Pagkatapos niyang nagbihis ng uniporme niya mula sa trabaho ay nagtungo kaagad si Zeek sa sala, umupo sa sofa at binuksan ang telebisyon. Pero habang nanonood ay biglang namatay ito kasabay ng ilaw.
“Ma..!” tawag niya kay Vivian “Walang kuryente!”
Lumapit naman ang ina niya na nanggaling mula sa kusina. Tinangka pinaandar ang switch ng ilaw pero hindi nga ito umilaw. “Naku anak. Baka naputulan tayo ng kuryente”
“Ha?” tumayo si Zeek sa sofa at hinarap ang ina na si Vivian “Bakit Ma? Diba binigyan kita ng pera nung isang araw? Hindi ka pa ba nakabayad?”
“Hindi pa anak eh” buntong-hininga niya at tumingin siya sa kanyang anak na parang may sasabihin “Anak. May sasabihin sana ako sa’yo. Pero huwag ka sanang magalit sa akin”
“Ano naman ba yan, Ma?” sagot ni Zeek. Parang alam niya ang susunod na sasabihin nito sa kanya “Huwag mong sabihin na ginamit mo naman ang pera sa pampautang mo”
“Pasensiya na anak. Naawa kasi ako sa kanya eh” biglang umamo ang boses niya sa anak “Kailangan lang talaga nila eh”
“E kailangan naman din natin ang pera. Paano tayo ngayon? Wala tayong kuryente” sambit ni Zeek “Alam mo naman na iyon lang ang natirang pera ko sa nagdaan kong trabaho eh”
“Anak. Babayaran naman daw tayo nila kaagad kapag nagka-pera na sila”
“At naniwala ka naman sa kanila, Ma?” balik niya dito “Sino na naman ba ang maswerteng taong nakatanggap ng biyaya mo?”
“Si Aling Malou, anak”
“Ano..?? Siya..?”
“Oo anak. Pero nangako naman siya sa akin na magbabayad siya kaagad”
“Naku Ma. Kalimutan mo na lang ang pangako niya sa’yo dahil hindi totoo yan” dugtong ni Zeek “Ano na naman ba ang drama niya ngayon sa’yo?”
“Kailangan niya daw kasi ng pera para pambayad lang sa ospial, anak” paliwanag niya kay Zeek “Na-ospital daw kasi ang apo niya eh. Alam mo naman na maawain ako sa mga bata” napahinga na lang ng malalim si Zeek sa ginawa ng kanyang ina. Hinaplos niya ang likuran ng anak para mapakalma ito “Anak. Huwag ka nang magalit sa Mama mo oh”
“Hindi naman ako galit, Ma” dugtong niya sa ina “Nainis lang kasi ako sa ginawa mo. Hindi naman tayo mayaman para magkawang-gawa parati sa mga tao dito”
“Alam ko, anak. Pero naaawa lang talaga ako sa kanya at sa apo niya. Intindihin mo naman ako”
“Intindihin..?? Naku Ma. Lalo pa nilang aabusuhin ang kabaitang mong yan. Pwede ba, Ma? Itigil mo na yan”
“S-sige anak. Pipilitin ko” at niyakap niya ng mahigpit si Zeek “Pero anak. Huwag ka nang magalit sa akin. Patawarin mo na ako”
“Ano ba naman magagawa natin kundi patawarin ka. Mama kita eh” at niyakap niya din si Vivian ng mahigpit.
“Sorry talaga, anak. Hindi na talaga mauulit. Pangako yan”
“Okay na yun, Ma. Wala na naman tayong magagawa dun. Ibigay na lang sa kanila ang perang iyon” sabi niya sa ina “So, ano ang plano mo, Ma? Saan ka kukuha ng pera para pambayad ng kuryente at mga gastusin natin dito?”
“Hindi ko rin alam, anak” sagot niya sa anak “Naubos lahat ng pera natin sa kanila. Kahit nga pang-kapital sa kakanin ay nadali rin”
Nagpabuntong-hininga muli si Zeek sa sinabi sa kanya ng ina “Sige na. Ako na lang bahala diyan. Susubukan kong manghiram ng pera sa mga kakilala at kasama ko sa hotel”
“Talaga? Salamat talaga anak. Marami talaga akong atraso sa’yo”
“Wala yon, Ma. Responsibilidad kita dahil nanay kita. Wala namang ibang tao na aasahan natin kundi ang isa’t-isa diba?”
