Tumayo si Hazel sa harap ni Marco na nakaupo. Hindi niya talaga gusto na nandoon siya sa kanyang silid at baka may makakita na ibang tao, lalung-lalo na si Zeek. “Oh. E bakit ang sama ng tingin mo sa akin..??” sambit naman ni Marco sa kanya. “Bakit ka ba nga nandito..? Ano ba ang kailangan mo?” “Wow. Kailangan talaga? As I said, gusto lang kita makita” sagot muli ni Marco sa kanya “Alam ko naman na ayaw mong pumunta sa condo unit kahit na sinasabi mo na bibisita ka. So I decided na ako na lang pumunta dito” “Pupunta naman ako dun eh. Pero hindi pa nga ngayon kasi busy pa ako” paliwanag ni Hazel sa kanya “Please naman, Marco. Umalis ka na” “Ano? Bakit mo ako papaalisin? May tinatago ka ba sa akin?” “Wala. Busy nga ako diba” “E ano ang ginagawa mo? Parang wala naman ah” “Basta.

