Chapter 4 (Bistado)

2507 Words
Nagdesisyon na umuwi kaagad si Zeek para ipaalam sa kanyang girlfriend at ina ang resulta ng kanyang pag-aapply sa isa sa pinaka-luxurious at isa sa pinakamagandang hotel sa kanilang lugar. Nang pagpasok niya sa kanilang bahay ay nadatnan niya si Hazel na nakaupo sa sofa samantala ang kanyang ina naman, ay gumagawa ng meryenda. “O anak. Nandito ka na pala” sambit ni Vivian sa anak “Tamang-tama, gumawa ako ng meryenda. Halika na at kumain” “Sige po, Ma” kaagad naman siya lumapit sa ina at nagmano ito at kumuha ng isang sandwich sa pinggan. “Kamusta pala ang application mo dun?” dugtong naman ni Hazel. “Hmmm. Okay lang naman, Berry. Nakaproblema nung una pero naging maayos din naman kaagad” “Ha? What do you mean, Cookie?” “Muntik na kasi hindi matanggap yung application namin eh. Dahil sa mataray na asawa ng may-ari” “Bakit naman?” tanong ulit ni Hazel. Habang nakikinig din si Vivian sa kanilang usapan. “Sinabihan pa naman na tamad ang kaklase ko. Tapos pinaliwanag ko lang naman… tapos ang sabi niya sa akin, hindi niya na daw matatanggap ang application namin dahil sa ugali naming tamad” kuwento ni Zeek “Ayon, nagmamakaawa ako sa kanya na bigyan niya muna kami ng pagkakataon pero pinalabas niya ako sa guard” “Ganon?? Ang sama ng babaeng yun ah” sambit ni Vivian sa kuwento ng anak “Pinahiya ka niya sa maraming tao” “Mabuti nga lang na dumating talaga ang may-ari eh. Pinagtanggol niya ako sa asawa niya at binigyan niya ako ng chance” “So…?? Okay na ang application mo, Cookie?” sabat naman ni Hazel “Hmm. Hindi pa, kasi babalik pa ako bukas para sa interview ” “Okay na yan, Cookie. Alam ko na makakaya mo yan at sigurado ako na makapasok ka diyan” “Salamat Berry” hawak sa kamay ng nobya. “Maliban kay Mama, ikaw ang taong pinagkukunan ko ng lakas ng loob. Maswerte talaga ako sa’yo” sabay halik sa noo “Mahal na mahal kita, Berry” “Mahal na mahal din kita” sagot din ni Hazel. Kaagad siyang tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Napagtanto niya na mag-a-alas-sais na pala ng hapon at kailangan niya nang umuwi “Cookie, I need to go home na. Hinahanap na ako ni Daddy sa amin eh. Mag-gagabi na kasi” “Ha? Uwi ka na agad?” at biglang nalungkot ang mukha ni Zeek “Kararating ko lang eh” “Ang aga naman yan” dugtong naman ni Vivian na may bitbit na meryenda “Mamaya ka na umuwi. Magmeryenda ka na muna” “I’m sorry, tita. Pero kailangan ko na talagang umuwi. Baka magalit si Daddy sa akin. Hinitay ko lang si Zeek na makauwi bago ako makaalis” habang nagmamadaling nagtungo sa sofa at kinuha ang kanyang bag . Bumalik ulit sa nobyo na nakatayo pa din doon na malungkot pa ang mukha “Sige na Cookie. Alis na ako. Bawi na lang ako sa’yo bukas, okay?” “Sige” buntong-hininga ni Zeek “Ano pa nga ba magagawa ko” “Sige Cookie. Alis na ako” at tumingin din sa ina ng boyfriend “Tita, alis na po ako” “Mag-iingat ka, Hazel” Habang lumalabas ang dalaga sa gate ng bahay ay pumasok na lang si Zeek sa kanyang kwarto at parang nainis sa ginawa ng girlfriend. *** Samantala. Sa bahay ng mag-asawang Salcedo. “Bek… ano na naman ba yun??” bati ni George sa asawa habang papasok sila sa kanilang bagong bahay. “Ang ano??” pagmaang-maangan ni Bek. “Ang kanina. Sa ginawa mo sa bata” “Ahh. Sa kanya…” sambit naman niya na tila alam ang ibig sabihin ni George “I don’t want to explain kasi alam ko ang ginagawa ko para hotel mo, George” “Na ano?? Na bastusin mo ang mga taong mag-aapply sa hotel ko…?” “Bastos?? How dare you, George” “Totoo naman eh. You know, what. Nagbago ka na talaga, Bek.” Dugtong ni George “Parang mainit palagi ang ulo mo sa mga tao na pumapasok sa hotel ko. Ano ba ang problema mo??” “Problema?? Talagang tinatanong mo pa ako sa problema ko, George????” “Oo. Sabihin mo kung ano ang problema mo. Para hindi ako parati manghuhula kung ano ang nararamdaman mo” “Ganun?? Huwag na. Hindi mo pala alam eh” “Mahal naman. Huwag ka namang ganito oh” pagmamakaawa niya sa asawa “Kanina ka pa ng umaga ah” “Sino ba naman ang hindi magagalit sa dalawang practicumer na babae na panay ang ngiti sa’yo dahil dumaan ka. Tapos, nilalandi ka ni Mr. Rodgers na yun kanina, na parang gusto mo din” “My God! Yun lang ba, Bek? Yun lang ba ang pinuputak ng bibig mo??” sambit ni George na tila naiinis sa rason ng asawa. “Ang mga walang kakawentang bagay?” “Oo. Yun nga” “Mahal naman” sabay hawak sa kamay ng asawa “Hanggang ngayon ba ay wala kang tiwala sa akin?” “May tiwala ako sa’yo… pero wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa’yo, lalung-lalo na ang mga bakla” tingin niya sa asawa “Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ninyo ng bakla noon” “Bek. Asawa na kaya kita, hinding-hindi na kita kayang saktan dahil mahal kita” sambit ni George na malumanay ang boses “Oo, aaminin ko na nagawa ko yun, dala sa tawag ng laman. Pero ikaw ang mahal ko. At hindi ko na talaga gagawin yon, okay?” “Hmmm. Talaga?” sambit ni Bek na tila humihina na ang tono ng boses. “Oo kaya. Please Mahal. Magtiwala ka lang sa akin” “Hmmm. Ikaw kasi eh. Ang gwapo mo kaya maraming nagkagusto sa’yo” ngisi ni Bek at ganun din naman si George. “Hindi kaya ako gwapo. Maputi lang ako kaya ganun” sagot ni George habang nakangiti din. “Sus. Ang cute mo kaya Mahal” sabay kurot sa pisngi ng asawang lalake. “Hehe. Edi cute kung cute” sambit naman ni George “So, okay na tayo, Mahal??” “Oo na. Okay na tayo. Pasalamat ka dahil cute ka” *** Pasado alas-siyete nang makauwi si Hazel sa kanilang bahay. Alam niya na magagalit ang kanyang magulang dahil late na siya sa curfew na binigay sa kanya ng kanyang magulang. Habang papasok siya ng gate ay nakita niya ang kanyang Daddy na nakatayo sa may pintuan ng bahay. “Good evening po, Dad” bati niya sa ama pero hindi siya nakatingin dito dahil kinakabahan ito “Bakit ngayon ka lang??” sagot ng ama “Diba ang sabi namin ay alas-sais ng hapon ay nandito ka na sa bahay?? Seven-thirty na, Hazel.” “Sorry po, Dad. Nawili po kasi ako sa kuwentuhan naming magkakaibigan eh” “Kaibigan?? Sigurado ka na sila ang kasama mo kanina?” “Opo Dad” “Sinunggaling” dugtong nito na may matigas na ang tono “Tinawagan ko ang mga kaibigan mo, Hazel. Ang sabi nila ay wala kayong pasok sa huling period ninyo. Nakita ka nila na sumakay kaagad sa taxi at nagmamadali” kita sa mata at mukha ng kanyang ama ang galit sa pagsisinungaling nito “Magsabi ka nga ng totoo babae ka. Saan ka ba pumunta pagkatapos ng dismissal ng klase ninyo?” “Sa mall po, Dad” sagot nito “Napakasinunggaling mo talagang bata ka” “Yun nga ang totoo, Dad. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo” paliwanag ni Hazel “Sa tingin mo ba ay naniniwala ako sa’yo? Saan ka nga pumunta, Hazel??” ulit nito sa pagtatanong “Sa kanya ka ba nanggaling?? Sa lalaking hampas-lupa na yon??!” “Hindi po Dad. Hindi na po kami nagkikita simula nung pinagbawal mo na angaming relasyon” “Talaga lang ha?” at may kinuha siya sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang cellphone at kaagad niyang binuksan ito. Pinakita ng kanyang ama ang litrato na kung saan magkasama sila ni Zeek na papasok sa maliit na bahay ng binata. “Ano ‘to?? Magsabi ka ngayon na nagsisinungaling ako” Hindi makadugtong at makarason si Hazel sa ama dahil bistado na talaga ang kanyang pagsasaway sa magulang “I’m sorry, Dad” tanging sabi niya. “Bakit ka nagsinunggaling sa akin, Hazel?” tanong niya sa anak “At bakit mo sinuway ang sabi namin sa’yo ng Mommy mo na itigil na ang pagkikita mo sa taong iyon?” “Mahal ko si Zeek, Dad. Bakit hindi ninyo naiintindihan ni Mommy iyon??!” pagtaas ng tono ng boses ng dalaga. “Dahil hindi siya ang lalaki na para sa iyo, Hazel!!” sigaw din niya sa anak habang tumutulo na ang luha ng dalaga sa kanyang mga mata “Napakababa niyang nilalang para sa’yo. Paano ka niya bubuhayin? E siya nga, hindi nila mabuhay ng maayos ng kanyang ina ang kanilang sarili” “May pangarap siya Dad. May pangarap siya sa aming dalawa” “Pangarap?? Anong pangarap?” ulit niya “Isa pa lamang siyang estudyante na kagaya mo. Wala pang klaro ang hinaharap niya dahil mahirap lang siya. Pero ikaw, anak. Klarong-klaro ang kinabukasan mo. Makinig ka lang sa amin ng Mommy mo” “Pero Dad…” “Wala nang pero-pero, Hazel. Nakapagdesisyon na ako. Bukas-makalawa ay aalis tayo ng bansa kasama ng Mommy mo” sambit ng kanyang ama sa kanya “Doon na tayo sa Amerika titira at doon mo na lang ipagpatuloy ang pag-aaral mo” “Pero Dad. Graduating na ako. At ayaw kong iwanan ang Pilipinas” “As I said. Nakapagdesisyon na ako, Hazel. Sumunod ka na lang sa akin. Para din sa iyo ito, anak” Pumasok kaagad ang kanyang Daddy sa bahay habang siya naman ay nakatayo pa din malapit sa gate. Hindi siya makapaniwala sa desisyon ng ama na aalis sila kaagad ng bansa. *** Kinabukasan Napansin ni Vivian na may problema ang anak at nakaupo lamang ito sa sofa at tila may iniisip na malalim.Kaagad naman pumunta niya ang kanyang anak at umupo sa tabi nito “Anak okay ka lang ba?” bati niya kay Zeek. “Okay lang naman po ako, Ma” sagot niya naman sa ina na tila mahina ang boses. “Sigurado ka??” paninigurado niya sa anak. “Opo, Ma.” “Parang malungkot ka kasi, anak eh. Dapat masaya ka dahil interview mo na mamaya sa Deluxe Suites” “Ganun nga po Ma eh. Kinakabahan ako mamaya para sa interview ko” buntong-hininga ni Zeek. “Parang hindi ko kaya. Paano kung mag-uutal ako mamaya sa sagot ko?? Pano kung hindi ko masagot ng maayos ang tanong nila sa akin?” Nagpabuntong-hininga din si Vivian sa sinabi ng anak at ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa balikat ng anak “Zeek anak. Natural lang siguro na kabahan ka dahil first-time mo tong interview. Ang gawin mo lang, ngumiti at ‘be-yourself’ lang sa pagsagot sa mga tanong sa’yo, okay??” “Okay po, Ma. Pero ang istrikto kasi ng may-ari ng hotel Ma eh” “Ganun talaga yon. Syempre, siya ang may-ari pero prove to him na deserve mo na makapasok sa hotel niya, okay?” “Salamat po, Ma. Biglang nadagdagan ang kumpiyansa ko sa sarili sa mga sinabi mo po” “Walang anuman, anak” sagot naman ni Vivian “Sige na, Zeek. Maghanda ka na para mamaya” “Sige po, Ma” Dakong alas-diyes ng umaga ay nakadating na si Zeek sa hotel. Isang oras bago mag-umpisa ang kanyang interview at tila kinakabahan muli ito. Biglang naisip niya na hindi talaga makapunta ang kanyang kaklase at kahit anong pilit niya sa kanya ay hindi talaga siya makapunta. Nagawa niya naman ang lahat para pilitin ito pero wala talaga. Lumapit siya sa front desk ng hotel upang magtanong tungkol sa kanyang interview “Excuse po, Miss. I’m Ezekiel Lacsamana. Nandito po ako kahapon tungkol sa application” “Oh yes, Sir” sagot naman ng babae. “Mr. Salcedo is expecting you in his office. Pumasok na lang po kayo” habang inuunat ng babae ang kanyang kanang kamay at itinuro ang pintuan ng opisina ni George. “Sige Miss. Salamat” Lumakad siya patungo sa pintuan at kaagad siyang kumatok at binuksan ito. Mabilis ang kabog ng dibdib ni Zeek habang papasok sa opisina ng may-ari ng hotel. Kinakabahan siya dahil ito ang una niyang interview at tila hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin at sasagutin. Habang lumalakad siya patungo sa mesa ni George ay lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib nito. Ngumiti na lang siya kay George para ipakita dito na hindi siya kinakabahan. “Please sit down, Mr. Lacsamana” sambit ni George sa kanya. Kaagad naman umupo si Zeek sa upuan na kung saan inupuan niya kahapon. “Good Morning po, Sir” bati naman niya kay George. “Good Morning” sagot naman niya habang kinuha ang resumé ni Zeek at binasa niya muli ito “So, ready ka na…?” “Ready saan po, Sir?” tanong niya na tila blanko ang kanyang mukha. “On your interview, Mr. Lacsamana” sagot niya “Okay ka lang ba? Parang wala ka sa’yong sarili” “Sorry po, Sir. It’s my first time to have an interview kasi eh. Medyo kinakabahan lang” “Don’t be. Huwag kang kabahan Mr. Lacsamana. Parang nagkukuwentuhan lang naman tayo dito” sabay abante ng katawan ni George sa mesa at hawak sa kamay ni Zeek. Nabigla naman ito sa pagkahawak sa kanya ni George at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. “Relax. Ako ang bahala sa’yo” “Okay po, Sir. Salamat” “Well. Let’s start, Mr. Lacsamana” habang huminga ng malalim si Zeek bilang paghahanda “So, tell me about yourself” “I am Ezekiel Lacsamana, my friends call me Zeek. I am in fourth year college, currently taking up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management” sagot ni Zeek na tila walang pang-uutal “Me and my mother are the last of our family” “Why?? Where is your father?” Biglang natigilan si Zeek sa tanong sa kanya ni George. Nag-init ang tenga niya nung tinanong sa kanya ang tungkol sa kanyang ama. Ayaw niya kasing banggitin o marginig man ang pangalan o ang tungkol sa kanyang walang kwentang ama. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD