“What? Paano?” tanong ni Zeek kay George. Hindi niya kasi alam kung paano nangyari na nalulugi muli ang hotel niya. “Dahil sa maraming bagong hotels na nagsisisulputan na parang kabote” paliwanag niya kay Zeek “Luxury hotels na nag-ooffer ng cheap rates compare sa atin. Kaya mas pinipili sila ng mga tao” kitang-kita sa mukha ni George ang pag-aaalala dito “Hindi pa yan… Pinapatulan pa sila dahil sa mga latest technologies at mas modern na ang mga gamit nila” “So why don’t we upgrade our system? Para makasabay tayo sa kanila” “We can’t” “Why not?” “We don’t have enough money to upgrade our system. As I said, nalulugi tayo at kaunting pera lang ang pumapasok” “Sorry. Hindi ko alam ‘to” “It’s okay. Kahit naman ang ibang Directors ay hindi din alam ang tungkol dito” dugtong niya

