Chapter 9: Back to Manila

1383 Words
Stefan We are back here in Manila. And we decided to stay here, sa mansyon ni Dad. Gusto kasi ni Shane na bumawi at makasama si Daddy. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tawaging dad si Don Santiago. Because I'm not just his right hand anymore. I'm his son-in-law now. I saw how happy he is. Noong yakapin siya ng mahigpit ni Shane pagkarating namin dito. At mas masaya ako na makitang ayos na silang dalawa. My wife decided to forgive her dad. And she asks for forgiveness as well. Hinayaan ko muna silang dalawa na mag-bonding at mag-usap. Matagal na panahon silang nangulila sa isat-isa. Ako naman ay maraming kailangang harapin sa negosyo. Habang wala ako ay si Dad ang pansamantalang nag-asikaso sa mga operasyon ng grupo. Sa tulong ng kaibigan at kanang kamay ko na si Gunther. But now that I'm back, ako na ulit ang hahawak sa lahat ng operasyon ng grupo. At mukhang marami akong dapat na harapin. Isa na ang nalaman ng tao na inutusan kong mag-imbestiga sa nangyari sa pamilya ko noon. ***** "Ito ang mga listahan ng lahat ng lahat ng pasugalan na pinapakialaman ng kalaban natin." Inilapag ni Gunther ang isang envelop sa harapan ko. Kasalukuyan kami ngayong nasa conference room. I just got back. Pero mukhang marami akong kailangang harapin. "Ayaw ng father-in-law mo na abalahin ka pa tungkol dito. Gusto niya na lang pabayaan sana ang mga pasugalan at mag-focus na lang sa mga legal na negosyo. Pero inaalala niya rin ang mga tao na mapapahamak. Dahil sa mga ginagawa ng kalabang grupo," paliwanag pa ni Gunther sa akin. I'm looking intently at the envelop in front of me. I'm not yet seeing what's inside, but I already have an idea na marami ng pinakialamang teritoryo ang kalaban namin. I clenched my fist, and with greeting teeth, I said, "Talagang hinahamon nila tayo. Actually, I want to agree with dad now that he and Shane are okay, but hindi ko kayang basta na lang hayaang may mga taong mapahamak ng dahil sa grupong 'yon." "I guess, you have to talk to Don Santiago about it first. Mas uunahin niya ang kapakanan ng nakararami. Kaya siguradong pareho kayo ng pananaw tungkol dito," Gunther suggested. "Yes. But for now, gusto ko muna na sulitin nilang mag-ama ang oras na magkasama sila. Sooner or later, bubukod na kami ni Shane ng bahay. Kaya habang nasa mansyon pa kami ay hahayaan ko muna na magkaroon sila ng oras. Ang tagal nilang tinikis ang isat-isa. Ayokong mamoblema si Dad tungkol dito. Kaya tayo na lang munang dalawa ang umasikaso sa lahat." Binuksan ko ang envelop at kumunot ang noo nang may mabasa akong hindi inaasahan. "What's wrong?" nagtatakang tanong ni Gunther sa akin. Napatingin din ito sa papel na hawak ko. "Iba ang laman ng envelop." Sumulyap ako kay Gunther saka ko muling ibinalik ang atensyon sa papel na hawak ko. "Ha? Binasa ko pa yan kanina. Wait! Ano bang nakasulat diyan?" curious na tanong ni Gunther. Imbes na sagutin ang tanong nito, ay iniabot ko sa kaniya ang papel. "Ano'ng ibig sabihin nito? Hindi ito ang nakasulat sa laman ng envelop na nabasa ko kahapon. Sino ang may gawa nito? At totoo ba ang nakasulat dito? Alam mo ba ang tungkol dito?" sunod-sunod na tanong ni Gunther na ikina-iling ko. "Hindi ko alam, Gunther. Papuntahin mo rito si Theo. Siya ang inutusan kong mag-imbestiga tungkol sa nangyari sa pamilya ko noon," I said to him. Habang pilit ko'ng dina-digest ang nabasa ko. "You're not believing this sh*t, are you?" Gunther asked me. I shook my head at napapikit na hinilot ko, ang sintido ko. "I don't know what to think right now, Gunther. Gusto ko munang makausap si Theo." "Alright. I'm going to ask him to come here. But,dude, don't be impulsive, okay? "Promise me, na kung ano man ang malaman mo, ay susubukan mo pa rin na maging mahinahon," Gunther told me, saka ito tumayo. Tumango lang ako sa kaniya. Gunther left to call Theo. I can call him using my phone, but right now my mind seems to not be functioning. Sana hindi totoo. Sana mali ang iniisip ko. Pero noong makaharap ko si Theo at kumpirmahin nito ang lahat, ay parang gumuho ang mundo ko. "Hindi rin ako makapaniwala noong una, boss. Pero nang makaharap ko na sila ay lumuhod agad sila at nagmakaawa para sa buhay nila. Mahirap din para sa akin na paniwalaan na may kinalaman si Don Santiago sa pagkamatay ng pamilya mo noon. Hanggang ibigay nila sa akin ang kasulatang 'yan. Malaki ang utang ng tatay mo sa kaniya. At mukhang hindi siya nakakabayad. Kaya ginawa iyon ng mga dating tauhan ng Don para takutin ang mg magulang mo. Pero hindi raw nila akalain na lalaki ng ganoon ang apoy ng ganoon kabilis. Kaya agad silang pinagtago ng Don," mahabang paliwanag ni Theo. "Lumabas ka na. At walang ibang dapat makaalam nito. Kahit mga tauhan natin," utos ko. "Sige po, boss." Yumukod ito saka lumabas ng conference room. Pagkalabas ni Theo ay hindi ko na napigilan ang luha na kanina pa gustong pumatak sa mga mata ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. Ayaw kong maniwala sa mga nalaman ko. Pero sobrang linaw ng ebidensiya. "Aaaah!" Sinuntok ko ng malakas ang conference table. "Stefan!" Nag-aalalang nilapitan ako ni Gunther. "Nagdurugo ang kamay mo." Napatingin ako sa kamay ko na nakalapat pa sa mesang nagkaroon ng lamat. Umaagos ang dugo mula sa kamay ko. Pero hindi ko nararamdaman ang sakit. Dahil mas masakit ang nararamdaman kong sakit sa puso ko sa mga oras na ito. "Gusto kong makaharap ang mga dating tauhan na sinasabi ni Theo," sa nanginginig na boses ay wika ko kay Gunther. "Okay. I'll tell Theo to bring them to the safe house. Pero sa ngayon, kumalma ka, huh? At gamutin mo 'yang sugat mo. Baka ma-impeksyon." Tumango lang ako sa kaniya. Pero nanginginig pa rin ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hingi ma-digest ng utak ko ang mga nalaman ko. Umalis si Gunther para gawin ang pinagagawa ko. Hindi ko na halos namalayan na ilang oras na pala akong naroon. Halos matuyo na ang dugo sa kamay ko. Natauhan lang ako noong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko para tignan kung sino ang tumatawag. Wifey calling..... Napapikit ako. Siya ang naglagay ng pangalang ganiyan sa contacts ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing tatawag siya sa akin at mababasa ito. Pero ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bakit ngayon ko pa nalaman ang lahat ng ito? Bakit ngayon pa? Kung kailan nag-uumpisa na kaming maging masaya. Pinatay ko ang tawag. Pero tumawag lang siya ulit. Kaya pinatay ko na ng tuluyan ang phone ko. Natatakot ako sa maari kong magawa. Kaya napagdesisyunan ko na 'wag munang umuwi. Sa ngayon, mas makabubuti na hindi ko muna sila makaharap ng ama niya. Umuwi ako sa isa sa mga condo ko, na ako lang ang nakakaalam. Kinabukasan ay nagpunta ako sa safe house. Kung saan dinala nina Gunther ang mga dating tauhan ng organisasyon, na umamin na nanunog sa bahay namin noon. However, I pray that they will take back their words and admit that someone just made them tell me lies. Pero hindi nangyari 'yon. Kinumpirma lang lalo ng mga ito ang mga nalaman ko. At nagmakaawa sila na 'wag ko silang patayin. I was about to pull the trigger of my gun, but Gunther stopped me. "'Wag mong gawin 'yan, dude. Hindi matutuwa ang pamilya mo na makitang maging kriminal ka. Katulad ng mga pumatay sa kanila," Gunther told me. "Aaaaah!" Imbes na sa mga taong nakaluhod sa harapan ko ay inubos ko ang bala ng baril sa sofa na nasa likuran ng mga ito. Hinihingal na binigyan ko sila ng matalim na tingin. "Siguraduhin ninyo na hindi makakatakas ang mga 'yan." Tinalikuran ko na sila at nagsimulang humakbang palabas ng safe house. "Saan ka pupunta?" tanong ni Gunther. "I'm going to confront someone," I replied without looking at him. "Dude, don't do something na pwede mong pagsisihan sa huli," paalala pa ni Gunther. Hindi ko na siya sinagot. Instead, sumakay ako sa kotse ko para umuwi sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD