“Yes. Pinatawag kita” sagot nito pagkatapos ng ilang minutong pananahimik “Umupo ka, Zeek”
Kaagad naman umupo si Zeek sa bakateng upuan habang malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. “Bakit po, Sir?”
“Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Zeek” sambit nito sa binata “May nakita ka ba kanina nung pumasok ka dito?”
“Ha? Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo”
“Zeek. Alam ko na pumasok ka dito kanina at alam ko na may nakita ka” dugtong ni George “Magsabi ka na lang ng totoo sa akin. Hindi naman ako magagalit” Natahimik ng ilang saglit si Zeek, iniisip niya kung magsasabi siya ng totoo o magsisinungaling siya sa amo. “Alam ko na kinakabahan ka ngayon dahil kita ko sa mukha mo na namumutla ka. Pero huwag kang mag-aalala. Hindi ako magagalit sa’yo. Gusto ko lang naman na magsabi ka ng totoo sa akin. Magtiwala ka lang” sabay ngiti niya kay Zeek.
“Op-p-po Sir. Nak-kita ko kayo kanina” pang-uutal na sagot ni Zeek
“Ano ang nakita mo, Zeek?”
“… na may nangyayari sa inyong dalawa ng assistant mo” sabay tingin niya kay George sa mata “Pero don’t worry, Sir. Hindi ko naman nakita lahat. Umalis ako kaagad eh”
Ngumiti lang si George sa sinabi ni Zeek. Tumayo ito at lumakad papunta sa kanya. “Good. Mabuti kung ganon” sambit nito.
“Ahhmmm. Yun lang po ba, Sir?”
“Oo. Yun lang”
“Pwede na po ba ako makaalis?”
“Hindi pa”
“Po..?? Bakit po?” dugtong ni Zeek. Kinakabahan na siya sa mga oras na iyon dahil baka mapaalis na siya bilang intern ng hotel “Papaalisin niyo po ba ako?”
“Ha? Papaalisin?” sambit ni George at nagulat ito sa sinabi ng binata “Hindi. Hindi pa sa ngayon. Bakit mo naitanong?”
“E kasi nakita ko kayo Sir eh. Baka papaalisin niyo na ako dahil dun”
“Of course not. Hindi ako ganyan” at kumuha siya ng isang bakanteng silya at inilagay ito sa harap ni Zeek. Doon siya umupo at tinignan ng mabuti ang binata “Maiba tayo…”
“Ano po yon?”
“Bakit ka pala pumunta dito kanina sa opisina ko? May kailangan ka?”
Ito na ang pinakahinihintay niya na sandali, ang sasabihin niya sa kanyang boss kung bakit siya umakyat dito kanina.
“Opo Sir. Meron po”
“And..? Ano yon?”
“Nahihiya po kasi ako Sir”
“No… don’t be. I’m here to help” sabay hawak niya sa kamay ng binata. Nahalata naman kaagad ito ni Zeek at kinuha ang kanyang kamay. “Sorry..”
“It’s okay, Sir” dugtong nito “May problema po kasi ako ngayon, Sir”
“Ano ba yon? Pwede bang malaman?”
“Si Mama po kasi. Pinautang niya sa kapitbahay namin ang lahat ng pera namin” kwento niya kay George “Kaya wala na kaming pambayad sa ilaw dahil naputulan kami at kahit panggastos para sa araw-araw ay wala na din. Hindi na nga kami makakain, Sir”
“Talaga? Kawawa naman kayo kung ganon” sambit ni George “So, ano ang maitutulong ko?”
“Kung pwede sana po, mag-uutang sana ako sa inyo ng pera” sabay tingin niya sa sahig dahil nahihiya ito “Kahit limang-libo lang po, Sir”
“Limang libo? Ang laking pera yon”
“I know, Sir. Pero kailangan talaga namin eh. Kasama na din yan sa magiging kapital ni Mama sa kanyang mga kakanin na ibebenta”
“Bakit sa akin pa? Bakit hindi sa mga kasamahan mo sa baba?”
“Sinubukan ko nga po kanina, pero wala din silang pera eh” sabay tingin niya sa mga mata ng amo “Sir. Parang awa mo na, kailangan namin talaga. Gutom na gutom na kami ni Mama. Pangako po, babayaran kita”
“Babayaran? Papaano?”
“Sa mga kita ni Mama sa kanyang binebenta. At gagawa pa ako ng paraan na makahanap ng pera para mabayaran kita, Sir”
Pero imbes na pumayag sa alok sa kanya, bigla na lang itong tumawa “Talaga? Sa tingin mo ba ay mababayaran mo ako buo kung iyan ang source of income ninyo? Baka kulang pa yan sa interes eh. Huwag mo akong gawing tanga Mister Lacsamana. I’m not that stupid na pumatol sa offer mo”
“Sir naman. Huwag mo naman insultuhin ang hanapbuhay ng Mama ko. Marangal po ang paghahanap niya ng pera”
“I’m sorry” tanging sagot niya at nawala ang tawa sa kanyang mukha “Pero hindi ko kayo iniinsulto. I’m just stating the fact”
“Okay, Sir. Naiintindihan po kita. Sorry na lang po sa abala” tumayo si Zeek at inayos ang kanyang damit “Salamat na lang po. Alis na po ako”
“Wait” tawag niya sa binata pagkatapos ng ilang hakbang papalabas ng opisina. Humarap muli siya kay George “I have way more better offer, Mister Lacsamana”
“Talaga Sir?”
“Yes”
“Ano naman po iyon?”
“But before that, magsabi ka muna ng totoo sa akin, Zeek” panimula ni George sa kanyang alok “May sinabihan ka na ba kanina sa baba kung ano ang nakita mo dito?”
“Wala po, Sir. Promise. Wala talaga”
“Good” sagot niya at napahinga siya ng maluwag nang marinig ito “So, this is my proposal. I’ll give you P100,000 para sa panggastos ninyo ng ina mo, at kung ano pa ang gusto ninyong bilhin.”
“Po?? Sobrang laki naman yan, Sir”
“Teka, Hindi pa ako tapos…” sabat niya “BUT…” tingin niya kay Zeek “Kailangan mong tumahimik at hindi ka magsusumbong sa asawa ko o sa ibang tao kung ano ang nakita mo, kahit pa ang ina mo. Naiintindihan mo?”
“Sige po Sir. Kaya po yan”
“Are you sure…?” dugtong naman ni George at tumago si Zeek habang nakatingin sa kanya “Pero hindi pa ako tapos. May isa pa akong kondisyon para makuha mo ang pera ng buo”
“Anything Sir. Gagawin ko ang gusto ko para sa ina ko”
Huminga ng malalim si George bago niya sabihin ang kasunod na kondisyon kay Zeek “Bibigay ko sa’yo ang pera ngayon din kung papayag ka na makipagtalik sa akin sa loob ng isang buwan”
“Po…?” sabay lunok ni Zeek at nabibingi sa sinabi ni George. “Sex..?”
“Yup. Tama ang narinig mo, Zeek” sagot naman niya “Tuwing gabi, pagkatapos ng duty mo. O pwede din, kung kailangan ko gusto, Ipapatawag lang kita kay Lucas para umakyat dito sa akin. Basta maghanda ka lang”
“Ha…?” napanganga na lang siya at hindi makapaniwala sa sinabi ng amo “P-pero bakit? Parang hindi naman maganda yan, Sir. Lalaki ka, at lalaki din ako. Tapos may asawa pa po kayo”
“So….?? Ito naman ang uso ngayon. Ang nakita mo kanina sa amin ni Lucas? Natural na lang yon” habang lumalapit siya kay Zeek malapit sa pintuan.
“Pero hindi ko pa rin naiintindihan, Sir. Bakit ako?”
“Ikaw..?” ulit ni George “Kasi iba ka sa kanila, Zeek. May nararamdaman ako sa’yo na wala sa iba. At isa pa, gusto kita. Simula pa lang nung una tayong nagkita ay nagustuhan na kaagad kita”
Biglang natahimik si Zeek sa mga nalaman niya mula sa may-ari ng hotel. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito “Sorry Sir. I’m speechless”
“I know. Alam ko naman na magugulat ka sa sasabihin ko sa’yo, but no pressure” dugtong ni George “Pag-isipan mo ng mabuti ang proposal na sinasabi ko sa’yo.Wala naman tayo talong dalawa; makukuha mo na ang pera na gusto mo at mababayaran mo na ang ilaw ninyo. At ako naman, ay masasatisfy sa gagawin ko sa’yo”
“Sige po, Sir. Pag-iisipan ko po iyan ng mabuti”
“Good. Very good, Zeek. Hinding-hindi mo pagsisihan ito, maniwala ka” sabay tapik niya sa balikat ng binata
“Okay po”
“You may go, Zeek”
“Sige po, Sir. Salamat po uli”
Tumalikod kaagad si Zeek at lumabas ng opisina. Napansin naman siya ni Lucas na nakapwesto doon. Bigla itong tumayo at tangkang hahabulin ang binata.
“Lucas…” tawag ni George sa kanya na nakasunod pala kay Zeek sa paglabas ng opisina.
“Sir..” sagot ni Lucas
“Huwag mo na siyang habulin” sambit nito “Nakapag-usap na kaming dalawa”
“And…?? Kamusta ang pag-uusap ninyo?”
“Pumayag naman siya na manahimik sa kanyang nakita sa atin kanina”
“Talaga? Ganon lang kadali?” sabat niya sa kanyang amo “Paano ka naman nakakasiguro na hindi siya babaliktad sa usapan ninyo?”
“Because I’ve made an agreement”
“Agreement?”
“Yes. An agreement between me and him”
“Ano naman yon?”
“It’s none of your business”
“Bakit hindi? May karapatan akong malaman kung ano ang pinag-usapan ninyo dahil may kinalaman ako dito”
“You have no right, okay?” dugtong niya “Assistant lang kita at ako ang amo mo. At kasalanan mo ‘to eh” sisi niya kay Lucas “Hindi mangyayari ito kung hindi ka nagpupumilit na dito tayo magsesex. You better keep your mouth shut at pumayag ka na lang sa gusto ko dahil wala ka namang maitutulong sa problema na ginawa mo”
“Sorry na nga. Akala ko naman ay ni-lock ko ang pintuan, hindi pala” kita sa mukha ni Lucas ang pag-aalala “Kinakabahan ako baka magsumbong siya. Ayaw kong mawalan ng trabaho”
“Well. It’s your recklessness ang nagdala sa atin dito. Magtiis ka” sambit niya kay Lucas “You better pray na hindi siya magsumbong at hindi malalaman ni Bek ito kundi tayong dalawa ang mapapahiya”
***
Kinabukasan.
Niyaya ni Jen ang kanyang kaibigan na si Bek na magkape sa isang mall malapit sa kanilang lugar. Pumayag naman ang kaibigan at nagkita silang dalawa sa isang mamahalin na coffee shop para doong magkape.
Kwinento niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang asawa sa mag-asawa na naka-s*x nila noong isang gabi.
“Oh my god, Mads. Napaka-hot nilang dalawa” habang kinakagat ni Jen ang kanyang labi habang nagkukwento siya sa kaibigan “That was the hottest s*x ever”
“Talaga..?” tanging sagot naman ni Bek na parang hindi gusto ang kanilang pinag-uusapan.
“Oo Mads. Sarap sobra” sabay higop ng mainit niyang kape.
“So ano naman ang nasabi ng asawa mo?”
“Nag-enjoy daw siya. And he thanked me dahil sinasakyan ko daw ang trip niya”
“Mabuti naman kung ganon, Mads” kita sa mukha ni Bek na walang gana ito at parang lutang kung kinakausap.
Napansin naman ito ni Jen at tinignan niya ang kaibigan “Mads… are you okay?”
“Yes. I’m okay”
“Are you sure?” dugtong naman ni Jen “Are you uncomfortable sa topic nating dalawa?”
“No. Hindi Mads” ngiti niya sa kaibigan “May iniisip lang ako”
“Ano naman yon? Don’t tell me na si George na naman yan ha” hindi sumagot si Bek at humigop na lang ng kanyang kape. “Kita mo… ano na naman ba yan, Mads? Parang parati ka na lang may problema diyan sa asawa mo”
“Wala lang ‘to. Simpleng tampuhan lang”
“Simple? E parang ang bigat-bigat na ng mukha mo” pansin ni Jen sa kaibigan “Ano ba ang pinag-awayan ninyo?”
“Si George kasi, Mads. Hinintay ko siya buong gabi para sabay kami kumain ng hapunan”
“Oh tapos..?”
“Nang pagdating niya, nakakain na daw siya” kwento niya sa kaibigan “Hindi niya naman pinaalam sa akin. At ang masama pa dun, kasama niya si Lucas. Pumunta daw sa birthday ng ina niya”
“Si Lucas.. ang assistant niya?” at tumango naman si Bek “Wala naman akong nakita na problema diyan, Mads. Natural lang naman na magsama sila dahil kasama ni George si Lucas sa trabaho”
“Nang hindi nagpapaalam sa akin..? Asawa niya ako, Mads. May karapatan akong malaman kung ano ang mga galaw ng asawa ko sa loob at labas ng trabaho niya”
“Ang OA mo din ha. Huwag kang ganyan, Mads. Nasasakal ang lalaki kapag binabantayan o inaalam mo kung ano ang ginagawa nila. Let them be, it’s just a birthday party” payo ni Jen sa kaibigan “At ano naman ang problema kapag magkasama sila ng assistant niya?”
“Kasi nagdududa ako kay Lucas, Mads” sagot niya dito “Parang may ina silang koneksyon. Hindi dahil na magkasama sila sa trabaho pero may iba akong nararamdaman kapag tinitignan ko si Lucas. Parang may malisya kapag tumitingin sa asawa ko”
“So ang ibig sabihin ay nagseselos ka?? Hindi naman kita masisisi Mads dahil iyan ang dahilan nung muntikan hindi matuloy ang kasal ninyong dalawa eh” dugtong ni Jen “Pero hinay-hinay lang sa pagdududa dahil baka iyan pa ang rason na magkahiwalay kayo ng tuluyan ni George”
“Hindi Mads eh” pagmamatigas pa ni Bek “Hindi ko nga pala naikwento sa’yo nun sa bahay na pumunta ako sa opisina niya ng maaga pero wala siya at ng assistant niya. Buong araw ako naghintay doon at hapon na sila nakapasok”
“Talaga? Anong sabi niya?”
“Naghahanap daw ng lote para papatayuan ng bagong hotel namin. Pero nung tinignan ko si Lucas habang nagpapaliwanag ang asawa ko, parang namumutla ito at hindi makatingin sa akin”
“Really Mads? Sigurado ka ba diyan?”
“Oo Mads. Parang iba ang nararamdaman ko sa kanya”
“Well, in that case. Let’s hire a Private Investigator. Para malaman na natin ang katotohanan sa kanila ng asawa mo”
“Private Investigator agad? Huwag na, Mads”
“Ano ka ba. Ikaw na nga ang may sabi diba? Na iba ang nararamdaman mo sa kanilang dalawa, so kailangan natin ng confirmation kung totoo nga duda mo”
“Huwag na nga”
“Ang labo mo talaga. Nagpupumilit ka pa kanina na may iba sa kanila, pero nung ako ang mag-a-advice na kukuha tayo ng imbestigador, ayaw mo”
“Sayang lang sa pera, Mads. Nag-iipon nga ako ngayon para sa magiging baby namin”
“Edi ako ang bahala. Ako ang magbabayad para sa Private Investigator na yan”
“Huwag na nga, Mads. Okay? Tama ka. OA lang ako”
“Mads..” sabay hawak niya sa kamay ni Bek
“I said, It’s okay, Mads. It’s just my paranoia”
Nagpabuntong-hininga na lamang si Jen sa katigasan ng ulo ng kanyang kaibigan. Hinigop niya ang huling kape na nasa tasa niya tumingin kay Bek na nag-aalala sa mga kilos nito,
Bakit ayaw niyang kumuha ng imbestigador para malaman na niya na ang katotohanan? Ayaw niya bang malaman o natatakot siya sa kanyang malalaman?
Itutuloy…