Shane
"Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Even my text messages," kunot ang noong tanong ko sa sarili.
Kagabi ko pa tinatawagan si Stefan pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Hanggang hindi ko na makontak ang cellphone niya. Hindi rin ito umuwi kagabi.
"Stefan ano ba'ng nangyari sa 'yo?" Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. Lalo na't marami silang kaaway sa negosyo. Maging sa legal man o illegal.
Tinawagan ko na rin si Daddy. Pero hindi rin niya alam kung nasaan si Stefan. Pati na rin ang kaibigan nitong si Gunther ay hindi alam kung saan nagpunta ang kaibigan niya.
Hindi talaga ako mapakali. Kaya nagdesisyon ako na pumunta sa mansyon. Baka nandoon lang siya. Hindi lang siya nakita ni Daddy.
*****
I parked my car in front of our mansion.
Sinalubong ako ng isa sa mga tauhan ni Daddy.
"Nagpunta po ba rito si Stefan?"
"Opo, mam. Kadarating lang po niya. Kausap po siya ni Don Santiago sa library. Gusto niyo po ba'ng sabihin ko na dumating kayo?"
"Pupuntahan ko na lang sila. Salamat," nakangiting sabi ko. Saka ako pumasok sa mansyon.
I'm planning to surprise both of them. However, I'm not expecting, na ako pala ang masusurpresa sa maririnig ko.
Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pinto nang marinig ko ang galit na boses ni Stefan.
"Ayokong maniwala sa nalaman ko, dad. At mas ayokong magalit sa inyo. Pero totoo ba na ang mga tauhan ninyo ang pumatay sa pamilya ko?"
Natuptop ko ang aking bibig. Pinigilan ko ang sarili ko na makagawa ng ingay. At nagpatuloy ako sa pakikinig. Imbes na pumasok ako sa loob.
"I don't know what you are talking about, Stefan." Bakas sa boses ni Daddy ang pagtataka.
"Don't try to deny it, dad. Ang mga tauhan mo na mismo ang umamin sa akin. May malaking pagkakautang sa 'yo ang ama ko. Hindi siya nakakabayad. Kaya inutusan mo ang mga tauhan mo na takutin sila. Pero hindi iyon ang nangyari. Dahil namatay sila sa sunog kasama ang kuya ko!" Ramdam ko ang galit at sakit sa boses ni Stefan.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nasasaktan ako para kay Stefan. Parang pinipiga ang puso ko.
"Totoo na may malaking pagkakautang sa akin ang tatay mo. Pero hindi ko inutusan ang mga tauhan ko na takutin sila. Lalo na ang patayin sila. Kilala mo ako Stefan. Alam mo na hindi ko 'yon magagawa."
"Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko, dad. Pero naisip ko. Kaya mo ba ako kinupkop ay dahil nakokonsensya ka? At para pagtakpan ang ginawa mo sa pamilya ko?" puno ng hinanakit ang tono ng boses ni Stefan.
"Hindi, Stefan. Itinuring talaga kitang anak. Noong gabi na nasunog ang bahay niyo, nakatakda kong kausapin ang iyong ama. Pero naunahan ako ng ibang pinagkakautangan niya. Sila ang may gawa ng sunog hindi ako," paliwanag ni Daddy kay Stefan. At naniniwala ako sa kanya. Kahit na naging malayo ang loob ko sa kanya. Alam ko na hindi niya magagawa iyon.
"You're just fooling me all this time. Pinaniwala mo ako na mabuti kang tao. Kinupkop mo lang ako para linisin ang konsensya mo. Pero hindi no'n mababago ang katotohanan na ikaw ang pumatay sa pamilya ko!" Nanggagalaiting sigaw ni Stefan kay Daddy.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
I was about to open the door, pero bago ko pa ito mabuksan ay may nagbukas na nito mula sa loob.
"Stefan..." With trembling hands, I try to reach for him, but he shoves my hands and leaves me there.
Lalo akong napaiyak. Iyong tingin niya sa 'kin ay iba sa tingin niya sa akin nitong mga nakaraang araw na magkasama kami. At nasasaktan ako.
"Galit din ba siya sa 'kin?"
Gusto ko siyang damayan sa nararamdaman niya ngayon. Pero paano kung pati sa akin ay galit din siya?
"Stefan!" Hahabulin ko sana siya pero may kamay na pumigil sa braso ko. "Dad..."
"Hayaan mo muna siya, anak. Palamigin mo muna ang ulo niya. Baka sa 'yo niya maipabaling ang galit niya," nag-aalalang sabi ni Dad.
Gusto kong itanong sa kanya kung totoo ba ang lahat ng narinig ko. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Ang nagawa ko na lang ay yumakap sa kanya at umiyak sa bisig niya.
"Patawarin mo ako anak kung pati ikaw nadadamay. Sana lang maliwanagan ang isip ni Stefan. Hindi ko pipilitin na maniwala kang wala akong kinalaman sa binibintang niya." Masuyong hinahaplos ni Daddy ang buhok ko. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
Bakit ngayon pa ito nangyari?
Bakit ngayon pa? Kung kailan okay na kaming dalawa.
Kung kailan naamin ko na sa sarili ko na mahal ko rin siya.
Kung kailan nag-uumpisa na kaming bumuo ng masasayang ala-alana magkasama?
Nang kumalma ako ay hinayaan ako ni Daddy na umuwi sa bahay.
Nadatnan ko na umiinom sa library ng bahay si Stefan.
"Stefan..." Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. "Are you okay? You can talk to me. Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap—"
"Leave me alone. Gusto kong mapag-isa," turan nito sa malamig na tono.
"Stefan—"
"I said, leave me alone!"
Napapitlag ako sa sigaw niya. Halos dumagundong ito sa buong bahay.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
"O-okay... I'm sorry." Nagmamadali akong lumabas ng library. Tumakbo ako papunta sa kwarto namin. Dito ko pinakawalan ang kanina ko pa pinipigil na mga luha.
"Galit din siya sa akin... Bakit? Wala naman akong kasalanan sa nangyari. Bakit pati sa akin ay galit siya?"
Hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa pag-iyak.
Nagising ako pakiramdam na parang may humaplos at humalik sa buhok ko. Pero nang magmulat ako ay wala naman akong kasama sa kwarto.
"Huh?" Napatingin ako sa suot ko. Nakapantulog na ako.
"He still cares for me." Napangiti ako.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Stefan.
"Gabi na pala. Matagal pala akong nakatulog. Nasaan na kaya siya?" Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya makita.
Wala siya sa library.
"Umalis na naman ba siya? Huh?" Narinig kong may dumating na sasakyan. Lumabas ako para tignan kung sino ang dumating.
At parang tumigil ang mundo ko sa nakita ko.
Bumaba sa kotse niya si Stefan. Pero hindi ito nag-iisa. May kasama siyang babae.