Chapter 8 (Si Jen)

2791 Words
Unang araw ng mga Magbanua sa Amerika at masaya ang mag-asawa na sina Arnold at Daisy dahil nandoonna ang buong pamilya lalung-lalo ang kanilang anak. Sama-sama nilang harapin ang mga bagong hamon sa bansa na hindi pamilyar sa kanila. Pero iba ang nararamdaman ni Hazel. Malungkot at walang ganang bumangon sa kanyang kama. Nakatingin lang ito sa kisame ng kanyang silid na hindi kumukurap ang mga mata. ‘Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas. Ayaw ko dito sa Amerika. Miss na miss ko na si Zeek, ang Cookie ko’ sambit niya sa kanyang sarili habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya namalayan na pumasok pala sa kanyang kwarto ang kanyang Mommy. “Hazel. Bakit hindi ka pa bumabangon diyan? Diba ang usapan natin ay maaga pa tayong aalis? Pupunta tayo sa bagong school mo dito. Aasikasuhin natin ang mga papers mo para makapasok ka na agad” pero hindi siya umimik sa kanyang ina at patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Napansin naman ito ni Daisy at tinignan niya ng mabuti ang pisngi ng anak na parang basa ng luha “Umiiyak ka ba?” “Hindi po, Mommy” sabay punas ng kanyang pisngi “Sinisipon lang ako” “Umiiyak ka eh. Huwag mo nga akong lokohin” lapit niya sa kanyang anak “Bakit ka naman ba umiiyak?” “Wala nga po…” “Tungkol ba ‘to sa lalaki na iniwan mo sa Pilipinas?” panghuhula ni Daisy “Diba ang sabi sa’yo ng Daddy mo ay kalimutan mo na siya? Andito na tayo sa Amerika, anak. We can start a brand new life here” “But Mom. Mahal ko si Zeek. Miss na miss ko na siya. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas” “Huwag na huwag mong gagawin yan, Hazel” pambabanta niya sa anak “Alam mo na magagalit ang Daddy mo kapag hindi mo sinunod ang gusto niya” “Pero…” “…No buts, Hazel. Sundin mo na lang ang Daddy mo para walang gulo. Paran naman sa’yo ito eh” “Mom. Bakit ganyan ka? Nung nakilala mo noon si Zeek, ang sabi mo masaya ka para sa amin at hinding-hindi ka sasagabal sa pag-iibigan namin” “Kasi iba na ngayon, anak. Alam na ng Daddy mo ang tungkol sa kanya at ayaw niya kay Zeek” paliwanag nito sa anak “Ayaw ko naman na mag-away kami ng Daddy mo para lang sa lalaking iyon. At isa pa, tama naman siya. Wala kang makikitang kinabukasan kay Zeek” “Pero Mom. Mahal ko nga siya. Hindi ko siya kayang iwan” “Bakit napakatigas ng ulo mo? Ano ba ang pinakain sa’yo ng lalaking iyon na parang ayaw mo siyang iwan at bitawan??!” “Hindi pa ba sapat na mahal ko siya?” “Hindi” sagot ng ina na matigas ang tono ng boses “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pag-ibig o pagmamahal ang dahilan para mabuhay sa mundong ito. Kailangan ding gamitin ang utak para mabuhay” doon na siya lumakad palabas ng silid ng anak “Sige na… magbihis ka na at pupunta tayo sa bagong school mo” Walang nagawa si Hazel kundi sundin na lang ang kanyang magulang, dahil kahit lalayas siya sa kanilang bahay ay wala pa rin siyang pera pauwi sa Pilipinas. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay sundin muna sila, para kung matapos niya na ang kanyang pag-aaral ay babalik siya kaagad ng Pilipinas. At siguro tama din naman sila dahil wala namang magulang na magkagusto na mapahamak ang anak. Kaagad siyang tumayo sa kama at tinignan ang Mommy niya “Sige Mommy. Magbibihis na ako” “Mabuti naman at tumayo ka na” dugtong ni Daisy sa anak na pinunpunas ang kanyang mga luha sa pisngi “Sundin mo lang kami because it’s for your own good… and for your future” “Opo Mommy” “Good girl” ngiti ni Daisy sa anak *** Samantala. Sa bahay nina George at Bek. Dakong alas-nwebe na ng gabi. Nakaupo si Bek sa kama habang nagbabasa siya ng paborito niyang libro. Samantala si George naman ay nasa loob ng banyo at naliligo dahil kakarating lang mula sa opisina. Nawili si Bek sa pagbabasa at natapos niya ang limang kabanata ng libro. Doon niya na napansin na hindi pa rin lumalabas ng banyo ang asawa magkalipas ang isang oras. Nagdesisyon na lang si Bek na tumayo at puntahan ang asawa sa banyo. Balak niya sanang buksan ang pintuan pero naka-lock ito. “Mahal” tawag niya sabay katok ng pintuan “Bakit ang tagal mo diyan? Okay ka lang ba?” “S-sandali Mahal. Naliligo pa kasi ako” sagot naman ni George “Ano?Hindi ka pa tapos diyan? Kanina ka pa diyan ah” “Heto na. Malapit na akong matapos” Ilang sandali din ay lumabas nga si George ng banyo. Basang-basa ng pawis at parang nanghihingal. “Oh. Bakit ka basa? Pawis ba yan?” pansin ni Bek “Hindi Mahal. Tubig lang ito” punas niya gamit ang tuwalya sa kanyang katawan “Hindi ko pa napunasan eh” “Talaga? E bakit nanghihingal ka?” at may isa pang napansin si Bek “At bakit mo dala ang cellphone mo sa loob?” Biglang uminit ang ulo ni George sa mga sunod-sunod na tanong sa kanya “Bakit ang dami mong tanong?? Pulis ka ba?” at kumuha siya ng malinis na mga damit sa aparador “Hindi naman, Mahal. Nagtatanong lang naman ako” “Nakakainis na eh. Naligo lang ako diba?” “Oh edi naligo. Wala namang kaso diyan eh” sagot ni Bek sa asawa “Nagtatanong lang naman ako” “Nagtatanong o nag-iimbestiga?” “Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?” “Oh c’mon. Don’t act na parang wala kang ginagawa” “Ha? Ano ang ibig mong sabihin?” sambit niya. Hindi niya talaga alam ang mga pinagsasabi ng asawa. “Na nagdududa ka sa akin. Na parang may ginagawa akong masama sa loob ng CR” “Ha?? I’m just asking, okay? Ano ba ang problema dun…?” sabat ni Bek na mainit na din ang ulo “Wala naman eh. Unless na meron talaga” “Ano’ng ‘unless meron’?” “Wala. Nevermind. Matutulog na lang ako” Mahihiga n asana si Bek sa kama pero hinila siya ni George patayo muli “Kausapin mo nga ako babae. Ano yon? Sa tingin mo ba ay may ginagawa akong masama??” “Wala akong sinabi, George. Nagtatanong lang ako kung bakit nanghihingal ka at dala mo ang telepono mo sa loob” ulit ni Bek “Huwag kang masyadong defensive. Dahil diyan ka mahuhuli” “Hindi ako defensive. Naiinis lang ako na parati kang tumatanong na parang pulis… na parang may ginagawa ako. Doon ako nasasakal” habang tumataas na ang tono ng mga boses nila. “Nasasakal? Bakit ka naman masasakal? Nasasakal ka dahil totoo siguro ang mga duda ko sa’yo!” sigaw niya sa asawa “Of course not. Hindi totoo yan. Nagbago na ako” “Nagbago ba talaga??” “What? What are you trying to say? Na may iba na naman ako? May bago na naman ako? Ganon ba yon?” “Sa totoo lang. Oo” sabat ni Bek “Naiinis ako sa’yo ngayon, George. Dahil alam ko na hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang dating George na niloko ako” pagbabalik ni Bek sa nakaraan at ang nakita niya kanina “At akala mo hindi ko alam?” “Ang ano na naman ba yan?” “Na magkasama kayo kanina ng Assistant mo” “Oo. Diba andoon kanina sa opisina? Nakita mo kami kanina na pumasok ng sabay diba? At alam mo kung nasaan kami nanggaling” “Nagkakamali ka. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling” sagot ni Bek “Saan nga ba, George?? Sa Motel? Sa bahay niya?? O sa gilid-gilid lang??” “Why are you doing this, Bek?? Bakit ka ganyan?! Ano ba ang problema mo sa akin??!” pagmaang-maangan ni George sa kanya “Wow… for real Bek?? Inuungkat mo pa ulit ang dati?? At gumagawa ka pa ng kwento tungkol sa amin ni Lucas. Tapos na yon, okay?? Kasal na tayo. Stop for so being insecure” “I’m not. Dahil nga ang sabi mo diba? Asawa na kita, kasal na tayo. I’m just protecting our marriage” “Protecting?? Wala naman akong ginagawa ah” “Wala ba…?” “PUCHA naman Bek. Paulit-ulit tayo eh!” Nabigla si Bek sa sinabi ng kanyang asawa at kaagad niyang sinampal ito ng malakas. “Huwag mo akong murahin, George. Rumespeto ka sa akin dahil asawa mo ako..” Hindi sumagot si George sa kanya at tanging paglisik lang mata ang nakuha ni Bek. Kaagad siyang lumabas ng silid at isinara ang pintuan ng napakalakas. Napaiyak na lamang si Bek sa ginawa ng kanyang asawa. Mukhang bumabalik kasi ang dating ugali nito nung bago niyang nalaman na may karelasyon ang asawa niya na bakla. *** Kinabukasan. Tinawagan ni Bek ang kanyang bestfriend na si Jen. Pinapapunta niya ito sa bahay nila para makapagkwentuhan at samahan siya sa bahay dahil sobrang bagot na ito. Nang pagdating ni Jen doon ay kaagad niyang ikwinento ang nangyari sa kanila ng kanyang asawa kagabi. “Alam na” tanging sambit ni Jen. “What do you mean Mads?” “Na may iba siya. Dahil sobrang defensive niya sa mga tanong mo sa kanya” “Hindi naman siguro Mads” “Ganon? So kinakampihan mo na siya ngayon?” dugtong ni Jen “Ikaw nga ang may sabi na napaka-defensive niya kagabi diba?” “Oo Mads. Pero baka wala naman sa kanya yun. Baka naging OA lang ako sa pag-iisip” Nagpabuntong-hininga si Jen sa sinabi ng kaibigan tungkol sa kanyang asawa “Naririnig mo ba ang sinasabi mo. Mads? Gumising ka nga. Huwag ka nang magpakabulag sa ginagawa ng asawa mo sa’yo” “E wala ngang ginagawa. Eto naman” sabay ngiti niya kay Jen “Ang OA mo Mads. Kwinento ko lang sa’yo ang sama ng loob ko sa kanya. Pero it doesn’t mean na totoo. Sumama lang ang loob ko sa kanya” “E paano nga kung totoo?? Paano kung may iba na naman siya?” dugtong niya sa kaibigan “Mads. Kapag ang babae ay malakas ang pagdududa sa kanyang asawa, sigurado na totoo yan” “WALA nga. okay?” pagdidiin ni Bek “It’s just my crazy mind playing again” “Naku Mads. Basta ha. Napagsabihan na kita” “OPO. Alam ko naman ang ibig mong sabihin” “Nag-aalala lang kasi ako sa’yo. Baka maulit na naman ang nangyari noon na muntikan ka nang mabaliw dahil doon” “Ano ka ba naman Mads. Tapos na yon, At isa pa, okay na ako” “Pero hindi mo maalis sa akin na mag-alala ako sa’yo dahil kaibigan kita” sabay hawak ng kamay ng kaibigan “Ipangako mo sa akin na kahit ano man ang gawin ni George ay hindi ka muli mabaliw sa kanya” “Baliw??” ulit ni Bek “I’m not insane. Kwinento ko lang sa’yo ang problema ko, baliw na kaagad? Mads ha” “Basta ipangako mo lang Mads” “Haaay, Oo na. Sige na. Para matapos na ito” sabat ni Bek “Promise ko sa’yo na ako mababaliw. Oh. Okay na ?” “Okay na” ngiti lang ni Jen. “Oo nga pala, Mads” dugtong ni Bek sa usapan. “Kamusta na pala kayo ni Jason?” “Hmmm. Okay naman kami. Going strong pa din sa pinili naming buhay mag-asawa” “Talaga?? Kaya mo naman, Mads?” “Oo naman. Bakit hindi?” “Hindi ko pa rin kasi maiintindihan ang trip ninyong mag-asawa eh” sambit nito “Parang nawewerduhan ako” “Normal lang yan, Mads. Iyon lang talaga ang trip ng katulad naming Swingers. Ang s*x ay parang sport. Parang laro or isang hobby. The