“Pero ako ang ina, Zeek. Ako dapat ang maghahanap ng pera para sa gastusin natin”
“As I said, ako na ang bahala dun, Ma. Okay?”
“Sige anak. Sorry”
Tinanggal kaagad ni Zeek ang kanyang mga braso sa kanyang ina. Kinuha ang bag niya na parang nagmamadali at nagpaalam kay Vivian. “Alis muna po ako”
“Saan ka pupunta, anak? Gabi na ah”
“Pupunta lang po ako sa convenience store, Ma. Ang init kasi dito eh”
“Sige anak. Mag-iingat ka ha. Uwi ka kaagad”
“Opo Ma”
***
Kinabukasan.
Maagang umalis si Zeek papunta sa hotel para kausapin ang mga kasamahan niyang trainee. Nagbabakasakali siya na makahiram ng pera para ipambayad sa kanilang kuryente at sa mga gastusin sa loob ng bahay.
Nang pagpasok niya sa locker-room ay nakita niya si Owen na nagbibihis at nag-aayos ng sarili. Kaagad niya itong pinuntahan at binati.
“Good morning, brad” panimula ni Zeek.
“Uy brad” lingon ni Owen sa kanya “Good morning din. Ang aga mo ‘ata”
“Oo brad. Maaga ako pumunta dito kasi meron akong problema” sabay hina ng kanyang boses.
“May problema ka? Ano naman yon? Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako sa’yo”
“E kasi…” at sumeryoso na ang mukha ni Zeek “May pabor kasi ako sa’yo, brad. Kung okay lang sana sa’yo”
“Ano yan? Huwag mong sabihin na pera ha. Wala din akong pera, brad”
“Yun nga ang kailangan ko brad eh” hingang-malalim ni Zeek “Wala kasi kaming pambayad ng kuryente at pang-gastos sa loob ng bahay.”
“Ehh pano yan? Wala ba kayong natabi na pera?”
“Meron naman. Pero ginastos ni Mama lahat”
“Ahh. Ganon ba?” sagot ni Owen “Matanong ko lang brad, saan ba ginastos ng Mama mo ang pera?”
“Pinautang niya kasi sa kapitbahay namin, brad” kuwento niya kay Owen “Naaawa daw siya kasi na-ospital daw ang apo. Kaya lahat ng pera namin ay ibinigay niya kahit ang pang-kapital niya sa kakanin na binebenta niya”
“Wow.. mukhang malaking problema talaga yan, brad”
“Oo nga eh. Hindi ko alam kung saan ako manghihiram ng pera”
“Sorry brad ha” tapik ni Owen sa balikat niya “I would love to help pero nagastos ko din ang pera ko eh. Meron naman ako dito pero pambili lang ng pagkain”
“Okay lang brad. Naiintindihan ko naman yan”
“Maiba ako. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa nga eh. Maaga akong pumunta ako dito dahil nagbabakasakali ako na makahiram”
“Kawawa ka naman” at umiba ang mukha niya kay Zeek. Naaawa din siya sa kaibigan dahil sa kalagayan nito “Ito na lang, ililibre kita mamaya sa lunchbreak”
“Naku brad. Salamat na lang. Pero nahihiya ako eh”
“No. I insist”
“Hindi na brad. Salamat na lang talaga pero mas kailangan ko talaga ng pera. Para makakain din si Mama”
“Sigurado ka?”
“Oo brad. Salamat na lang”
“Bait mo brad ha” ngiti nito sa kaibigan “Subukan mo kaya sa ibang kasamahan natin? Baka meron sila”
“Gusto ko din sana pero nahihiya rin ako sa kanila. Alam mo naman na ikaw lang ka-close ko dito”
“Ganon? Try mo kaya silang kaibiganin. Pangit naman kung ako lang kaibigan mo dito”
Napatango na lamang si Zeek sa payo na ibinigay ng kanyang kaibigan “Sige brad. Susubukan ko na kausapin sila mamaya”
“Sige. Pag-akyat mo sa hotel ay kakausapin mo sila kaagad”
“Sige”
Kaagad naman tinapik ni Owen ang balikat niya “Huwag kang mag-aalala brad. Makakahanap ka din ng pera. Tiwala lang”
Natapos ang kanilang shift pero wala pa ring makitang pwedeng mahiraman ng pera si Zeek. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-dismaya dahil walang tao ang pwedeng hingian niya ng tulong.
Habang nag-aayos siya ng kanyang sarili sa locker-room, dumating si Owen at binati siya nito “Oh brad. Kamusta? May nakita ka na ba na pwedeng mahiraman?”
“Wala brad eh” buntong-hininga ni Zeek.
“Hala. Pano yan?”
“Hindi ko rin alam” dugtong nito
“Ano ba yan… naaawa ako sa’yo brad. Pasensiya na talaga ha”
“Okay lang yon” ngiti niya kay Owen “Huwag ka nang humingi ng tawad”
May naisip si Owen na magandang solusyon at kaagad sinabi niya ito kay Zeek “Alam ko na brad. Alam ko na kung saan ka pwedeng makahiram”
“Saan naman?”
“Hindi saan. Sino”
“Eh sino..?”
“Kay Sir George..”
“Sa kanya? Bakit? Ayaw ko. Nahihiya na ako sa kanya”
“Akala ko ba ay magkakakilala kayo? It’s your chance na makahiram sa kanya”
“Huwag na brad, Marami na akong utang sa kanya. Ayaw ko nang madagdagan pa”
“Ang arte nito. Parati ka na lang nahihiya. Subukan mo na lang kaya” sabat ni Owen sa kanya “Wala naman mawawala sa’yo.”
“Oo nga. Pero siya ang may-ari dito. Ayaw ko naman abusuhin ang pagkakaibigan namin dahil siya ang may-ari”
“Exactly, my point. Siya ang may-ari” sagot ni Owen “Hindi ka namang magnanakaw eh. Hihiram ka lang naman”
Nagpabuntong-hininga si Zeek at inisip ng mabuti ang payo sa kanya ni Owen. Kailangan niya talaga ng pera ngayon para ipambayad sa mga gastusin nila sa bahay at gagawin niya ang lahat para makautang ng pera.
“Sige” sagot ni Zeek sa kanya “Papatulan ko na lang ang payo mo kahit kinakabahan ako kay Sir George. Pupunta na ako kaagad ngayon”
“Good” ngiti ni Owen “Mabuti naman ay nakinig ka sa akin. Sige. Edi mauna na ako” sabay kuha ng kanyang bag. Tinignan niya ng mabuti si Zeek at tinapik ang braso nito “Kaya mo yan. Huwag kang kabahan. Nagkakakilala na kayo eh”
Tumango na lamang si Zeek sa kanya at kaagad lumabas si Owen ng locker-room habang siya naman ay hinihanda ang sarili para kausapin ang may-ari ng hotel.
Magkalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na siyang umakyat gamit ang elevator. Pilit niyang binabasa ng kanyang laway ang lalamunan niya dahil natutuyo ito sa sobrang kaba. Baka ano ang sasabihin ni Sir George sa kanya dahil uutang ito. Hindi niya talaga alam kung ano ang ginagawa niya, kakapalan niya na lang ang mukha niya para lang sa kanyang ina.
Nang pagbukas ng elevator sa top floor ng hotel ay kaagad siyang lumabas. Dahan-dahang naglakad siya sa pintuan ng opisina ng boss. Nagtaka ito dahil walang tao na nakaupo sa mesa ng assistant. ‘Baka pumunta lang siguro sa banyo. Kakatok na lang ako dito’ sambit nito sa kanyang sarili.
Kumatok nga si Zeek ng tatlong beses pero walang sumagot mula sa loob. Doon na lang siya nagdesisyon na pumasok sa opisina.
Pero imbes na derederecho ang pagpasok niya sa opisina ay napahinto ito sa kanyang nakita; nakatuwad paharap sa pintuan ang kanyang assistant sa mesa habang nakatayo si George sa likurang ni Lucas, nakahubad ito habang binabayo ng malakas ang assistant.
Naaninag naman ni Lucas na may pumasok sa opisina. Kinabihan ito at nagmamadaling tumayo. Sa pagmamadali niya ay natamaan ng kanyang ulo ang bibig ni George.
“Aray!!” sigaw ni George habang hawak niya ang kanyang bibig “Bakit ba…?”
“May tao”
“Ha? Saan?”
“Ayun oh” turo ni Lucas sa may bandang pintuan. Pero nang pagtingin nila doon sa pintuan ay wala na ang tao na sinasabi ni Lucas. “s**t. Umalis na siya”
“Ano? E saan siya pumunta?” habang sinusuot nila ang kanilang mga damit.
“Hindi ko alam, okay? Pareho lang naman tayo nandito”
“Nakita mo ba kung sino?”
“Oo. Parang kilala ko”
“Sino?”
“Si Zeek”
“Ang intern natin?”
“Oo. Siya” sagot naman ni Lucas na parang nababahala “So paano na ‘to? Nahuli na tayo. Paano kung magsumbong siya?”
“Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala kay Zeek” sambit ni George sa kanya “Ako ang kakausap sa kanya”
“Talaga? Sigurado ka?”
“Oo naman. Ako ang bahala. Just act normal. Okay?”
“Sige”
Samantala.
Nagmamadaling lumakad palayo si Zeek sa opisina ng may-ari. May halong kaba at lito ang kanyang nararamdaman sa kanyang nakita. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sandaling iyon. Gusto niya lang na makaalis kaagad sa gusali at makatakas sa kanyang nakita.
Pumasok siya ng elevator at pinindot ang G, bilang ground floor. Nanginginig ang buong katawan niya at gusto niya nang makauwi agad. Nang pagkababa niya, kaagad siyang lumabas at nagmamadaling lumakad palabas ng gusali.
Pero sa hindi inaasahan ay tinawag siya ng isang babae sa front desk.
“Mister Lacsamana…?” at lumingon naman siya at lumapit sa babae “Ikaw ba si Ezekiel Lacsamana?”
“Yes Miss. Ako nga po. Bakit po?”
“Pinapatawag ka kasi ni Sir George Salcedo sa kanyang opisina”
“Po…?” sabay lunok ng kanyang laway.
“Ang sabi ko.. pinapatawag ka ng may-ari ng hotel na pumunta ka ngayon sa taas. Sa kanyang opisina”
“Opo. Narinig ko. Ang ibig ko pong sabihin, bakit ako pinapatawag??”
“Abay ewan ko” pagtataray ng babae sa front desk “Hindi naman ako ang nagpatawag sa’yo noh, kundi si Sir George. Kung ako sa’yo, pumunta ka na lang sa opisina niya” sabay taas ng kanyang kilay.
“Ahhmmm. S-sige po, Miss” sambit ni Zeek sa mataray na babae habang nanginginig ang kanyang boses “Aakyat na ako”
“Okay”
Dahan-dahang lumakad siya pabalik ng elevator para umakyat at bumalik muli sa opisina. Sa lugar na kung saan may nakita siyang hindi maganda sa pagitan ni George at sa kanyang assistant na si Lucas.
Nang pagkadating niya uli doon ay nakita niya na si Lucas, nakaupo na sa kanyang pwesto at parang may ginagawa sa kanyang computer.
“Excuse po Sir” bati ni Zeek kay Lucas
“Yes?” sagot naman niya na hindi makatingin kay Zeek.
“Pinapatawag po daw ako ni Sir George?”
“Yup, He’s waiting for you. Pumasok ka lang”
“Sige po”
Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papasok siya sa opisina. Bakit siya pinatawag? Alam na ba nilang dalawa na nahuli sila kanina sa kanilang ginagawa? O baka naman pinatawag siya dahil papaalisin na siya sa hotel.
“Good afternoon po, Sir” sabay lapit ni Zeek papunta sa kanyang mesa. Nakita niya na seryoso ang itsura ni George at parang galit ito “Pinapatawag niyo po daw ako?” Tumingin lang si George sa kanya mula ulo hanggang paa at hindi umiimik. Lalong kinabahan si Zeek dahil baka ano ang gagawin nito sa kanya.
Itutuloy…