Chapter 7: Start of Something New

1145 Words
Stefan Pagkatapos naming pagsaluhan ang niluto ni Shane nang gabing iyon, ay hindi ako pumayag na hindi maibabalik ang favor sa kanya. Kaya naman, I made sure na mapaligaya ko siya bago kami matulog that night. And almost every day, ay naging ganon ang routine namin. Salitan kami sa pagluluto. Then we made love in almost every corner of the house. And there was a time, na si Shane, ang nag-i-initiate na gawin namin iyon. Napapangiti ako, imagines how lovely she is and cute at the same time. Lumingon siya sa akin, and she smiled at me. She's in the garden right now. Kung saan tanaw ko siya mula rito sa gazebo. Mahilig siyang mag-alaga ng mga halaman. And I'm sure na magiging maalagang ina rin siya sa mga magiging anak namin. That idea excites me. I want to see a small version of her. Nasa ganoon akong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. I got my phone from my pocket and saw one of our men calling. Salubong ang kilay na sinagot ko ang tawag. I told them not to disturb me. "Hello?... Ano'ng problema?" tanong ko sa nasa kabilang linya. "Boss, iyong kumakalaban sa atin pinagbabantaan ang buhay ng mga kliyente natin. May mga tauhan din tayong ipinagulpi nila at pinagbantaan ang buhay," sumbong ng isa sa tauhan namin. Naikuyom ko ang kamao ko. Ayoko na sanang gawin ito pero kailangan. "Sabihan mo ang mga tauhan natin. Ipaligpit mo na ang mga 'yan—" "Sino'ng pinaliligpit mo?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Shane. Tinapos ko ang tawag at ibinulsa ang cellphone ko. "Stefan, inuutusan ka rin ba ni Dad na pumatay ng tao?" Maluha-luha ang mga matang tanong nito sa akin. "No! Of course not." Mabilis na tanggi ko. Sinapo ko ang mukha niya at pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata niya gamit ang mga daliri ko. "Si Daddy ba ang nagtulak sa 'yo para gumawa ng masasama?" Tuluyan ng umagos ang mga luha sa mga mata nito. "Hey! Don't cry. You're dad is not like that, Shane. He is not a bad person. Siya ang pinakamabuting tao na nakilala ko. Don't hate him, okay?" Napailing ito sa sinabi ko at napangiti ng mapait. "Mabuti ka pa kilala mo siya. Ako hindi. Kasi hindi ko naman siya nakakasama ng madalas. Mas may oras pa siya sa mga pasugalan niya kaysa sa akin." Ramdam ko sa mga salita niya ang sama ng loob niya sa daddy niya. "Siguro nga malaki ang pagkukulang niya sa 'yo. Pero ayaw ka lang niyang mapahamak. Kaya inilalayo ka niya sa kanya. Dahil mapanganib sa mundong ginagalawan namin. Marami kaming kalaban. Mapapahamak ka kapag hindi ka inilayo ng daddy mo. Pero hindi rin mas importante sa kanya ang negosyo. Hindi dahil lang sa pera kaya siya nanatili sa ganoong negosyo. It's because of, marami ang umaasa sa organisasyon. Maraming buhay ang naililigtas ng organisasyon mula sa mga mapagsamantalang sindikato, Shane. Alam mo naman na may mga legal ding negosyo si Dad hindi ba? At iyon ang mga inilalaan niya para sa 'yo. Pero dahil sa mga taong umaasa, hindi namin pwedeng bitawan ang organisasyon." Mahabang paliwanag ko sa kanya. "Thanks for enlightening me. Pero paano kung balikan kayo ng mga kalaban ninyo?" May takot sa mga mata na tanong ni Shane. "Handa kami sa kanila. Hindi nila kami kaya. 'Wag kang mag-alala." I smiled at her. Pero inirapan niya ako saka ng pahid ng basang pisngi. "Hindi ka super human, Stefan. Tao ka lang. Paano kung mapahamak ka?" Nanginig na naman ang labi nito. Papaiyak na naman. Kaya niyakap ko siya. "Hindi mangyayari 'yon. Iingatan ko ang sarili ko. Kasi ngayon pa lang natupad ang pangarap ko." Nag-angat siya ng mukha dahil sa sinabi ko. "Ano'ng pangarap naman 'yon?" "Na mahalin mo ako. O, baka nangangarap lang ako. Baka panaginip lang 'to. Baka napipilitan ka lang. Kasi stranded ka rito kasama ako." Napanguso siya sa sinabi ko. "The truth is, I realized that, maybe may lugar ka na rito sa puso ko noon pa. My hatred for you simply made me blind. Kasi nagseselos ako sa 'yo. Dahil mas itinuring ka pang anak ni Daddy kesa sa 'kin. Kaya mas nangibabaw, 'yong galit ko sa 'yo. And being stranded here in this place made me admit to myself what I truly felt towards you." She smiled at me. And that smile made my heart flutter. "So, inaamin mo na ngayon na mahal mo talaga ako noon pa?" Hindi ko mapigilang ngumiti ng abot tenga. Lalo na nang tumango siya. She is about to say something, pero hindi niya na iyon naituloy. Dahil siniil ko na siya ng halik sa labi. She kissed me back. And we ended up sharing an intimate moment there in our gazebo. Hindi pa kami nakontento. We also made love in our room. It's as if we can't get enough of each other. Siguro dahil ngayon ay pareho na kami ng nararamdaman. I nuzzled her neck and kissed it. Isinubsob ko roon ang mukha ko habang nakapulupot sa bewang niya ang mga braso ko. "Hmm... Stefan, I have to get up. Magluluto pa ako ng dinner natin." "No. Just rest. Oorder na lang ako ng pagkain natin, okay?" "Okay. By the way, kumusta si Dad? Kinukumusta niya ba ako? O, pinaubaya niya na ako sa 'yo ng tuluyan?" I looked at her. At nakita ko na nakanguso siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na halikan siya. "Stop pouting. Your tempting me to kiss you," I told her. Napangiti naman siya. "Stefan, ha. Enough. Wala na akong lakas." "Don't worry. Bukas naman," biro ko sa kanya. Sabay kindat. "Stefan!" Nahampas niya ako sa dibdib. "Para makabuo agad tayo. Siguradong matutuwa si Dad, kapag sinabi natin sa kanya na magkakaapo na siya." "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," reklamo nito. "Don't worry. Dad is okay. At masaya siya na malaman na okay na tayong dalawa. Kampante na raw siya na nasa mabuting kamay ka. At sigurado na raw na magkakaroon siya ng mgaganda at gwapong, apo." Naiikot niya ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Concieted! But it's true." Nagkatawanan kami. "Hmm... Ilan ba ang gusto mong maging anak natin?" This time siya naman ang nakayakap sa akin. "Gusto ko sana marami. Pero kung ilan lang ang ibigay sa 'tin, okay na sa akin 'yon. At saka ayaw din kitang mahirapan. For sure may mga gusto ka pa ring gawin. Hindi kita pipigilan na gawin 'yon." I kissed her forehead. "Thank you. And I'm sorry for judging you, Stefan." "Let's just forget the past and start a new life together, okay?" "Okay." Sinilip ko ang mukha niya at nakita ko na nakapikit siya. Napangiti na lang ako. This is the view I want to see every day. Pero hindi ko inaasahan ang unos na parating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD