Chapter 5 (Paghihiwalay)

2430 Words
Halos isang minuto din ang pananahimik ni Zeek sa tanong sa kanya ni George tungkol sa kanyang ama. Galit pa rin siya kasi sa ginawa ng ama niya sa kanilang dalawa ng kanyang ina; ang pag-iwan nito sa ere at hindi na bumalik sa kanila. “Hmmmm. He had his own family, Sir. We have not heard from him since I was a baby.” “Sorry to hear that. Hindi ko alam” “It’s okay, Sir. He left us even when I was young . I do not even know how it feels to have a father” at nakita ni George ang galit sa mata ni Zeek “Are you okay?” “Yes Sir. I’m okay” sabay punas ng kanyang luha “Sorry” “No. you don’t have to be sorry. Kasalanan ko kung naging upset ka” sambit ni George sa kanya “Very well” sabay ayos ni George ang kanyang pag-upo “Let’s continue. So, what are your strengths?” “Strengths…???” ulit ni Zeek na tila hindi niya ito napaghandaan. “Yes. Strengths.” “Well… I think I am very optimistic and dedicated and hard working person” malalim na pag-iisip niya “I love to learn new things because I’m always curious on many stuffs” Napatango naman si George sa sinagot sa kanya ni Zeek nang may biglang tumunong ang telepono sa kanyang mesa. Kinuha niya ito at sinagot. Ilang saglit ay binaba niya ito at sumulyap kay Zeek. “I’m sorry, Mr. Lacsamana. But I’m afraid to we’ll stop this interview” “Ha? Bakit po Sir” “I have an urgent meeting” “So, paano po ang application ko dito, Sir?” “Hmmm. I’ll just contact you later or maybe tomorrow. Sorry, I can’t decide it yet eh. Pahingi na lang ng number mo” Binigay naman ni Zeek ang kanyang cellphone number kay “Got it. Sige na Zeek. You may go. I’ll just inform you. A.S.A.P” “Okay Sir. Salamat” *** Naunang lumabas si Zeek sa opisina at sumunod naman sa kanya si George. Nagmamadali siya nagtungo sa kanyang Assistant na si Lucas na nakatayo malapit sa elevator.Hindi niya kasi alam ang ang tungkol sa emergency meeting at bakit sila nagpatawag nito. “Lucas. Ano yon?” “Sir George.. andito ka na pala” sambit ni Lucas “Ano na? Sino ang nagpatawag ng emergency meeting?” “Ahhmmm.. Si ano po..” parang hindi makasagot sa tanong sa kanya ng kanyang boss “Sino nga..? Bakit hindi ka makasagot?” “Ako ang nagpatawag sa’yo, George” sambit ng babae na nasa likuran niya. Lumingon kaagad si George sa babaeng nasa likuran niya. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil nagulat siya sa taong iyon. “Bek?” sambit niya “What are you doing here? Bakit ka nagpatawag ng meeting? Meron bang problema?” “Wala naman” sabay tingin ni Bek kay Lucas “Salamat sa pagsunod sa utos ko Lucas. Pwede mo nang kaming iwan” Kaagad naman umalis si Lucas sa piling ng mag-asawa. Kitang-kita sa mukha ni George na naguguluhan ito sa nangyayari. “Bek. Ano to?” tanong niya sa asawa “Ano ang inutos mo sa assistant ko?” “Inutusan ko lang naman siya na palabasin ka sa opisina mo dahil parang hindi ka maistorbo sa ginagawa mo sa loob” “Ano??? E siyempre, nagtatrabaho ako” paliwanag ni George sa asawa “Mahal naman. Sana pumasok ka na lang sa opisina para malaman mo ang ginagawa ko” “Ahh ganon? So ikaw pa ngayon ang galit?” “E sino naman ang hindi magagalit sa ginawa mo? Inistorbo mo ako sa kalagitnaan ng interview ko” “Sino ba ang hayup na tao na kasama mo kanina sa opisina mo?!” sagot ni Bek “Si Zeek. Ang taong ininsulto mo kahapon” paliwanag ni George “E diba trabaho ng H.R. yan?? Bakit ikaw ang nag-interview?” patuloy pa din ang pagtatanong ni Bek “Magsabi ka nga ng totoo, George. May gusto ka ba sa kanya?” “What??! Ang klaseng tanong yan, Bek?” “Pakisagot na lang, George. Kasi ibang klaseng treatment ang binibigay mo sa kanya eh” “Ano ba yan? Hindi siyempre” sagot ni George sa asawa “Nag-volunteer na lang ako na ako mag-interview sa kanya dahil sa ginawa mo kahapon. Baka hindi mo siya papasukin sa hotel ko. Sayang lang naman kasi ng batang yon” “Fine!” sigaw niya sa asawa “Ako na naman ang may kasalanan. Pasesniya na ha. Namimiss ko lang kasi asawa ko eh. Don’t worry, George. Hindi na kita iistorbohin sa susunod” Pinigilan ni George ang kanyang asawa sa pag-alis. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanang braso ng asawa. “Mahal. Sorry na oh. Hindi na mauulit. Huwag ka na lang umalis, please?” “Oh sige. Hindi na ako aalis. Pero it doesn’t mean na bati na tayo” paliwanag niya asawa “Galit pa rin ako sa’yo” “Okay Mahal. Dito ka na lang muna sa hotel. Sabay na lang tayo uuwi mamaya” *** Samantala Kakarating lang sa bahay ni Zeek na mahina ang katawan at malungkot ang kanyang mukha. Nang pagpasok niya sa bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Vivian na nanonood ng tv. Nagtungo siya doon sa ina at nagmano. “Andiyan ka na pala,nak” sambit ni Vivian “Kamusta ang interview mo?” “Okay lang naman po, Ma. So far” buntong-hininga ni Zeek. “Bakit naman?” “Naputol kasi ang interview namin eh. May meeting daw siya” paliwanag niya sa ina “Hindi pa alam kung ano ang resulta ng application ko doon” “Ganon ba? Gusto mo ba na sasamahan kita bukas doon sa hotel?” “Ma naman. Huwag na” pagtanggi ni Zeek “Binigay ko naman kay Sir George ang number ko eh. Tatawagan niya na lang daw ako kung ano ang resulta” “Ahhh. Yan naman pala eh. Don’t worry anak. Sigurado ako na makakapasok ka dun” “E pano naman kung hindi, Ma?” sagot niya kay Vivian “Saan ako a-apply??” “Marami naman diyan na ibang hotel, ‘nak eh. Doon ka na lang” “Ayoko Ma. Gusto ko dun” “Oh! Edi huwag kang nega. Isipin mo na makakapasok ka” “Pano kasi, kinakabahan na ako” “Ang OA mo talaga, Zeek. Para kang babae mag-isip eh” dugtong naman ni Vivian sa anak “Kung wala ka sigurong girlfriend, iisipin ko na bakla ka” “Bakla talaga, Ma? Hindi pwede na ganito talaga ako?” “Nagbibiro lang,’nak” sabay tawa ni Vivian “Ma naman. Lalo mo pang dinadagdagan ang kaba ko eh” “Hay naku, Zeek. Magbihis ka na nga at tulungan mo ako magluto ng hapunan natin” sambit ni Vivian “Pagod lang yan” Kinabukasan. Maagang bumangon si Zeek at umupo sa sofa. Nakita naman ni Vivian ang anak habang nagluluto siya ng agahan. Kaagad niya naman pinuntahan si Zeek sa sala. “Anak, kamusta na? Nagtext na ba si Sir George mo?” “Wala pa Ma eh. Kanina ko pa ‘to tinititigan ang cellphone ko pero hindi pa rin siya nagtetext o tumatawag” “Yaan mo, nak. Magtetext din yan. Magtiwala ka lang” paniniguro niya sa anak. “Salamat po, Ma” Ngumiti si Vivian sa pagpapasalamat ng kanyang anak sa kanya. “Kumain ka na, anak at marami pa akong gagawin pagkatapos” Habang kumakain silang dalawa ng kanilang agahan at sa hindi inaasahan na sandali ay tumunog ang kanyang telepono. Nagmamadali siya na buksan at basahin ang mensahe ng kanyang natanggap. Pero sa kanyang pagbukas ay umiba kaagad ang timpla ng kanyang mukha “Sino yan, nak? Si Sir George mo na ba yan?” “Hindi Ma” tanging sagot niya sa ina “E sino yan? Bakit umiba ang itsura ng mukha mo?” “Si Hazel Ma” “O… Siya naman pala eh. Bakit ganyan ang pagmumukha mo?” “Iiwan niya na ako” sabay sa pagtulo ng luha niya “Ha? Nakipaghiwalay na siya sa’yo?” “Hindi Ma” “E ano nga, Zeek? Sabihin mo” “Aalis na sila papuntang Amerika” sagot niya sa ina “Nagtext siya na magkita kami mamayang gabi para mapag-usapan namin ang pag-alis nila” Nagulat si Vivian sa binalita sa kanya ni Zeek. Tumayo siya sa kanyang inuupuan at linapitan ang anak at hinimas ang likuran nito “Magiging maayos din lahat anak. Pag-usapan niyo mamaya kung ano ang magiging plano ninyo sa inyong relasyon” *** Nakipagkita si Hazel kay Zeek sa mall upang pag-usapan nga ang pag-alis ng kanyang pamilya papuntang Amerika. Ayaw niyang pumunta sa bahay ng kanyang nobyo dahil alam niya na masasaktan lang din ang nanay nito. Umupo silang dalawa sa isang bakanteng upuan sa food court ng mall para doon sila mag-usap. “Kamusta na pala ang appiication mo dun sa Deluxe Suites?” panimula ni Hazel. “Ayos lang naman. Hinihintay ko lang tawag o text ng may-ari” “Wow. Talaga? Sana makapasok ka na nga dun, Cookie” sambit niya. Napansin ni Hazel na walang imik si Zeek at alam niya na kung bakit “Cookie…” “Hazel. Please, kung may sasabihin ka. Sabihin mo na.” dugtong ni Zeek. “Ayaw ko sa lahat ang binibitin ako eh” Huminga muna ng malalim si Hazel para mag-relaks siya ng kaunti sa kanyang sasabihin na alam niya na may masasaktan “Okay Cookie. Sorry” sabay buntong-hininga niya “Katulad sa text ko kanina sa’yo, aalis na kami papuntang Amerika, Cookie. Doon ko na daw tatapusin ang pag-aaral ko” “Talagang iiwan mo na ako noh?” “Sorry Cookie. Kailangan kasi” “Ganon?? Kailan ba kayo aalis?” “Bukas na, Cookie” sagot nito “Ano?? Bukas agad?? Ang bilis naman” “Oo Cookie eh. Pati nga ako ay nagulat nung sinabi ni Daddy sa akin ‘to eh” “Hindi mo naman siya pinigilan?” “Cookie. Si Daddy iyon. Ayaw kong sumuway sa utos niya” “Okay” tanging sagot ni Zeek “Ano?? Yun lang ang sagot mo? Okay lang?” “E ano pa ba ang gusto mo??” balik niya kay Hazel “Magmamakaawa na hindi mo ako iiwan?? Kahit anong pilit ko sa’yo, pamilya mo pa rin ang susundin mo. Alam ko naman na ayaw nila sa akin eh. Kaya yun ang plano nila” “Cookie. Hindi naman sa ganon” “E ano?? Wala naman akong nakikita na ibang dahilan. Kundi ako lang. Ayaw nila sa akin” “Cookie naman” sabay abot ni Hazel ng kamay ng nobyo subalit tinanggal ni Zeek ang kanyang kamay “Cookie. Intindihin mo naman ako oh. Hindi ko naman ginusto ‘to. At ilang taon din naman eh. Babalik din ako” paliwanag niya dito “May job opportunity lang si Daddy sa Amerika kaya ganon” “Hindi ginusto?? Kung hindi mo ginusto, sana gumawa ka ng paraan para maiwan ka dito sa Pilipinas” unting-unti tumataas ang tono ng kanyang boses ”Pero ano? Wala kang ginawa, Hazel. Mas gusto mo pa na iwan ako at pumunta sa Amerika” “Cookie” sabay tulo ng mga luha ni Hazel “Ano….?? Sabihin mo nga sa akin, Hazel. Hindi ba totoo? Na ako ang dahilan ng pag-alis ninyo??” “Pinaliwanag ko sa’yo lahat, Zeek. Pero hindi mo talaga ako naiintindihan. Maniwala ka… gusto ko na hindi kami aalis pero alam na nila na tayo pa rin at nagkikita pa rin tayo” “Ayunnnn. Lumabas na mismo sa bibig mo na ayaw ng mga magulang mo sa akin” lalo pang lumalakas ang boses ni Zeek dahil napatingin na ang mga katabi nilang tao na kumakain doon sa food court. “Nagsinunggaling ka pa sa akin na may job opportunity ang Daddy mo doon?? Sagutin mo nga ako, Hazel. Mahal mo ba talaga ako??” “Oo naman. Mahal na mahal kita. Maniwala ka naman, Zeek.” “Pwes. Magtanan na tayo” Nagulat si Hazel sa alok ni Zeek sa kanya. Hindi pa siya handa sa ganitong pamumuhay “Ano?” “Oo. Magtanan tayo. Prove to me na mahal mo talaga ako” “Hindi naman sa ganitong paraan” “Bakit? Natatakot ka?” sabat niya kay Hazel “Ngayon mamili ka. Ako o sila” Napalunok na lamang ng laway si Hazel at napaisip ito ng malalim. Ilang saglit at tumingin siya kay Zeek “Sorry Zeek. Pero mas mahal ko ang pamilya ko kesa sa’yo. Mas pipiliin ko sila kesa sa’yo. Sorry.” Napatango na lamang siya sa sagot ni Hazel “Mabuti dahil alam ko na talaga ang laman ng puso mo. Kahit na masakit, tatanggapin ko.” Kaagad namang ulit tumayo si Zeek at inayos ang kanyang damit “Salamat na lang sa oras at pagmamahal mo, Hazel. Goodbye” *** Samantala. Sa The Deluxe Suites Hotel. Nakaupo si George sa kanyang upuan ng opisina niya. Tulala at malalim ang iniisip. Iniisip niya ang tungkol sa kanyang buhay at sa buhay may asawa. Paano kaya kung single at wala siyang asawa ngayon? Siguro ay marami siyang ginagawa na mga gawain na para lamang sa walang asawa katulad ng paghahanap ng aliw sa iba. Masaya naman si George sa buhay may asawa pero mas gusto niya kasing mahalin ang kapwa niya lalaki. Gusto niya ito, dahil iba ang kanyang pakiramdam at masaya siya dito lalung-lalo na kung sa s*x na ang usapan. Para kasing na-sasatisfy talaga ang kanyang libog o tawag ng laman kumpara sa babae. Lalung-lalo na nung nakita niya si Zeek, napukaw muli ang kanyang nadarama sa kapwa niyang lalaki. Isang mas bata at inosente ang pagmumukha at parang wala pang karanasan sa pagtatalik sa kapwa lalaki . Gusto niya itong akitin at ipaparanas sa kanya ang ligaya na makukuha sa parehong kasarian. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD