l
UMAKYAT na ako sa itaas at tinawag ang mga kapatid ko para bumaba na para kumain ng panghapunan.
Nadatnan ko si Kaira na gumagawa ng assignment nya.
“ Kaira, Bumababa na kayo ni Kuya Aaron at maghahapunan na!”
Ka-agad akong nagbihis ng damit at pinuntahan si Kuya Aaron sa kabilang kwarto.
Napakatahimik ng kwarto nya.
“ Kuya Aaron!.... Kuya!” Tawag ko sabay katok ng kanyang pinto.
“ Nandyan na!” Sagot nya sa akin kaya bumalik ako sa kwarto.
Nakita ko si Kaira na tinitiklop na ang mga libro nya at sabay kaming bumababa.
Naglakad kami papunta sa kainan at nakita ko si Mama na naglalagay na ng pinggan sa Mesa.
Tinulungan namin sya na maglagay ng mga pinggan.
“ Pa!... Ang bango! Bango naman niyan pa!” Sigaw ni Kuya Aaron habang pababa sa hagdan.
Lumabas na si Papa at bitbit ang niluto n'yang aAdobong atay ng manok.
“ Wow!.... Ang bango- bango naman iyan Papa!” Natatakam na si Kaira sa adobong atay ng manok, nilagyan nya rin ito ng itlog.
“ Kain na tayo mga anak!” Natatawang sabi ni Mama dahil sinisinghot na namin ang amoy ng adobong atay.
Naglagay din si Mama ng mga manggang hinog na.
Sarado na ang karenderya namin.
Kaya kaming lima na lang ang nasa loob ng karenderya.
Umupo na kami sa mesa. Hinawakan na ni Mama ang kamay ni Papa.
Naghawak kamay kami ng mga kapatid ko at nagsimula na ang panalangin namin.
Di kami nagsisimula kumain kapag kulang kami sa Mesa.
“ Ma!, Si Engr Tsu, nag pa add po sya ng lechon baboy!” Sabi ni Kuya kay Mama na tumango-tango lang.
“ Kamusta naman ang research nyo, Hyacinth?” Tanong ni Papa sa akin.
“ Okay lang, po at malapit na namin matapos.. kanina nga po sa Cafeteria ay may babaeng nakabangga ko... Apo pala ng may- ari ng school!” Pag kwento ko sa kanila.
“ Meron po kasi akong dalang tray at may laman orange juice at sandwich. kaya lang ay nabangga ko sya at nabuhusan ng orange juice!” Dagdag ko pa.
“ Kaya ayun nagalit sa akin!”
“ Humingi ka ba ng sorry sa kanya?” tanong ni Papa sa akin. Tumango ako kay Papa.
“ Wag mo ng isipin iyan at kumain kana!” Kaya tumango ulit ako kay Papa.
Nilagyan pa ni Papa ng isang piraso ng atay ng manok ang pinggan ko.
“ Hala, at kumain na kayo!” Masayang sabi ni Papa na nakatingin kay Mama na nakangiti din.
Masayang kumain kami ng hapunan.
-------------------
Sa Mansion ng mga Villa Flores.
Maraming mga tao ang dumalo sa kaarawan ni Doña Divina Villa Flores. Sa kanyang ika 85 years.
“ Ma'am Divina!... Nandito na po sina Tito Emmanuel at Stella!” Pabulong na sabi ni Karl sa matanda.
“ Karl, ilang ulit ko ng sinasabi sa'yo na Lola Divina, ang tawag mo sa'kin, kapag nasa bahay tayo!” Malumanay na sabi ni Doña Divina kay Karl.
“ Yes.. po Lola!” Nakangiting sagot ni Karl sa matanda.
Maya- maya ay may isang lalaking lumapit kay Doña Divina.
“ Mama, pasensya kana at nahuli kami ng dating!” Sabi ng kanyang manugang na si Emmanuel V. Santiago.
“ Asan na si Stella ” Tanong ni Doña Divina.
“ Parating na sya, Mama! alam mo naman iyun.. ilang ulit magpalit ng damit hanggang sa magustuhan na nya ang susuotin damit.” Sagot ni Emmanuel.
Tumango na lamang ang matanda.
Napakagara ng suot ni Doña Divina, at napupuno ng mga mamahaling alahas ang buong katawan ng Doña.
Nasa malaking mesa ito at naka-upo.
“ Lola!” Bati ng kanyang apo na si Stella.
Nagmano at humalik sa kanyang pisngi ang apo.
“ Oh, asan naman si Edward?” Tanong ng Doña.
“ Nasa kwarto po ni Tita Alleyn!” Sagot ni Stella.
“ Uhmm!.. ganoon ba!.. mabuti naman at napuntahan nya ang kanyang ina” Malungkot na wika ni Doña Divina.
Wala pang kalahating oras ay nakita nya ang nurse na bumababab ng hagdan at papalapit sa kanya.
Bumulong ito sa kanya.
“ Ma'am!, Gumalaw po ang mga kamay nya!” Mahinang bulong ng nurse sa kanya.
Napatayo sya sa kinauupuan nya at dali- dali itong naglakad paitaas.
Kinakabahan at unti- unting pumapatak ang mga luha ng matandang Doña.
Pumunta ito sa isang napakalaking kwarto kung saan meron hospital bed, at may mga aparatos na nakakabit sa babae.
Nasa tabi nito si Edward na hawak ang kamay ng Ina.
“ Lola.. Gumalaw ang kamay ni Mama!” Naluluhang sabi ni Edward.
Ngayon na lamang nakita ng Doña na umiyak ang apo sa harap nito.
Lumapit si Doña Divina sa tabi ni Alleyn at hinawakan ang kamay nito.
Kahit na manugang nya ito ay itinuturing nya itong anak.
Dahil ito ang asawa ng kanyang namayapang anak na si Hael. Ang kanyang nag-iisang anak na lalaki at tunay na anak.
Ampon nya lamang si Rose na asawa ni Emmanuel na ina ni Stella.
“ Alleryn!, ” Naiiyak na sambit ni Doña Divina at hinawakan ang mga kamay ni Alleyn.
“ Mahigit labing dalawang taong kanang natutulog.. Salamat sa Diyos at unti- unti ka na nyang ginigising sa mahaba mong pagkakatulog.” Dagdag pa ng Doña.
“ Wag kang mag- alala at hinahanap namin si Allison Marie.. Di kami nawawala ng pag- asa at mahahanap namin ang anak mo!” Naiiyak na sambit ng Doña.
Hinawakan ni Doña Divina ang mga kamay ni Edward.
“ Makikita natin ang kapatid mo!” Naiiyak na sambit ng Doña sa apo.
“ Lola!... Naiiyak na sambit ni Edward.
Nasa ganoon sila position ng umakyat sina Stella at Karl kasama si Emmanuel. Na pinagpapawisan habang nakikita si Alleyn na nakahiga sa kama.
_____________
Sa bahay ng mga Samonte.
Masayang nagkukwentuhan ang magkakapatid habang naghuhugas ng mga pinggan si Hyacinth.
Si Kaira naman ay nagpupunas ng mga lamesa at upuan.
“ Ate!.. napunasan ko na ang mga lamesa at upuan.” Sabi ni Kaira. Kinuha nya ang apron at isinuot ito.
“ Wag na!... Magpahinga kana!.. ” Sabi ko sa kanya.
“ Ate!... Naman ang daming mga pinggan huhugasin mo..” Sabi pa nya kaya wala na akong nagawa, dahil marami nga naman ang huhugasin ko.
Nang matapos na ay tinignan namin ulit ang karenderya kung nakapatay na ang mga ilaw at ang electric Fan.
Bago kami umakyat sa itaas.