more, the merrier. Sharing is loving kumbaga” paliwanag ni Jen sa kaibigan “Ang importante ay we’re enjoying sexkahit magkaiba kami ng partner” dugtong niya sa kanyang paliwanag na parang proud ito sa kanilang mag-asawa “Kahit ilan pang tao ang ma-s*x ninyo, basta alam niyo na mahal ninyong dalawa ang isa’t-isa” “Naku. Hirap pa din Mads eh” buntong-hininga ni Bek at napaisip siya kung mangyari sa kanilang mag-asawa iyon “Parang niloloko niyo lang ang isa’t-isa ng harapan” “Hindi kaya. Sa ginagawa namin yan ay mas lalo pang tumatatag ang relasyon naming mag-asawa” “Ganon?? Paano naman?” “Basta Mads. Nag-eenjoy lang kami” “Hindi ka man nagselos na may kasama siyang iba?” “Hmmm. Aaminin ko, sa umpisa. Nagselos ako” sagot ni Jen “Pero habang tumatagal at parati niyo nang ginagawa ay okay naman. Siguro sa pagiging mature na din. At masaya, Mads. Promise” “Masaya? Talaga?” “Oo kaya. Balak ko pa sana kayong i-reto sa mag-asawang nakilala namin ng asawa ko eh” sabay kagat ni Jen ng kanyang labi “Ang hot nila, Mads. Especially ang lalaki.” “Okay ka lang Mads? Ayaw ko. Yuck!” “Kung makapagsabi naman ng Yuck ito oh. Virgin lang..?!” “E hindi naman. Pero alam mo naman ako. Selosa” sambit niya sa kaibigan “Hindi ko siguro makayanan na nakikita ko ang asawa ko na may ka-s*x na iba habang may nakapatong din na lalaki sa akin” “Kung sa bagay. Tama ka, Mads. Mahina kasi ang loob mo eh. Lalung-lalo na diyan kapag si George na ang pinag-uusapan” sang-ayon ni Jen sa pagtanggi ng kaibigan “Pero kami ng asawa ko, masaya kami. Sobrang masaya. At walang magiging problema kung alam ninyo na mahal ninyo ang isa’t-isa” “Hmmm. Sige. Ikaw ang bahala, Mads” sabay hinga ni Bek ng malalim “Tutal naman ay tatatanda niyo na. Alam niyo naman ang mabuti sa hindi” “Don’t worry Mads. Kaya ko ang klaseng lifestyle na pinili naming mag-asawa. At isa pa, nag-eenjoy naman ako eh” “Okay. Masaya naman ako kapag masaya ka” ngiti na lang ni Bek sa kaibigan “Salamat Mads” Ilang segundo ang pananahimik ni Bek bago siya makapagsalita “You’re welcome, Mads. Pero kapag may problema, o nag-away kayo, o hindi mo na kaya. Andito lang ako para damayan ka ha” “Okay Mads. Salamat ulit” ngiti ni Jen sa kaibigan “Pero Mads ha. Ang sinabi ko sa’yo kanina tungkol sa asawa mo” “Opo. Naalala ko. Don’t worry” “Good” sabay ngiti ni Jen. Tumayo ito at inayos ang kanyang sarili. “So pano. Alis na ako” “Bakit? Saan ka pupunta?” “Uuwi na ako” “Ha? Ang aga naman, Mads. Dito ka muna, samahan mo muna ako dito” “I would love to. Pero may darating pa kami na bisita mamayang gabi eh. Maghahanda pa ako” tingin niya kay Bek “Mag-asawa, Mads” “Ha?? Don’t tell me na….” “… Yup. Kaya excited na ako uuwi dahil maglalaro pa kaming apat mamaya” “Ahhhh” tanging sambit ng kaibigan. “Sige Mads. Alis na ako ha. Mag-iingat ka dito” “Salamat. Kaw din Mads. Mag-iingat ka” sabay beso niya kay Jen. “I will” kindat niya “Bye…” Sinundan ng mga mata ni Bek ang papalabas na kaibigan sa kanyang bahay. Bigla niyang naisip muli ang ginagawa nilang mag-asawa. Ayaw niya talaga na mangyari sa kanila ni George ang ginagawa nina Jen at Jason. Pero wala naman siyang magagawa kay Jen dahil ginusto niya iyon. Ilang beses niya na itong pinagsabihan pero matigas pa rin ang ulo nito at mahal na mahal niya si Jason kaya ginagawa niya daw ito. Kaya hinayaan na lang niya ang kaibigan na si Jen na kung paano siya sa paghawak ng relasyon nilang mag-asawa. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD