NASA Cafeteria kami ngayon ng Central University kung saan meron itong maraming Courses, at meron din Junior at Senior highschool.
Abala kami sa aming research, dahil malapit na ang deadline namin.
“ Sandali at bibili lang muna ako ng maiinom natin.” Sabi ko sa kanila.
“ Ano gusto nyo?” tanong ko sa kanila.
“ Orange juice!” Sabi ni Agnes na pukos parin sa harap ng laptop.
“ Ano sa'yo, Lea?” Tanong ko dito, busy sa kausap nito sa cellphone.
“ Ahm!...Same!.. Orange juice din sa akin!” Sabay tawa.
Napa- angat ng ulo si Agnes at tumingin lang sa akin. At namilog ng mata dahil kay Lea kaya ningitian ko na lamang sya at umalis na para bumili ng maiinom namin.
Sa aming magkakaibigan ay palaging walang pukos sa pag- aaral si Lea.
Kami ni Agnes ang syang nagbibigay ng 99 percent para matapos namin ang aming research.
Nang mabili ko na ang ang orange juice ay bumili din ako ng sandwich namin tatlo.
Nang pabalik na ako ay bigla na lang ako nabangga kaya tumilapon ang mga dala kong Orange juice at sandwich.
Tumilapon ito sa sahig.
“ Bwesit!.... Sigaw ng babae na nakaharap sa akin.
Nabasa kasi ng Juice ang damit nya.
“ Wala ka bang mga mata?” Galit nitong sigaw
Nataranta ako kaya kumuha ako ng panyo ko at iyun ang pinahid ko sa Damit nya.
“ Wag mo ng dagdagan pa, alam mo bang ang mahal ng suot kong damit!” Sigaw nya.
Lumapit naman ang mga kaibigan ko.
“ Miss. Sorry di ko sinasadya!”
“ Di mo ba ako kilala? ” Pasigaw n'yang tanong sa akin.
“ Tse!... Apo ako ng may- ari ng eskwelahan na to!” Dagdag pa nya.
“ Miss, di naman sinasadya ng kaibigan namin ang nangyari!” Pagtatanggol sa akin ni Agnes.
“ Tumahimik ka.. at sino ka para sumabad sa amin dito? ” Tanong nya.
“ Kaibigan nya kami, Miss.. at isa pa.. kita ko ang nangyari! No!” Sabi naman ni Lea.
“ IKAW ang bumangga sa kanya!” Pagdidiin ni Lea sa babae.
“ Argh!” Nakapamaywang na ang babae at tumingin ng masama sa amin.
“ Stella!... ” Napalingon kami sa lalaki na tumawag sa babae.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa kanya.
“ Anong nangyari? ” Tanong nito sa babae na tinawag n'yang Stella.
“ Edward!.. binuhusan nya ako ng Orange juice!” Pagdadabog pa nito sa lalaking lumapit sa amin.
Kumapit bigla ang mga kaibigan ko sa akin.
Alam ko, ang mga ganyang nila dahil kahit ako ay magtitili na, dahil sa napakagwapo ng lalaking itong nasa harap namin.
Mala- Richard Gutierez ang pagmumukha nya.. at mukhang nasa 25 years old na ito at naka business attire.
“ Tignan mo, ang suot ko... May mantsa na!” Pagrereklamo nya sa kasama.
“ Nakahingi na ba kayo ng sorry kay Stella?” tanong nya sa amin.
Kaya tumango-tango ako sa kanya.
“ Halika kana, naka- hingi na sila ng Sorry, nagmamadali na ako... hinihintay na tayo ni lola!” Pagkasabi nito ay umalis na sa harap namin.. at naiwan si Stella na nakasimangot pa
“ Tandaan mo ang pagmumukha kong ito... Babae ka, kapag nakita kita, malilingtikan ka sa akin!” Umalis na ito sa harap namin at nagmamadaling sumunod sa lalaking papalabas na ng cafeteria.
Sinundan namin ito ng tingin.
Naunang sumakay si Edward ng sasakyan at sumunod naman si Stella na padabog pang sumakay ng kotse.
“ Grabi naman babaeng iyun!” Sabi ni Lea na kinatango naman ni Agnes.
Pinagdadampot ko naman ang mga baso na nabasag dahil sa pagbangga sa akin.
Lumapit naman ang janitor sa amin at tinulungan ako.
Nang matapos na ay Bumalik kami sa kinauupuan namin.
“ Wow!...di pala basta- basta ang babaeng iyun!” Sabi ni Agnes sabay pakita ng kanyang cellphone.
“ Apo pala sya ng may- ari ng eskwelahan ito.. at ang pinsan naman nya na si Edward Villa Flores ay isa sa mga tagapagmana ng ASM Company.
“ Wow!” Napanga- nga kami sa mga nabasa namin.
“ Para lang silang mga ordinaryong tao no!” Nasabi ko sa kanila.
Na tinignan na lamang nila ako, kaya napangiti na lamang ako sa kanila.
“ Tama na!, At kailangan na natin tapusin ang ginagawa natin to!” Biglang sabi ni Agnes kaya bumalik na kami sa ginagawa namin.
Nang mag hapon ay may klase kami pumasok na kami sa Classroom namin.
“ Hai!, Salamat naman at natapos na ang history!” Sabi ko at agad naman tumabi sa akin ang dalawa kong kaibigan.
“ Hyacinth, napaka gwapo ng Edward na iyun no!” Biglang napahawak ng puso si Lea at parang tinamaan pa ng pana sa dibdib.
“ Kaso di tayo ka level nun, ang yayaman ng mga taong iyun!” Sabi naman ni Agnes.
Sa amin magkakaibigan si Agnes ang seryoso, at si Lea naman ang kwela sa amin.
Bigla na lang nag ring ang Cellphone ni lea.
Na kaagad n'yang sinagot ang tawag at kilig na kilig pa ito.
“ Yes!.. Babe!” Kinikilig pa ito habang kinakausap ang nobyo n'yang si Dexter.
Sa kabilang room lang naman ang nobyo nya.
Tumayo ako at lumapit sa bintana kung saan, makikita ang Building ng ASM Company.
Nasa siyam na palapag kami. Mahilig kasi ako tumingin sa paligid at nakakawala ng stress sa pag- aaral namin.
Mamaya pa kami uuwi, dahil gagawin pa namin ang research namin.
Kahit pa unti- unti ay matatapos na namin ito.
Required kasi ito at di kami makaka- graduate ng senior highschool kapag di namin natapos ang research namin.
Mga two hours pa, bago mag 6 ay umuwi na kami.
Magkasabay kaming bumababa sa building at kasama na namin si Dexter na nobyo ni lea.
Magkahawak kamay ang mga ito habang nagkukulitan. Kami naman ni Agnes ay nagkukwentuhan tungkol sa research namin.
Sa isang jeep lang kami sumakay, kaya lang ay ako naman ang s'yang malayo ang uuwian.
Nauna ng bumababa ang tatlo at naiwan ako.
Malayo pa kasi ang bahay ko sa kanila at ng makita ko na ang building ng ASM ay bumababa na ako.
Nasa kabila ng daan ang bahay namin.
Nang tumawid na ako sa daan ay kaunting lakad lang ay nasa bungad na ako ng karenderya.
Bukas pa ito at maraming mga tao ang bumibili ng ulam.
Pumasok na ako at nakita ko si Mama na s'yang nagbabantay sa kaha.
“ Ma!” Nagmano ako sa kanya. At tumingin sa paligid. Nagba-ba sakali na makita si Karl.. at magiging kumpleto na ang araw ko.
Kaya lang ay gabi na, baka umuwi na iyun.
Hanggang sa 5 ng hapon lang naman ang mga nagtatrabaho sa ASM Company.
Kaya panigurado ay umuwi na iyun.
“ Anak, tawagin mo na ang mga kapatid mo at kumain na kayo!” Sabi ni Mama.
“ Opo, Ma!” Nakangiti kong sabi.
Pumasok na ako sa isang kwarto kung saan ito iyun amin, maliit na sala at may hagdan na syang papunta sa second floor namin.
Naalala ko pa nga noon ng una namin dumating dito sa boarding house ay simpleng bahay lang.
Inayos ni Papa at Mama ang bahay
Para gawin Karenderya sa ibaba. Dahil marunong naman magluto sina Papa at Mama.
Na hanggang ngayon ay s'yang aming pinagkukunan ng pera. Kaya lang ay tumatanda na sina Papa at Mama.