Chapter 6 (Orientation)

2616 Words
Sa sobrang malalim na pag-iisip ni George, hindi niya namalayan na pumasok pala ang kanyang assistant sa opisina “Sir…” sambit nito “Yes Lucas? May problema ba?” sabay ayos ng kanyang sarili “Wala naman po, Sir. Magpapaalam lang po sana ako na uuwi na ko” paalam niya sa amo “Alas-nwebe na kasi ng gabi” “Ano? Sobrang late na pala” sabay tayo sa kanyang upuan “Sige, sabay na lang tayo bababa” Kaagad naman sila nagtungo ng elevator at pumasok sila sa loob. Habang nasa loob sila ay may napansin si Lucas sa kanyang boss “Sir??” at tumungin naman si George sa kanya “Okay ka lang po ba? Para kasing malalim ang iniisip ninyo eh” “Okay lang ako, Lucas. Tungkol lang ito sa problema ng kumpanya” sagot nito “Oo nga pala, saan na ang Ma’am Bek mo?” “Nauna nang umuwi kanina Sir eh. Hindi ka na niya hinintay” “Ganon ba?” sabay hinga niya ng malalim “Lucas?” “Yes sir?” “Pagpasensyahan mo na lang ang Ma’am mo ha. Ganon talaga siya eh” “Okay lang po yon, Sir. At wala po akong karapatan magreklamo dahil amo po ko kayo” ngiti ni Lucas. Bumukas ang pintuan ng elevator at naunang lumabas si Lucas “Sige po Sir George. Mauna na po ako” “Sige Lucas, Mag-ingat ka” Sumunod naman siya lumabas ng elevator at sa kanyang paglabas sa ground floor ay madilim na ang paligid dahil pinatay ng janitor ang mga ilaw. Kaagad siyang lumabas ng gusali at dumerecho sa kanyang sasakyan. *** Kinabukasan. Nakaupo si Zeek sa may upuan sa labas ng kanilang bahay. Naghihintay ng tawag ng hotel at nagbabaka-sakali na matanggap siya doon. Nadagdagan pa ang kanyang lungkot dahil iniwanan na siya ng kanyang girlfriend at hindi niya naman siya ipinaglaban sa magulang nito. “Zeek, anak” sabay lapit ng kanyang ina na si Vivian “Kumain ka na. Handa na ang agahan natin” “Sige po, Ma. Susunod lang ako” Hinamas naman ni Vivian ang balikat ng anak at ngumiti “Magiging maayos din ang lahat, anak. Makakalimutan mo din si Hazel” “Sana po. Kasi ang sakit-sakit nung ginawa niya sa akin eh. Hindi ko siya mapapatawad” sabay tulo ng kanyang mga luha “Katulad rin siya pala ng ama kong walang-kwenta. Iniwan ako sa ere” “Anak naman. Kalimutan mo na ang ama mo” dugtong niya sa anak “Magkaiba sila dalawa dahil mahal na mahal ka ni Hazel, hindi katulad ng ama mo” “Mahal? Hindi niya ako mahal, Ma. Mas pinili niya ang mga magulang niya kesa sa akin. Mahal na ba ang tawag doon?” “Oo naman, Zeek” sagot niya sa anak “Siyempre, bata pa kayong dalawa at marami pang pwedeng mangyari sa buhay ninyo. At hindi naman natin siya masisisi kung mas pinili sila ni Hazel kesa sa’yo dahil gusto niya pang tapusin ang kanyang pag-aaral para sa kinabukasan niya” “Hindi Ma. Ang sabihin mo ay napaka-selfish niya. Sarili niya lang ang iniisip niya at hindi ang aming relasyon. Hindi niya man lang ako pinagtanggol sa mga magulang niya” pagmamatigas ni Zeek “Humand sya. Patutunayan ko sa kanya na mali ang naging desisyon niya na iwan ako. Balang araw ay yayaman din ako” Sakto din na tumunog ang kanyang telepono at kaagad niyang sinagot ito. Kita sa mukha ni Zeek ang galak at tuwa sa narinig na balita mula sa kabilang linya. Lumipas ang ilang saglit ay binaba niya ito. Nakangiti pa rin ito at masaya “Sino ang tumawag, anak? At bakit masaya ang itsura ng mukha mo?” “Ito na, Ma. Ito na ang sinasabi ko sa’yo” pambibitin niya sa ina “Ang ano, Zeek?” “Mabait talaga ang Diyos at sinagot niya agad ang hiling ko” “Ang ano nga? Pwede ba Zeek. Sabihin mo sa akin kung ano iyan” “Tanggap na po ako, Ma. Mamaya na po ng ala-una mag-uumpisa ang OJT ko sa Deluxe Suites. Excited na ako” sambit ni Zeek na masaya ang mukha “Talaga Zeek? Sabi ko sa’yo eh, kaya mo” sambit ng ina “Ikaw lang naman ang walang tiwala sa sarili mo” “Oo nga Ma eh” sagot ni Zeek “Pero hinding-hindi ko na bibitawan ang pangarap ko. Unting-unti ko na naabot. Pangako ko sa sarili ko na magsisipag ako ngayon bilang OJT. Para makita ng may-ari ang kasipagan ko at tanggapin na ako bilang regular” “Sana nga, anak. Ipapanalangin ko talaga iyon” “Salamat po, Ma. Pangako talaga sa’yo balang-araw ay makakaalis din tayo sa mabahong lugar na ito” *** Dakong alas-dose ng tanghali ay naghahanda na si Zeek na maligo at para sa kanyang unang araw sa hotel. Nang pagkalabas niya ng silid ay nakatayo ang ina niya sa labas ng pintuan na tila sabik na sabik ang kanyang mukha. “Bakit nakatayo ka diyan, Ma?” “Wala naman, anak. Excited lang ako sa unang pasok mo bilang OJT sa pangarap mong hotel” “Ma. Mag-o-OJT pa lang ako. Hindi pa ako magtatrabaho” sagot ni Zeek “Sorry anak” sagot naman ni Vivian “Masaya lang kasi ako na sa kabila ng kahirapan natin ay malapit ka nang matapos sa pag-aaral mo” “Oo nga Ma. Parang kailan lang noh?” at niya niyakap ang kanyang ina “Pero Ma. Pangako ko sa’yo na hindi masasayang ang sinakripisyo mo sa akin. I-aahon ko mula sa kahirapan ang buhay natin” “Salamat anak. Alam ko na gagawin mo yan para sa atin” “Salamat ulit sa’yo, Ma. Mahal na mahal po kita” “Mahal na mahal din kita, Zeek” ganti din niya kay Zeek “Sige na, anak. Tama na ang drama na ito. Umalis ka na at baka mahuli ka pa” “Sige po, Ma. Alis na po ako” Kaagad siyang umalis ng kanilang bahay, nagmamadaling sumakay ng dyip para pumunta na sa hotel. Nang pagdating niya doon ay tumungo siya agad sa front desk para kausapin ang babae na nakatayo at nakangiti sa kanya. “Yes Sir? How may I help you?” sambit ng babae sa front desk “Ahhhm. Miss? OJT po ako” paalam niya dito “Saan po ako pupunta?” “What’s your name, Sir?” habang nakatingin sa kompyuter na parang may hinahanap “… para mahanap kita dito sa computer” “Ezekiel Lacsamana po, Miss” “Ahh. Ikaw pala yan” ngiti ng babae “Pakihintay na lang ang HR para sa orientation mo. Umupo ka na lang muna” “Sige Miss. Salamat” “Dianne. Sino yan?” sambit ng isang lalaki na palapit sa front desk “OJT po, Sir” sagot naman niya Napatingin si George kay Zeek na parang malagkit ang kanyang tingin. Lumapit at lumakad siya sa binata na nakaupo sa lounge ng kanyang hotel. “Zeek..?” “Sir George” sabay tayo ni Zeek sa sofa “Andiyan po pala kayo” “Well. This is my hotel. Siyempre nandito ako” sagot nito habang nakangiti “Anyways. Narinig ko ay nakapasok ka na dito” “Ahhm. Yes po, Sir. Si Ma’am ng HR ang tumawag sa akin kanina” “Good. Very good. Congratulations, Zeek” “Thank you po Sir” “Salamat saan?” “Sa pagtitiwala mo sa akin, Sir. Kasi kung wala sa’yo ay hindi na siguro ako makakapasok dito” “Well. Thank you for acknowledging the fact” dugtong ni George “Pero hindi ka pa nagsisimula dito as regular employee, Mr. Lacsamana. Tandaan mo na student intern ka pa lang. Prove to me na worthy ka na makapasok dito” “I will, Sir. Thank you ulit” Napangiti si George sa pasasalamat sa kanya ng binata. Parang nadagdagan ang paghanga niya kay Zeek dahil sa ugali nitong magalang at pagrespeto sa kanya bilang amo. “It seems na wala pa siya. So, ako na lang ang magbibigay ng orientation mo” “Okay lang ba, Sir?” “Oo naman. Wala namang problema sa akin” “Okay Sir” “Yun naman pala eh. Huwag kang mag-alala, Zeek. Ako ang bahala sa’yo” Lumakad silang dalawa at naglibot sa buong parte at lugar ng hotel. Nauna silang pumasok sa kitchen. Napanganga na lamang si Zeek dahil sa laki at hi-tech na mga gamit sa kusina doon. “Wow Sir” sambit ni Zeek “Ang laki nito ah. Kitchen pa lang pero sobrang ganda na” “Of course, Zeek. This is a five-star class hotel” dugtong naman niya “Lahat ng makikita mo na mga gamit ay makabago at magagara” “Hindi talaga ako nagkamali na dito ako mag-o-OJT, Sir” “At hindi rin kami nagkamali na pinasok kita dito sa hotel namin, Zeek” sabay tingin ni George sa kanya sa mata. Sakto din na pinatong niya ang isang kamay sa balikat ng binata “Ladies and Gentlemen, can I disturb you for a moment please?” utos ni George sa mga chef na nandoon sa loob ng kusina. Narinig naman nila ang tawag ng may-ari at kaagad lumapit sa kanya at sa binata na katabi nito “This is Ezekiel Lacsamana. Our newest intern in our hotel” sabay tapik ulit ni George sa balikat nito. Napangiti naman ang lahat sa kanya “This is Chef Abigail Tan, our Pastry Chef” turo niya sa isang hindi masyadong katandaan na babae “This is Chef Mark Mendez, our Sous Chef” sabay ngiti sa 26 na taong-gulang na lalaki “Chef Edward Dela Peña and Chef Jonalyn Cabrera. And of course, Chef Benjamin Fournier, the Executive Chef and the boss of this kitchen” ngiti ni George “He is a French” “Nice to meet you, Monsieur Lacsamana” sambit naman ng Executive Chef kay Zeek na may French accent. “You’re welcome here in my kitchen” “Merci beaucoup” sagot naman ni Zeek na parang nagpapakitang-gilas. “So, You speak French?” namangha naman ang Chef sa kanya. “A little bit. I learned this when I was in school” “I’m impressed” sagot nito “Well I hope that all of you will give Zeek proper training if ever he will be assigned here” sabi ni George sa mga chef sa kanyang harapan “Don’t worry, Monsieur. It will be our privileged to train him in our kitchen” “Good” buntong-hininga ni George “Well, that ends your introduction” putol ni George sa usapan “You can go back to your work” sabay tingin kay Zeek “Lumabas na tayo dito. Marami pa tayo pupuntahan” Bumalik nga ang mga tinawag ni George na mga chef sa kanilang mga gawain. Samantala ay lumabas silang dalawa sa kusina at lumakad papunta sa elevator. Umakyat silang dalawa papunta sa isa sa mga function room at ballroom ng hotel. Pinakilala ni George ang ilan sa mga waiters na nandoon. At pagkatapos ng ilang paalala ay bumaba na sila. Napansin naman ni Zeek na tumitingin ang may-ari sa kanya “Bakit po, Sir?” “Wala naman, Zeek” ngiti nito “Namangha lang ako sa’yo dahil marunong ka pala magsalita ng French nung nandoon tayo sa kitchen. Alam mo, magagamit mo ang kaalaman mong iyan kapag nakaharap mo na ang mga foreigner na nanggaling sa kanilang bansa” “Hindi naman po ako marunong, Sir. Meron lang akong kaunting kaalaman” “Kahit na. Ang importante ay may alam ka tungkol doon” sabay tapik muli sa balikat ni Zeek “Just keep it up, Zeek” ngiti niya sa binata “So far, ay pinakita mo sa akin na tama ang desisyon ko na papasukin ka dito sa hotel ko” “Thank you po, Sir” sagot naman niya “Oo nga pala, Sir. Saan pa tayo pupunta?” “Umuwi ka na. Tapos na ang orientation natin” sambit ni George pagkatapos ng maraming paliwanag “You will start tomorrow” “Yun lang ba Sir?” tanong ni Zeek sa kanya habang pababa na sila gamit ang elevator. “Bakit ang bilis?” “Well. Wala namang dapat i-oorient sa’yo. Napag-aralan mo na ito diba?” sabay sulyap niya kay Zeek “So, it’s time to apply all your knowledge about our industry sa totoong mundo” “Okay Sir. Don’t worry. Susubukan ko” “Huwag mong subukan, Zeek. Gawin mo” “Okay Sir” habang nanlalaki ang mga mata niya sa kaba “Good” sagot ni George na parang naging istrikto ang boses “Seven in the morning ang duty mo. Wear white long-sleeves, black pants and black shoes. Sa Function ang una mong assignment” huling payo ni George “I’lljust inform the H.R. later tungkol doon” “Thank you ulit, Sir George” “Anytime, Zeek. Anything for you” sabay tingin niya sa mata ni Zeek Napansin naman niya ito at inalis ang tingin niya sa may-ari “Sige po, Sir. Uwi na po ako” “Sige Zeek. Mag-iingat ka. See you tomorrow. And goodluck” Mabilis na lumabas ng elevator si Zeek at kaagad nagtungo sa main door ng hotel para lumabas. Nahalata niya na ang bawat titig at haplos ni George ay may halong malisya pero pinabayaan niya na lamang ito at inisip na iyon lang talaga ang ugali ng kanyang magiging boss. *** Samantala. Sa Airport. Kakarating lang ni Hazel, kasama ang magulang doon. Totoo na talaga na aalis sila papuntang Amerika at iwan ang kanyang nobyo na si Zeek. Mahal na mahal niya talaga ito pero wala siya talagang magagawa sa desisyon ng kanyang magulang. “Dad,,,” lapit niya sa kanyang Daddy na humingi muli ng huling pagkakataon na hindi siya sasama at maiwan lang sa Pilipinas. “Yes Hazel?” sagot nito “Kung magmakaawa ka lang na hindi tayo aalis. Please. Huwag na. Para naman ito sa’yo, Hazel. Kaya sumunod ka na lang” “But Dad” “Ano?? Anong gusto mo? Gusto mo na maiwan ka dito para makasama ang walang-kwentang taong yan??” sigaw ng kanyang ama sa kanya “Utang na loob, Hazel. Kalimutan mo na ang lalaking iyan” “But Dad. I love him” “Love?? Bakit? Mabibili ba ng ‘pagmamahal’ na yan ang mga kailangan mo?” dugtong niya “Mabubusog ka ba niya?? E mas mahirap pa sila sa daga!” “Arnold. Tama na. Andito tayo sa airport at marami nang mga tao ang tumitingin sa atin” saway naman ng asawa niya. Kaagad naman siya tumingin sa anak “Hazel. Please. Huwag nang matigas ang ulo mo. Para naman sa’yo ito and besides, siya na mismo ang nakipaghiwalay sa’yo” at hinawakan ng ina ang kanyang braso “Let’s go? Sasakay na tayo ng eroplano” Wala talagang magagawa si Hazel sa plano ng kanyang magulang sa kanya. Nang pag-akyat at pagsakay nila ng eroplano ay lumingon si Hazel bilang huling sulyap sa iiwanan nilang Pilipinas. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD