bc

THE QUEEN'S PAWN

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
mafia
bxg
kicking
campus
office/work place
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

"In her kingdom, everyone is a pawn. But he’s about to change the rules of the game."

Sa mundo ng La Costa Syndicate, walang pwedeng kumalaban kay Dominika 'Nikki' Araneta —the ruthless Mafia Queen who rules with an iron fist.

Business rivals? She crushes them all without blinking. But everything changes when she recruits a young man from the streets with nothing to lose and a lethal mind.

Nikki molds him and trains him, turning him into her most trusted protector. He was supposed to be her ultimate weapon, subalit habang tumatagal, ang loyalty ng lalaki ay unti-unting napapalitan ng isang madilim at mapanganib na obsession.

He doesn’t want to just follow her orders anymore. He wants to claim the throne alongside her.

Now, the man she trained to protect her empire is the same person threatening to upend her world just to stay by her side.

She created a formidable ally—and her biggest challenge will be keeping him under her control.

chap-preview
Free preview
Prologue
DOMINIKA POV LA COSTA SYNDICATE MANSION PHUKET, THAILAND "I'm old enough to handle this entire clan ! Bakit kailangan kay Uncle Red mo ipapasa ang La Costa?" malakas na singhal ko sa harapan ng La Costa Godfather... ang kanyang Lolo. Walang emosyon bumalatay sa mukha ni Lolo Chalyford. Walang katinag-tinag na nakatitig lang ito sakin. I'm 29 years old, for godsake ! Hindi na ako bata. Mula nang mamatay sina Mama at Papa sa isang car accident. Ginawa ko ang lahat para maging karapat-dapat maging reyna ng La Costa. Hindi ako basta papayag na mapunta lang sa wala ang lahat ng hirap at sakripisyo ko, mas lalong hindi ako papayag na mapunta ang La Costa kay Uncle Red. "Hindi ka talaga nakikinig sakin, Dominika." Humugot ito ng malalim na paghinga bago kumuha ng sigarilyo saka ito sinindihan. Umingos ako. "Wala ka naman sinasabi, GrandPop– hindi na bagay sa'yo ang manigarilyo," sita ko sa matandang matigas ang ulo katulad ko. "Give me a grandchild first, Dominika. Iyon ang kondisyon ko bago mo makuha ang La Costa sakin. Bigyan mo ako ng apo.. in a normal way process, hmm? I'll give you two months, after that.. inaasahan kong dadalhan mo ako ng tunay na ultrasound," nakangising sabi ni Lolo Chalyford. "P-Paano ako mabubuntis, Lo? Wala naman akong boyfriend ! I don't like men, okay?! They don't interest me at all !" gigil na gigil na sabi ko habang nakakuyom ang dalawang palad. "Not my problem, Dominika. Just go– saka na tayo mag usap kapag buntis ka na." "Are you really fúcking serious?! Gusto niyo ng apo? pero gusto niyo in a normal way ko gagawin? Heaven sake !!" Alam kong nonsense na makipagtalo kay Lolo kaya mabilis na akong lumabas ng opisina nito. Kaagad naman akong sinalubong ni Sugar, ang kanang kamay ko at matalik na kaibigan. "What happened, Dom?" may bahid ng pag aalala sa mukha ni Sugar nang makita ako. Umiling ako. Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko, parang gusto kong manakit o sumigaw ng malakas. "Apo pa rin ang cravings ng matandang 'yon." Napakamot naman sa batok si Sugar at napapailing. "Anong gagawin mo? Kanino ka magpapabuntis? Mag hire na lang kaya tayo ng lalaki sa club? o sa mga dating app na willing makipag one night stand?" Napangiwi ako. Ang isipin pa lang na makikipagtalík ako sa lalaking hindi ko naman kilala ay tumatayo na ang balahibo ko. "N-No ! Kadiri !" "E, 'di magpaubaya ka na lang kay Uncle Red mo." Marahas na hinarap ko si Sugar at dinuro ito sa dibdib. "Never ! Over my dead body. Hindi ko hahayaan mapunta kay Uncle Red ang La Costa. Wala akong tiwala sa taong 'yon." Ngumuso lang si Sugar saka tinabig ang daliri ko na nakaduro sa dibdib nito. Walang bakas na takot o pagkailang sa mukha ni Sugar. Sanay na kasi ito sa ugali ko.. sa anger issue ko. "Fine. Mamaya na pala ang flight mo papuntang Manila. Another big transactions, kailangan nandon ka, request ng mga clients." Naging seryoso ang awra ng mukha ko. Yup, I'm Dominika 'Nikki' Araneta, ang nag iisang prinsesa ng Araneta Family dito sa Thailand at reyna ng La Costa Syndicate sa Underground world. I am the epitome of absolute power, icy elegance, and untouchable authority. At 29, I already spent years cementing her place as the sole heir and leader of the La Costa Syndicate, ruling a world of brutal men with a lethal combination of sharp intellect and merciless execution. At hinding-hindi ko hahayaang may umagaw niyon sa akin. "Ready my plane. Let's finish what needs to be finished." ––– MANILA, PHILIPPINES LA COSTA UNDERGROUND WAREHOUSE Huminto ako, marahas na hinubad ang aking sunglasses, at tinitigan ang eksenang naghihintay sa akin. Sampung lalaki ang nakaluhod sa semento. Lahat sila ay nakatali ang mga kamay sa likod at may mga itim na takip ang buong ulo. Halatang nanginginig ang ilan sa kanila, walang ideya na ito na ang huling araw nila sa mundo. Tumingin ako kay Sugar na nakatayo sa tabi ko, hawak ang isang malapad na iPad. "Boss Dom, ang iba sa kanila ay nangahas magnakaw sa warehouse natin nitong nakaraang linggo," panimula ni Sugar. "At ang iba naman... nakumpirma naming mga spy ni Congressman Ang." "Kill them—" walang gana at malamig na sagot ko. Sanay na ako sa ganitong eksena. Sa mundo ko, ang pagtataksil ay binabayaran ng dugo. Wala akong oras para mag-aksaya ng awa sa mga taong sinubukan akong banggain. Nang akma na akong lilingon para umalis at asikasuhin ang mga kliyente ko, biglang bumasag ang isang malakas na hiyaw mula sa pinakahuling lalaki sa hilera. "Parang awa niyo na po! Huwag niyo po akong patayin! Estudyante lang po ako! Inosente po ako... sumama lang po ako para sa extra perang inalok sa akin. Maawa po kayo, wala po akong alam! Pakiusap! Gagawin ko po lahat ng iuutos niyo!" Napatigil ako sa paghakbang. May kakaiba sa boses ng lalaki. Halatang kontrolado ang boses. Puno ng hilaw na takot. Lumingon ako at sumenyas kay Sugar gamit ang isang daliri. "Alisin mo ang takip." Mabilis na lumapit ang isa sa mga tauhan ko at marahas na hinila paitaas ang itim na tela sa ulo ng lalaki. Bahagyang napaatras ang lalaki, napapikit dahil sa biglaang liwanag ng paligid. Nang dahan-dahan niyang idilat ang kanyang mga mata, doon ko unang nakita ang kabuuan ng kanyang mukha. Tumaas ang kuryosidad ko. He's young. Masyadong bata para sa impiyernong ito. Magulo ang maitim nitong buhok na bahagyang humahadlang sa kanyang noo, at may kaunting dumi at pasa sa kanyang matangos na ilong at panga. Ngunit sa kabila ng dumi, hindi maitatago ang natural nitong kakisigan. Matangkad, at kahit nakaluhod ay bakas ang tikas ng kanyang pangangatawan. Ngunit ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang mga mata. Puno ng kaba, oo—pero may kakaibang apoy at talas doon na tila ba nag-iisip na agad kung paano makakatakas sa sitwasyong ito. Sinalubong niya ang malamig kong titig nang walang kurap. Sa unang pagkakataon, may isang lalaking nakatingin sa akin nang diretso. "Legal age?" tanong ko habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. "20..." nanginginig ngunit malinaw niyang sagot, habang nakatitig pa rin sa akin. Huminto ako nang may isang dipa na lang ang layo ko sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng puting polo shirt at itim na pantalon. Hmm, 20 years old. Not bad. Biglang pumasok sa isip ko ang nakangising mukha ni Lolo Chalyford at ang bwisit na ultrasound na hinihingi nito. A child. In a normal process. Isang ideya ang unti-unting nabuo sa utak ko habang nakatitig sa binatang nasa nakaluhod paanan ko. "Name?" matigas kong tanong. Lumunok siya, hindi pinuputol ang koneksyon ng aming mga mata. "Rhysand... Vargas."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook