusan lang." Saad nito at tumakbong pasulong ito sa akin hawak ang kanyang matalim na kutsilyo. My heart was racing like nuts and something swirled inside me na parang may gustong kumawala at bigla na lang naisip ko ang tubig out of the blue and just a blink of an eye may lumabas na tubig sa mga kamay ko and it burst out like it is from a fire truck na tumama sa lalaki at agad na tumilapon ito palayo sa akin at bumagsak ito sa sementadong daan at dinig ko pa ang pagdaing nito. The water is still bursting from my hands at hindi ko alam paano ito patigilin. Nabasa ang kalsada at parang may isang water plant na nasira at umaagos ang tubig kahit saan. "Stop!" Saad ko na hinihingal. Nanlaki ba lang ang mga mata ko ng tumigil ito. Basang basa ang kamay ko na may tumutulong tubig pa. The heck, parang gripo lang! Holyshit. What was that just now? Nanlalaki ang mga mata ko na tinitingnan ang dalawang kamay ko. Napalunok pa ako. I tried to pinch myself pero masakit. Gising na gising ako at di nananaginip. Napatingin ako sa tao at nakabulagta parin ito, mukhang nawalan na ng malay dahil na rin sa impact. Sobrang lakas ng current na tumama rito na kung ordinaryong tao siguro ay malamang nagkalasog-lasog na ang katawan. Himalang hindi ito napuruhan. I don't know what is happening. But this is really freaking cool! Kahit nawiweirdohan ako, masaya ako! Anak ng tokwa, ikaw ba naman sagutin ang dasal na matagal mo ng pinagdarasal gabi-gabi. Ilan kandila na rin ang naubos dahil sa pagtitirik ko. Tapos ngayon, biglang may powers ako! Aba naman, aarte pa ba ako? Biglang nangisay ang lalaking bumulagta kaya sa takot ko na baka bumangon ulit ito para saksakin ako ay kumaripas ako ng takbo papasok sa gate at nilock. Hindi naman ako tulad ng iba na magiging curious at lalapitan pa ang kriminal kaya ang ending manganganib ulit ang buhay or worst masaksak na talaga ng tuluyan. Hinihingal ako. Napayukom ako, swear to god, a water just burst out from my palm! I can still feel it. This is not even a freaking dream! This is freaking reality. A water burst came out from my freaking hand! Does this mean I am elemental too? But how? Thank you for supporting GODS. Enjoy reading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD