Chapter 9 (Secret Affair)

2893 Words
Nasa opisina na si George at nakaupo ito sa kanyang upuan. Nakatulala at parang may iniisip na malalim. “Good morning Sir” bati ni Lucas habang papasok siya sa opisina. “Good morning din” Napatingin naman si Lucas sa amo habang papalapit sa mesa. Nahalata niya na parang may problema ito “Okay ka lang ba, Sir?” “Yes. I’m okay” “Hmm. Parang hindi eh. Gusto mo ba ng masahe? ” at dumerecho siya sa bandang likuran ni George at minasahe ang balikat nito “Ano? Masarap ba..?” Napaungol ng malakas si George sa ginagawa sa kanya ni Lucas. Isang masarap na masahe ang kanyang tinatanggap. Bawat diin at bawat hagod ng kamay ng assistant niya ay napapaungol ito sa sarap “Ugghh. Sige Lucas. Diin mo pa” Pinagpatuloy pa ni Lucas ang paghagod sa balikat ng kanyang amo. Unting-unti niya inilipat sa dibdib nito at patuloy na bumababa sa pantalon ni George. Sinimulan niyang binuksan ang zipper ng pantalon at pinasok ang kamay nito sa loob. Naramdaman naman kaagad ni George ang pinagagawa ng kanyang assistant at kaagad tumayo. “What are you doing??” sambit niya dito “Bakit? Ayaw mo ba?” “Gusto siyempre. Pero huwag dito sa opisina ko” sabay ayos ng kanyang zipper. “E bakit naman? Ang sarap kaya kapag dito gawin” ngiti ni Lucas “Try natin” “Are you out of your mind??! Gusto mo bang mahuli tayo ng asawa ko? Alam mo naman kung paano magalit diba?!” “Oo. Pero gusto ng adventure. I want some thrill” “Adventure? E doon nga tayo kahapon sa bukid eh” paalala niya sa assistant “Diba you want outdoors?? Ibinigay ko naman sa’yo ang gusto mo” “Pero iba dito sa office eh” “Nababaliw ka na talaga, Lucas” “Sige na. Please. I can’t control it na eh” pagmamakaawa niya kay George “I want to be f****d” “I can’t believe it. Adik ka na talaga” “Oo George, Adik na ako. Please. Sige na” “NO!” sigaw niya kay Lucas “Huwag ka nang makulit, okay? Marami akong gagawin ngayon” “Edi mamayang gabi. After ng office hours” “Hindi pwede mamaya” “Bakit??” “Uuwi ako kaagad mamaya. Magpapalamig muna tayo” “Bakit na naman ba? Ano ba ang nagawa mo?” “Ginawa natin” pagtatama ni George “Sa ginawa ko kagabi sa loob ng CR ay nagdududa na siya, lalung-lalo na nung kahapon na anong oras na tayo nakarating dito” “Ha? So ako pa ang sinisisi mo kagabi? E ikaw nga ang hindi marunong mag-ingat eh” sisi niya kay George “Gusto mo pa kasi mag-video call tayo” “Pasensiya na. Kasalanan ko na nga” “So anong plano mo?” “As I said, magpapalamig muna tayo. Huwag muna tayo lumabas or mag-s*x, baka mahuli niya na tayo” “Sige” sagot lamang ni Lucas. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-dismaya sa sinabi ni George. Napansin naman ni George ang pagkadismaya ng isa at kaagad itong pinuntahan, niyakap at hinalikan sa labi. “Huwag ka nang magtampo, Lucas. Konting tiis lang dahil sa lalong madaling panahon ay magagawa din natin ulit ang ginagawa natin. Pero mag-ingat muna tayo ngayon” “Pero ang tanong, hanggang kailan ako magtitiis?” “Hindi ko alam. Pero ito lang ang masasabi ko sa’yo. Hinding-hindi niya ito malalaman. Hanggang sa kamatayan ay hindi niya ito malalaman” paliwanag niya kay Lucas “Dahil kapag nalaman o nahuli niya ako, katapusan na ng mundo ko at isusumpa niya ako” “So, mahal mo siya?” “Oo naman. Mahal ko siya” sagot niya na walang pag-aalinlangan “Bakit mo naman natanong?” “Wala naman. So, ano lang ito para sa’yo…? Ang ginagawa natin? Wala lang?” “Oo. Wala lang. Pampaalis libog lang” “Sige” at biglang umiba muli ang mukha ni Lucas. “Teka. Are you expecting something from me?” “Wala. Siguro umasa lang ako na maging tayo” “What?! Okay ka lang? May asawa ako, Lucas… at alam mo yon” paalala ni George sa kanya “Diba simula pa lang ay sinabi ko na sa’yo na walang kasamang emosyon ang ginagawa natin? Plain s*x lang dapat diba?” “Oo na. Alam ko” habang nanginginig ang boses niya na parang iiyak “Huwag mo nang ulitin dahil alam ko naman yon” “Alam mo naman pala eh” dugtong ni George “E ano pa ang dahilan na nagdadrama ka? May I remind you, Lucas. Binabayaran kita sa serbisyo mo sa akin, yung lang yun. No strings attached” “Opo Sir. Pasensiya na talaga. Hindi na muulit” sagot naman niya. “Good to hear that. Sana alam mo na ang lugar mo ngayon, Lucas” hindi siya sumagot sa dugtong ni George “So… what’s my schedule for today?” Kinuha niya ang planner na nakapatong sa mesa ng boss at binasa ang schedule nito sa ngayong araw “Meron po pala kayong meeting sa lahat ng mga Department heads” “Ano’ng oras?” “9 a.m. Sir” Tinignan naman ni George ang kanyang relo sa kamay “Really? I’m ten minutes late” kaagad siyang tumayo sa upuan “See Lucas. Sa pag-aambisyon mo na maging tayo ay hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo. I’ll deal with you later” Nagmamadaling lumabas si George sa kanyang opisina dahil sobrang late na niya sa meeting. Samantala si Lucas naman ay nakatayo pa rin malapit sa mesa ng kanyang boss. Nanlulumo ang mga mata dahil nasaktan siya sa sinabi at pambale-wala ni George sa kanya. *** Kakarating lang ni Zeek sa hotel. Nanghihingal siyang pumunta sa locker room, bumihis ng uniporme at kaagad lumabas patungo sa hotel. Sa kanyang pagpasok, hindi niya namalayan na nandoon pala si Miss Noguiera, ang head ng HR Department. “Good morning, Ma’am” bati ni Zeek sa kanya “Good morning din. And you are..?” “Zeek Lacsamana po, Ma’am” “Bagong empleyado ka ba dito? Parang hindi kita nakita” “No Ma’am. Student intern po ako” sagot ni Zeek “Kahapon lang ako nagsimula” “Talaga?” tingin niya kay Zeek mula ulo hanggang paa “Parang hindi kita nakita nung orientation” “Yes Ma’am. Wala nga ako nung nag-conduct ka nag orientation” “Ano? Bakit wala ka? At bakit ka nakapasok at naka-umpisa ng duty mo nang walang orientation?” sasagot na sana si Zeek pero pinigilan niya ito ng nakataas niyang kamay “Don’t need to explain. Kahit mag-explain ka pa ay hindi ko pa rin i-coconsider yan dahil hindi ka nakadalo sa orientation. Hindi mo ba alam na bago ka makapag-umpisa ay kailangan mong dumalo para alam mo ang mga rules dito sa hotel” “Sorry Ma’am. Hindi ko alam” “So alam mo na” dugtong niya “Sino ka ba talaga? Magnanakaw ka ba??” “Ha? Hindi po, Ma’am” habang nanlalaki ang mga mata ni Zeek dahil nabigla ito sa paratang ng babae “Intern nga po ako dito” Kumukha ang babae ng radyo at may pinindot dito “Hello Guard. Pumunta ka dito sa may Annex. May nakapasok na magnanakaw dito” “Hindi nga po ako magnanakaw Ma’am. Bakit hindi ka naniniwala sa akin?” “Because you’re not convincing. Hindi ako naniniwala na intern ka dito dahil hindi kita nakita nung orientation” pagmamatigas ng babae kay Zeek “Kung sino man ang pumasok sa’yo dito, I’m sorry. Pero hindi ka nakapasok sa standards ko” “Pero Ma’am…” “Sorry. I have made my decision” sakto din na dumating ang guard “Oh guard, andito ka na pala. Iyan ang magnanakaw. Dakpin mo na” Sinunod naman ng guard ang utos nito at dinakip si Zeek. Hinawakan niya ito sa kanang braso ng mahigpit. “Ma’am. Hayaan mo muna na magpaliwanag ako” “Don’t need to explain” at tumingin muli siya sa guard na nakahawak sa binata "Guard. Palabasin mo na siya dito sa hotel. Nakakasira lang siya ng ambiance” “What’s the commotion all about?” “Sir George. Ikaw pala” sambit ni Miss Noguiera sa dumating na lalaki “Bakit ninyo siya dinadakip, Miss Noguiera?” “He’s claiming kasi Sir na student intern siya at kahapon pa siya daw nag-umpisa” “And…?” “And hindi ko siya nakita nung nag-conduct ako ng orientation” sagot niya sa amo “Alam mo naman Sir ang SOP ng mga student intern dito sa atin” “Of course, I know. Ako ang gumawa ng mga rules” dugtong naman niya “At bakit may guard ka pang kasama?” “Kasi nagdududa ako sa kanya, Sir. Baka magnanakaw siya o ispiya ng kalaban natin” “Magnanakaw talaga?” dugtong ni George “Miss Noguierra, if he’s claiming na intern siya, bakit hindi mo tsinek muna ang files mo sa opisina mo, to prove na totoo ang sinasabi niya? Hindi mo pa nga napatunayan, pinadakip mo pa siya agad sa guard?” “Sorry Sir. I’ll check it later” “Later? Bakit later pa?” sabat niya sa babae “For your information, Miss Noguierra. Mister Lacsamana was not able to attend your orientation dahil ako mismo ang nagbigay sa kanya nun” “Totoo ba yan Sir?” “Oo naman. Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako?” “Hindi naman po sa ganon, Sir. Hindi ko lang kasi alam” “It’s okay. Pero ngayon alam mo na” “Opo. Sorry talaga sa ginawa ko” tingin niya sa binata. “Hindi ko naman talaga alam eh” “Okay lang po yon, Ma’am. Wala na pong problema” sagot naman ni Zeek “Iyon po pala ang sasabihin ko sa’yo kanina na magpapaliwanag ako. Pero hindi kayo nakinig eh. Pinadakip niyo pa rin ako” Napangiti na lamang siya sa katangahan na ginawa niya. Parang matutunaw siya sa kahihiyan dahil mali pala ang akala niya kay Zeek at ang amo niya pa pala ang nagpapasok. Wala siyang nasabi at kaagad na lang umalis at bumalik sa kanyang opisina Samantala ang dalawa naman ay naglalakad sa hallway. “Sorry sa ginawa ng empleyado ko sa’yo, Zeek” “Okay lang naman po Sir. Nakakatuwa lang dahil pangalawang beses na akong muntikang mapalabas ng guard sa hotel ninyo” ngiti ng binata. “Oo nga eh. Pero ako parati ang nakakasagip sa’yo” “Opo Sir. Salamat pala diyan. At sorry na din kasi ikaw pa talaga ang magtatakip sa mga kapalpakan ko” “Anong kapalpakan? Hindi ka palpak Zeek” sambit niya sa binata “Ako nga ang manghihingi sa’yo ng pasensiya dahil hindi ko pinaalam kaagad sa HR ang tungkol sa’yo eh, kaya nagkaganito” “Hindi po. Wala kang kasalanan, Sir. May kasalanan din naman ako dahil hindi ko rin mismo pinaalam sa kanya” “Tama na nga yan” sabat ni George sa kanya “Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa duty mo ba ako na naman ang magalit sa’yo” sabay ngiti niya sa binata. “Okay po, Sir. Salamat ulit” “You’re welcome, Zeek” Umakyat si Zeek sa isang Function Room ng hotel para tulungan ang iba niyang kasamahang student intern. May event kasi sa araw na iyon at kailangan nang tapusin ang pag-aayos ng silid bago pa makarating ang mga bisita. Nang pagpasok niya sa silid ay nakita niya si Owen, na akala niya ay hindi na papasok. Nagbubuhat siya ng mga silya at inaayos ang mga ito. “Uy Brad. Nandito ka?” bati niya kay Owen. “Oo Brad. Narealize ko na tama ang sinabi mo sa akin” sagot naman niya kay Zeek “Na bihira lang ang makapasok sa isang five-star hotel na ito bilang empleyado o sa kaso nating intern” “Good. Mabuti naman ay napag-isip ka ng maayos” “Oo Brad, Salamat talaga ha” tapik niya sa kaliwang braso ng bagong kaibigan. “Naku. Wala yon” “Oo nga pala. Bakit na-late ka?” “Muntikan kasi ako na hindi makapasok” “Ha? Bakit naman?” “Pinagdudahan kasi ako ni Miss Noguiera na magnanakaw dahil hindi siya naniniwala sa akin na student intern ako. Dahil wala daw ako sa orientation niya” “Ganon? Grabe naman siya” dugtong ni Owen habang inaayos nilang dalawa ang mesa “E pano ka nakalusot?” “Ayon. Mabuti na lang na dumating si Sir George habang kinukuha ako ng guard” sabay ngiti nito “Nakakatuwa lang kasi pangalawang beses na ako muntikang mapalabas ng hotel eh. At pangalawang beses na din ako sinagip ni Sir” “Pangalawang beses?” ulit ni Owen “E kailan nung una?” “Yung pinalayas ako ng asawa niya. Rebecca ata yung pangalan” kuwento nito sa kaibigan “Nagalit lang siya sa akin dahil wala ang kasama ko nung nagpasa ako ng resume namin. Pero grabe yung magalit” “Talaga? So totoo nga pala ang usap-usapan dito” “Na ano?” tanong lang ni Zeek. Parang interesado din siya na makinig sa sasabihin ni Owen sa kanya. “Na mainitin daw ang ulo niya. Dahil sa sobrang selosa niya” sagot niya “Dahil akala niya na lahat ng tao ay nagkagusto kay Sir George” “Talaga?” “Oo brad.Pero hindi naman siya masisisi dahil ang gwapo ng amo natin eh. Nakatikim nga mismo yung dalawang naunang intern na babae sa kanya” dugtong niya sa kanyang kuwento “Parang dragon daw magalit” “Oo nga brad eh. Tama nga sila. Parang dragon talaga magalit ang asawa ni Sir George” Napatigil silang dalawa dahil pumasok ang Supervisor para tignan ang kalagayan ng silid. Itinuloy na lang nila ang pag-aayos dahil ilang oras na lang ay darating na ang mga bisita na gagamitin ang Function Room na iyon. *** Alas-singko na ng hapon at nakaupo si Bek sa sofa, nakaupo at nakatulala lang sa hangin na parang may iniisip. Iniisip niya kasi ang sinabi ng kaibigan niya tungkol sa kanyang asawa, na baka may iba na siya at kailangan niya maging alerto dito. Pero naniniwala siya kay George na nagbago na talaga iyon at pilit niyang inaayos ang relasyon nilang dalawa. Magkalipas ang ilang saglit ay may pumasok sa main door ng bahay. Tumayo si Bek at sinalubungan ng yakap ang pumasok ng bahay. “Good evening Mahal” bati niya. “Good evening din Mahal” “Kumain ka na ba? Kain na tayo” alok niya sa asawa “Hinintay kita para sabay tayong kakain” “Ganon ba? Naku Mahal, sana kumain ka na lang” “Bakit naman? Hindi ka ba kakain?” “Sorry Mahal. Hindi eh. Busog pa kasi ako” sambit ni George “Kumain na ako sa labas eh. Pumunta kasi ako sa bahay ni Lucas. Birthday kasi ng nanay niya” Kumunot ang noo ni Bek sa sinabi ng kanyang asawa. “Hindi ka naman nagpaalam o pinaalam man lang sa akin na may pinuntahan ka pala na birthday. Saan yon? Sa nanay ni Lucas?” “Oo Mahal eh” niyakap din niya si Bek “Huwag ka nag magtampo, Mahal. Biglaan lang kasi yun” “Ganon? E kahit na. Ipaalam mo pa rin sa akin dahil asawa mo ako” paninindigan ni Bek sa asawa “At alam mo naman na ayaw ko sa kanya, pero patuloy ka pa rin sumasama sa kanya” “So, binabawalan mo ako na sumama ako sa kanya? Ganon?” sabay alis niya ng kanyang yakap sa asawa “Oo. Yun na nga” “Tungkol pa ba ‘to sa pagdududa mo sa akin kagabi?” pero hindi sumagot si Bek “Oh god Bek. Para kang bata. Nagagalit sa mga maliit na bagay. Akala ko kasi ay okay ka na at nagtatampo ka lang kagabi pero hanggang ngayon….?” “Masisisi mo ba ako kung magselos ako sa inyong dalawa ni Lucas? Parati kayong magkasama. Parang ayaw ninyong magkahiwalay na dalawa” “Of course. He’s my Assistant” sagot ni George “At ano naman ang problema doon? At sino ba ang gusto mong kasama ko parati? Ikaw? E napakaselosa mo eh” Umakyat kaagad si George ng hagdanan ng walang pasabi sa asawa. Samantala ay nakatingin lamang si Bek sa asawa na tumutulo ang luha dahil hindi niya na talaga maiintindihan ang ugali nito. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD