Stefan
Ilang araw pa ang lumipas. Ganoon pa rin kami ni Shane. Mas naging sweet pa nga siya sa akin. At mas ipinaramdam ko rin sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya.
Gusto kong masulit ang bawat araw na magkasama kami sa lugar na ito. Dito sa lugar na ito ko nakuha ang pagmamahal ni Shane na matagal ko ng pinakaaasam. Kaya napaka-espesyal na ng lugar na ito sa akin.
Pero kahit na gusto ni Dad na mag-focus lang ako kay Shane, ay hindi ko pa rin mapigilan na makialam sa negosyo. Lalo na ngayon na nagiging bayolente na ang mga kalaban. Hindi ko hahayaan na agrabyaduhin ng kalaban ang mga tauhan namin.
Idinayal ko ang cellphone number ng assistant ko. After three rings, ay sinagot na nito ang tawag ko.
"Hello?... Sir, napatawag po kayo? Ang kabilin-bilinan po ni Don Santiago ay 'wag namin kayong abalahin. Pasensya na kung tumawag po ako noong isang araw sa inyo," salaysay ng assistant ko mula sa kabilang linya.
"It's okay. I called just to ask you, Kung may balita na ba sa pinapahanap ko."
"Ang totoo po niyan may nalaman po ako. Pero plano ko po sanang sabihin kapag nakabalik na kayo rito sa Maynila," tugon nito na ikinakunot ng noo ko.
"I told you that whatever happens, you have to tell me, kapag may nalaman ka sa pinapahanap ko sa 'yo," I said in a controlled voice. Baka marinig na naman ako ni Shane. Mahirap na. Ayokong makita siyang masasaktan at umiiyak.
"Pasensya na po, sir," hinging paumanhin nito.
"Ano ang nalaman mo?"
Ramdam ko na nagdadalawang isip ito na sagutin ang tanong ko.
"Sabihin mo kung ano ang nalaman mo," I said in an authoritative tone.
"May tao akong nahanap na may alam sa nangyari sa pamilya mo noon, sir." When I heard that parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Napapikit ako at bumalik sa akin ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Ang araw na nawala sa akin ng sabay-sabay ang mga magulang at kapatid ko. Bata pa ako noon. Ang alam ko lang ay pinagkakautangan ni Papa ang nagpapatay sa kanila. Nakaligtas lang ako mula sa nasusunog naming bahay. Kung hindi bumalik si Kuya ay baka kasama ko siya ngayon. Dalawa sana kaming naghahanap ng katarungan sa nangyari sa pamilya namin.
Napahugot ako ng malalim na paghinga noong dumilat ako. Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang pagyakap ni Shane sa akin mula sa likod.
"Hey! What's the matter? Something wrong?" Shane asked me.
"Tatawagan na lang kita mamaya," paalam ko sa assistant ko. Saka ko tinapos ang tawag.
Hinarap ko si Shane at hinalikan ito sa labi. "Wala iyon. Don't mind it."
Sumimangot ito at ngumuso. "Mag-asawa tayo. I have the right to know everything about you, right?"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Say it again."
"Ano'ng uulitin ko?" Kunot ang noong tanong nito.
"'Yong sinabi mo na asawa kita. I want to hear it again." I cupped her face gently while looking straight into her eyes.
She smiled and said, "Asawa mo ako." After she said that ay siniil ko siya ng halik. Pero itinulak ako nito.
"Hey! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. What's the matter?" tanong ulit ni Shane sa akin. Wala ba akong choice kung hindi ang sumagot.
I took a deep breath before answering her question. "Alright. May pina-imbestigahan kasi ako sa tauhan ko. At ibinalita niya sa akin na may nalaman siya. Kaya kailangan kong bumalik sa Manila."
"Kung importante 'yan, sige umuwi tayo ng Manila." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito.
"Ayaw mo na ba rito? Ayaw mo na ba akong makasama?" Hindi ko naitago ang tampo sa boses ko.
"Of course not! Gusto kitang makasama hindi lang dito sa lugar na ito. Kung hindi sa buong buhay ko Stefan." Shane smiled at me. At siya naman ang sumapo sa mukha ko. "And I have a good news to you."
"Ano naman 'yon?"
"I have decided not to go back to New Zealand anymore. I will stay here for good. With you, Stefan." And that's melt my heart.
"Oh, Shane!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "You are making me so happy. Natatakot tuloy ako na baka hindi totoo ang lahat ng ito. Baka panaginip lang ito."
"No, Stefan. I realized, nga na matagal na pala kitang mahal hindi ba? Nabulagan lang ako ng sobrang selos ko sa 'yo at hinanakit ko kay Daddy. But not anymore. Mahal kita. At totoo iyon." Ginantihan din ako nito ng mahigpit na yakap.
Napapikit ako habang yakap ko si Shane. Gusto kong damhin ang mga sandaling ito. At ang mga salitang sinasambit niya. Ramdam ko ang sinseridad sa mga katagang iyon. Kaya alam ko na nagsasabi siya ng totoo.
"Mahal na mahal kita, Shane Marquez Fernandez." Inilayo ko siya sa akin para titigan. Then I cupped her face again and kissed her. Shane responded. That's why our kiss became intense.
Pareho naming ipinadama ang pagmamahal namin sa isat-isa sa halik na pinagsasaluhan namin. Kaya naman kapwa kami hinihingal nang kami ay maghiwalay.
"So, kailan tayo pupunta ng Manila?" Napataas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Shane.
"Excited?"
"Yes. Gusto kong surpresahin si Daddy. I want to let him know, na tinanggap na kita. Na mahal na rin kita." Then she smiled at me.
Napanganga naman ako sa kanya.
"What?" Natatawang untag sa akin ni Shane.
"Hinay-hinay naman sa pagpapakilig sa akin, Mrs. Fernandez. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko," anas ko.
"Bakit? Ano ba ang mangyayari kapag hindi mo napigilan ang sarili mo?" pilyang tanong nito sa akin.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Saka pabulong na sinabi na, "Baka angkinin kita rito sa balkonahe." And that's what made her laugh out loud. Nahampas pa ako nito sa dibdib.
"Grabe ka! Halos lahat ng parte nitong bahay nasubukan na natin. Baka naman buntis na ako pagbalik natin ng Manila."
"Hmm, much better. Siguradong mas matutuwa si Dad." Itinaas-baba ko pa ang mga kilay ko.
"Then let's do it. Wala naman sigurong makakakita sa atin 'di ba?" Mapang-akit na tanong nito habang hinihimas ang dibdib ko.
At iyon na ang pumutol sa pisi ng pagtitimpi ko. Siniil ko siya ng halik at saka pinaupo sa barandila ng balcony.