“Ako pa ngayon?? Ako pa ngayon ang nang-iwan..?” “Bakit hindi ba? E naniwala ka kaagad sa nakausap mo sa telepono” sabat ni Hazel sa kanya “Hindi mo naman ulit ako tinawagan para mapaniguro mo na totoo nga ang mga sinabi sa’yo ng kausap mo nung una” “Makapag-isip pa ba ako ng tuwid nung mga oras na yon? Ikaw. Kung ikaw ang sa kalagayan ko, makapag-isip ka pa ba ng maayos?” dugtong niya kay Hazel “Natulala ako, Hazel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon, Nasaktan ako dahil akala ko mahal mo ako pero hindi pala” Walang sabi-sabi ay niyakap ni Hazel si Zeek ng mahigpit. Umiyak ito dahil naaawa siya sa ginawa sa kanya ng kanyang Mommy. “I’m sorry, Zeek” sambit ni Hazel habang niyayakap siya nito “Hindi ko rin alam eh, Kung ano man ang sinabi sa’yo ng Mommy ko at

