Dinala ni Zeek ang natirang pera na ibinigay sa kanya ni George papuntang trabaho. Balak niyang isauli ito at sigurado na siya doon dahil iyon ang dahilan kung bakit nagtatalo sila ng kanyang ina.
Nang pagpasok niya ng gusali ay nakita siya ni Owen. Nagmamadali itong pumunta kay Zeek upang batiin ang kaibigan.
“Oh brad. Kamusta ka na?” bati ni Owen sa kanya.
“Ito. Okay lang naman”
“Totoo ba ang bali-balita?”
“Na ano..??” biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Zeek at parang kinakabahan ito. Alam na ba ni Owen ang pinagagawa nila ng may-ari sa opisina nito?
“Na natanggap ka na dito? May balita kasi na nagtatrabaho ka na sa ilalim ni Sir George eh”
“Ahhh, Yun ba?” at napahinga ng maluwag si Zeek dahil mali ang kanyang kutob “Oo. Totoo brad. Executive Assistant niya na ako”
“Wow. Talaga? Grabe ka brad. Napaka-swerte mo talaga”
“Hindi naman. Naging masipag lang siguro ako”
“Talaga?” at lumapit si Owen sa kanya at may ibinulong ito “Yung totoo, brad. May kapalit ba?”
“Ano? Ano ang ibig mong sabihin? Anong kapalit?”
“You know what I mean” sagot ni Owen “Diba, naikuwento ko na sa’yo ang tungkol sa tsismis na yon? Yung tungkol sa boss natin na may ginagamit na lalaki” paalala niya kay Zeek “Don’t tell me na isa ka na rin sa kanila”
“Ha? Ano ba yan. Hindi noh!”
“Magsabi ka na ng totoo, brad. Atin-atin naman ito eh. Hindi ko naman ipagsasabi sa iba”
“Ewan ko sa’yo. Bahala ka nga sa buhay mo” iniwan niya si Owen na nakatayp sa gitna ng lounge ng hotel.
Kaagad siyang nagtungo sa elevator para pumunta sa opisina ng kanyang boss na si George.
Nang pagkadating niya sa kanyang maliit na pwesto sa labas ng opisina ng may-ari, kaagad niyang kinuha ang planner at binuksan. Binasa niya ang mga nakasulat na schedule sa araw na iyon.
Nang matapos niyang basahin ang schedule ng amo ay kaagad siyang pumasok para ipaalam kay George ang tungkol doon.
“Good morning, Sir” bati ni Zeek habang papalapit siya sa mesa ng kanyang amo.
“You’re late. Again” sagot nito.
“Hindi po, Sir. I’m ten minutes earlier” tanggol niya sa kanyang sarili “Hindi ako pwedeng magkamali dahil kaka-tsek ko lang ng oras”
“Very well. Congratulations”
“For what, Sir?”
“For not being late” tumayo si George sa kanyang upuan at dahan-dahang lumapit sa likuran ng binata. “And for that. You have a prize” sabay himas sa pwet ni Zeek.
Biglang sumagi sa isipan niya ang tungkol sa pera na tinanggap niya. Isasauli niya nga ito at dahil doon ay hindi na siya magpapagalaw sa kanyang boss.
“Huwag po, Sir” at lumakad siya palayo sa kanyang amo.
“Bakit? Ayaw mo ba?”
“Ayaw ko po”
“Why? Wala ka bang sa-mood?” sabay ngiti ni George “Hindi ka naman siguro babae na dinadatnan”
“Ayaw ko lang, Sir”
“Ganon? Ayaw mo? E sayang naman ang ibinigay ko sa’yo na pera. Remember, may kalahati ka pa dito sa akin”
“Tungkol nga pa dun, Sir” dugtong ni Zeek “Gusto ko na pong ibalik ang natirang pera na ibinigay ninyo sa akin. At ang nagamit ko naman, babayaran ko lang po ng paunti-unti”
Nabigla si George sa pinaalam sa kanya ng kanyang assistant. Hindi niya talaga ito inaasahan. “What?! NO. Hindi pwede. Kailangan pa kita”
“Pero Sir. Ayaw ko na” sagot niya “Andito naman po ako Sir eh. Hindi naman kita iiwanan. As your assistant but not as your f**k buddy”
“NO!” sigaw ni George “Hindi ako papayag. At sino naman ang nagsabi sa’yo na pwede kang umatras sa usapan natin? Tandaan mo, Zeek. Andito ka sa hotel ko kaya karapatan ko na sundin ang gusto ko at karapatan ko na ako ang magdesisyon kung itigil na o hindi”
“Intindihin mo naman ako, Sir. Ayaw ko na. Parang awa mo na”
“Pero gusto ko pa, Zeek. At ano naman ang pumasok sa utak mo na itigil na ito ha?!”
“Kasi po nag-aaway na kami ng Mama ko eh. Kapag pera na ang pinag-uusapan” paliwanag ni Zeek sa amo “Nahalata ko na rin kasi na parang nag-iba na ang ugali ko nung nakatanggap ako ng pera mo, Sir”
“Nag-iba ka?” ulit ni George “In what way?”
“Kasi napagsalitaan ko na ang Mama ko ng masasakit na salita” kuwento ni Zeek “Hindi katulad nang dati na naglalambingan kami”
“So.. sa tingin mo, Zeek. Ang pera ang dahilan kung bakit umiba na ang ugali at pakikitungo mo sa ina mo? Ganon ba yon?”
“Opo Sir, Ganon nga po”
Napangiti na lang si George sa naging dahilan sa kanya ng binata “You’re so cute, Zeek. Lalo kitang pinanggigilan sa mga sinasabi mo”
“Hindi po ako nagbibiro, Sir. Please po. Makinig ka naman po sa akin”
“Yes. I know” dugtong niya “Naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling. Sige. Kung iyan talaga ang gusto mo at ayaw mo na, tatanggapin ko na lang ang desisyon mo”
“Maraming salamat, Sir” at lumiwanag ang mukha ng binata. Kinuha ni Zeek kaagad pera sa kanyang bag at ibinigay ito kay George “Babayaran ko na lang po ng paunti-unti ang kulang”
“Fifteen thousand pesos” sagot ni George “Iyon ang kulang dito”
“Opo. Yan nga po”
“At paano mo ako babayaran? Saan ka kukuha ng pera?” tanong niya kay Zeek “Sa sweldo mo dito? Na kung saan ako rin ang nagpapasweldo sa’yo?”
“Opo Sir”
“I’m sorry. Hindi ko tatanggapin ang offer mo” dugtong ni George “Pasensiya na Zeek. Pero parang talung-talo ako kapag iyan ang gusto mo”
“Pero Sir. Maawa naman po kayo sa amin” pagmamakaawa niya kay George “Tanggapin niyo na po ang gusto ko. Parang awa mo na”
“Zeek. Ginagawa ko nga ito para sa’yo at ng Mama mo” paliwanag niya sa binata “Binabayaran kita kapallit ng serbisyo na ibinibigay mo sa akin. Bakit ayaw mo pa?”
“Kasi mali nga po, Sir” sabat ni Zeek “Mali dahil niloloko natin ang asawa mo. Oo. Alam ko na tinutulungan mo kami ng Mama ko at nagpapasalamat ako diyan ng malaki. Pero mali po ito, Sir. Mali talaga”
“Bakit? Paano mo masasabi na mali ang ginagawa ko? Na kung sa umpisa pa lang ay hindi ko na mahal ang asawa ko. Na pinilit lang ako ipakasal sa kanya dahil sa usapan nila noon”
“Usapan? Ano pong usapan?”
“Naalala mo yun kwinento ko sa’yo na kaibigan ng Lolo ko? Ang taong tumulong sa kanya para ibangon muli ang hotel?” at tumango naman si Zeek bilang sagot “Hindi pinagbayad si Lolo ng mga tinulong sa kanya kundi binigyan siya ng kondisyon. Isang kondisyon na nagpabago sa buhay ko” habang inaalala niya muli ang nangyari noon “Ito ay ang pagpapakasal ng mga apo nila sa oras na tumapak sa tamang edad. Para daw masigurado na hindi lalabas sa pamilya ang negosyo at pambayad sa utang namin sa kanila”
“Ang ibig mong sabihin, Sir. Lolo ni Ma’am Bek ang kaibigan ng Lolo mo?”
“Tama ka, Zeek. Yon nga ang dahilan kung bakit pinakasalan ko si Bek. Para makabayad kami sa utang”
“So, arranged marriage lang pala ang sa inyo..?”
“Tama ka, Zeek” sagot ni George “At iyon ang dahilan kung bakit nagkaganito ako sa kanya. Yes, mahal ko siya pero iba talaga ang totoo kong mahal” at biglang tumulo ang luha ni George dahil naalala niya ang una niyang mahal “And that’s Anthony”
“E nasaan na po siya, Sir?”
“Hindi ko alam. Pero ang huli kong narinig na balita sa kanya ay umalis siya ng Pilipinas para doon ituloy ang kanyang buhay” habang pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata “Alam ko na nasaktan siya sa ginawa ko dahil mas pinili ko pa si Bek over him. Hindi ko naman siya masisisi. Naging gago ako”
“Bakit po? Hindi niyo naman siya ipinagtanggol ang relasyon ninyo?”
“I tried. God knows I tried” sagot ni George “Nung araw na nasa bahay siya, at may nangyayri sa amin. Hindi ko pala alam na nakasunod sa akin si Bek. At doon niya na ako nahuli” kuwento niya kay Zeek “Doon na din lumakas ang loob ko na hiwalayan siya. And I did, nag-break kami at naging maligaya kami ni Anthony noon” patuloy pa rin ang pagkukuwento ni George sa kanya “Pero isang araw, tumawag ang Daddy ni Bek. Nagmamakaawa siya sa akin na balikan ko ang anak niya dahil konti na lang daw ay mag-me-mental breakdown na siya”
“So, iyan po ang rason kung bakit niyo siya pinakasalan?”
“Yes. Natatakot ako baka ako pa ang rason kung mababaliw ang anak nila at mag-pu-pull-out ang shares nila sa hotel”
Hindi makapagsalita si Zeek ng ilang minuto dahil nagulat siya sa totoong kuwento ng kanilang kasalan. Naaawa na ito kay George dahil sa mga sakripisyo nito sa pamilya at sa kanilang negosyo.
“I’m sorry po, Sir” sambit ni Zeek “Ngayon ay alam ko na ang katotohanan. Naiintindihan ko na kung bakit kayo nagkaganyan. Sorry po ulit kung hinusgahan kita”
“It’s okay Zeek. Sanay naman ako na hinusgahan ako eh” sagot niya sa binata “Sanay na ako mula noon nung magkarelasyon pa lang kami ni Anthony at hanggang ngayon. Hindi talaga maiiwasan yan”
“Pero naaawa ako sa’yo, Sir. Paano ang kaligayahan mo?”
“Well that’s why, andito ka diba? Sa’yo ko lang naramdaman muli ito. Ang kaligayahan na hindi nabibigay ng asawa ko” sambit niya sa binata “And I’m sorry kung nadamay ka sa problema namin” at hinawakan niya ang kamay ni Zeek at hinalikan ito “I love you, Zeek. Mahal na mahal kita. Please, Don’t leave me”
“I won’t Sir. Don’t worry” sagot ni Zeek sa kanya “Naiintindihan ko na talaga ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero sana po, maiintindihan mo rin kung bakit ayaw ko na sa ginagawa natin”
Tumango na lang si George sa sinabi ng binata sa kanya “Sige. I understand. Pero hayaan mo na lang na tulungan ko kayo ng Mama mo. Kahit wala nang kapalit na s*x”
“Bakit naman po? Bakit gusto mo kaming tulungan?”
“Kasi naaawa ako sa’yo. Sa’yo ng Mama mo”
“Naaawa?” ulit ni Zeek na parang nagtataka sa kanyang dahilan “Bakit naman kayo naaawa sa akin? E empleyado mo lang naman ako. Kung gusto mo talaga akong tulungan, huwag mo akong bigyan ng pera. Hayaan mo ako na pagtrabahuin ko ang pera na natatanggap ko”
“Pero kahit na, Zeek. Let me do this for you”
“Bakit nga po? Hindi ko kasi naiintindihan eh”
“Mahal nga kita, Zeek. Sinabi ko na sa’yo yan kanina” sagot niya sa binata “Ayaw kong nakikita kitang nahihirapan. Lalung-lalo na sa paghahanap ng pera. Sa totoo lang, kayang-kaya ko kayong buhayin ng Mama mo eh. Para hindi lang kayo nahihirapan”
Matagal nakasagot si Zeek sa totoong gusto ni George sa kanya “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, Sir. Alam ko na mali ito pero parang nagdadalawang-isip ako sa’yo”
“Then sundin mo lang kung ano ang laman ng puso mo. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo” at hinigpitan niya pa lalo ang paghawak sa kamay ng binata “Mahal kita, Zeek. Mahal na mahal”
“Sorry Sir, I can’t decide pa eh. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko”
“Sige. I’ll give you time para makapag-isip. Alam ko naman na naguguluhan ka pa ngayon sa mga nalaman mo tungkol sa nararamdaman ko sa’yo” binatawan niya ang kamay nito sa binata “Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin. Sana ganon pa rin tayo katulad nang dati”
“Don’t worry po”
“Mabuti naman kung ganon, Zeek. Sige na. Pwede ka nang lumabas” sambit niya kay Zeek habang umupo muli sa kanyang upuan “Bumalik ka na sa trabaho mo”
Bago siya umalis ay iniwan niya muna sa mesa ni George ang natirang pera na ibinigay sa kanya ng amo. Hindi naman ito pinansin ni George at tinignan lamang ang binata na lumakad palabas ng kanyang opisina.
***
Alas-singko ng hapon nang bumaba si Zeek mula sa opisina sa taas para magbreak. Nakapagpaalam naman siya sa kanyang amo na bababa at kakain ito dahil gutom na gutom na siya kasi hindi pa siya kumakain.
Nang pagkaupo niya sa hapagkainan ng locker-room para doon kumain ay may biglang pumasok at binati siya. “Uy Brad” sambit ni Owen. Napalingon naman si Zeek sa kanya. Hindi niya ito pinansin at kaagad bumalik sa kanyang pagkain “Wow ang suplado naman. Porke empleyado ka na dito ha, hindi ka na namamansin”
“Hindi naman sa ganon, brad” dugtong ni Zeek pagkatapos lunukin ang pagkain nasa kanyang bibig “Gutom na gutom na kasi ako. Tapos sobrang busy pa ako sa taas”
“Ganon? Ano naman pinagka-busyhan mo sa taas? s*x?”
“Yuck! Ano ba yan” sigaw ni Zeek “Paperworks siyempre”
“Hmmm.Talaga?”
“Oo naman. Ano ba ang akala mo sa akin? Callboy?”
“Hindi naman” ngiti ni Owen “E bakit napaka-defensive mo?”
“Hindi ako defensive. Naiinis lang ako sa mga sinasabi mo”
“Sorry na, brad” sabay tawa ni Owen “Ito naman. Ang pikon mo. Nagbibiro lang naman ako eh” tumingin lang sa kanya si Zeek habang ngumunguya ng pagkain “So, kamusta pala bilang isa nang empleyado ng hotel na ‘to? Masaya ba?”
“Okay lang naman. Medyo busy. Tumatanggap ng tawag ng mga kliyente at nag-aarange ng schedule niya” paliwanag ni Zeek. “Mahirap at nakakapagod”
“Mahirap ba yon? Parang ang dali-dali lang yun eh”
“Sa pakawari mo, madali. Pero kung ikaw na siguro sa pwesto ko, mahihirapan ka din”
“Talaga?” dugtong ni Owen “Paano ka nga nakapasok, brad?”
“Hindi ko ba sinabi sa’yo?”
“Malamang hindi” sagot naman nito sa kaibigan “Naputol nga kanina ang usapan diba?”
“Oo nga pala. Nagmamadali pala ako kanina”
“So ano nga? Paano ka natanggap dito?”
“Hmmm. Hindi ko rin alam eh” habang inaalala niya ang nangyari noon “Bigla lang naman ako pinatawag ni Sir George at inalok niya ako kaagad ng trabaho”
Patuloy pa rin ang pagkukuwento ni Zeek sa kanyang kaibigan habang malakas ang kabog ng dibdib. Kinakabahan ito baka madulas siya sa kanyang sinasabi at maikuwento niya ang sikreto nila ni George.
Itutuloy…