ARAW ng linggo, nagising ako mga alas 3 nang umaga para tumulong kila Mama.
Sarado kami tuwing linggo kaya lang ay may catering service kami ngayon linggo.
Bumaba na ako sa kama at nagpunta sa banyo, para maghilamos ng mukha.
Nang makapagbihis na ako ng damit ay agad akong bumaba at pumunta sa karenderya.
Palaging naunang nagigising si Kaira kaysa sa'kin.
Nang bumaba na ako ay malakas na ang tugtog ng radio. Kahit kulang pa ako sa tulog ay nagigising ako sa magandang tugtog ng music.
“ Kuya Aaron, pwede bang pakikuha ng baboy sa lababo!” Narinig ko ang sabi ni Kaira kay Kuya Aaron.
Naghihiwa na ang mga kapatid ng mga gulay at baboy.
Kumuha na ako ng apron at isinuot.
“ Ilang na po ang naluto nyo Ma? ” Tanong ko kay Mama na nagluluto.
“ Marami na, kanina pang mga ala una, ay gising na kami ng Papa mo!”
“ Puntahan mo nga Papa mo sa likod at pakitignan kung handa na ang oling nya para sa lechon!”
Tumango-tango ako kay Mama.
Lumabas ako sa bahay at pumunta sa likod kung saan doon nagluluto si Papa ng lechon baboy.
Dalawang baboy pala ang lulutuin nya.
Kasama naman nya si Tito Ben kapag ganito at maraming niluluto.
“ Pa, Handa na po ba ang oling nyo?" Tanong ko kay Papa.
“ Oo, nak!” Nakangiting sabi ni Papa.
Tumango-tango naman ako.
“ Pa, gusto nyo kape?” Tanong ko kay Papa.
“ Oo, dalawa ang gawin mo, ang isa kay Tito mo Ben!”
Kaya bumalik na ako sa loob at gumawa na ng kape nila.
Lumabas na ako ng bahay at bitbit ang dalawang basong kape na tinipla ko.
Naisalang na pala ni Papa ang dalawang baboy.
“ Pa, kape nyo po!” Sabay abot ng kape sa kanilang dalawa ni Tito Ben.
“ Babalik na po ako sa loob!” Paalam ko kay Papa.
“ Sabihan mo si Mama mo na, ihanda na nya ang mga pagkain na daldalhin kila Mr. Tsu.”
“ Yes!... Pa!”
Bumalik ako sa loob at tinulungan sina Mama sa pagluluto ng mga pagkain.
Ako ang taga gisa ng mga lulutuin ni Mama, at sya ang taga timpla.
Marami pa kaming niluluto, hanggang sa magliliwanag na ay kaunti na lang ang lulutuin ni Mama at malapit na kaming natapos.
“ Kaira!... Ibaba mo na ang mga telang dadalhin kila Mr. Tsu.” Sigaw ni Mama kay Kaira na nasa itaas.
Bumababa si Kaira at nagtanong kay Mama kung anong kulay ang dadalhin.
“ White and gold, pati na rin ang chair cover mga 100 pcs ang dalhin mo!” Sabi ni Mama.
“ Aaron, ilagay mo na sa loob ng sasakyan ang mga upuan at lamesa.” Sigaw ni Mama.
“ Okay! na Ma,... Kanina ko pa nailagay!” Sigaw ni Kuya Aaron.
“ Lahat na ba ayos na...” tanong ni Mama sa akin.
“ Oo, Ma! Ayos na ang lahat ang ulam na lang at ang lechon ang kulang!” Sagot ko kay Mama na kinatango nya.
“ Mga anak, magbihis na kayo para ihatid na ang mga pagkain kila, Mr Tsu!” Sabi ni Papa na kinatango namin lahat.
Agad akong umakyat sa itaas at naligo. Wala pang 15 minutes ay natapos na akong maligo at nagbihis ng damit.
Nang matapos ay kaagad akong bumababa.
Naglalagay na si Mama ng mga pagkain sa chipping dish na malalaki.
Kaya tinulungan ko si Mama na isalin ang mga pagkain at nilagyan ng takip.
“ Ma, si Kuya Aaron asan?” Tanong ko kay Mama.
Habang dinadala na namin ang mga chipping dish sa loob ng sasakyan.
“ Nagbibihis pa ang Kuya mo!” Sumakay kana sa harap at dadalhin na ang mga ito kay Mr. Tsu.” Malapit ng matapos si Mama at ang huli na nilang nilagay ay ang lechon baboy.
“ Pa, ang susi po!” Tanong ni Kuya Aaron kay Papa.
“ Ito.” Sabay bigay kay Kuya Aaron ng susi.
“ Ma, sa harap ka na lang... Sa likod ako uupo!” Sabi ko kay Mama na aakyat na sana sa likod.
“ Baka mahirapan ka sa paghawak ng mga chipping dish.” Pag-alalang tanong ni Mama.
“ Ma, ilang taon na natin ginagawa iyan.. Ma!” Natatawa kong sagot kay Mama.
“ Dalaga kana Hyacinth, at ayoko na mahirapan ka sa paghahawak ng mga chipping dish.. at ako ay matanda na, kaya okay lang sa kin na ako lang ang hahawak ng mga chipping dish sa loob.”
“ Ma, kahit na dalaga na ako, ay di ko kinahihiya ang trabaho na pagpapakain at nagpapaaral sa akin!” Sabay abot ng kamay ni Mama at dinala ko na sya sa harap ng sasakyan.
Si Kuya ang nag da- drive at si Mama sa harap na naka-upo.
Nasa likod kami ni Kaira at ni Papa.
Hawak ko ang mga chipping dish, dahil umaalog- alog bawat tigil ng sasakyan at kung lubak- lubak ang daan.
Mahigit isang oras ang byahe namin papunta kay Mr. Tsu.
Di pala basta-basta si Mr. Tsu. Dahil malaki ang bakuran nya at napakalaki din ng bahay nya.
Di lang pala kaming Catering service ang kinuha nya.
Dahil meron pa itong kinuha na dalawa pang Catering Services.
Nang dumating kami ay agad kaming naglatag ng lamesa at nilagyan ko ng tela at nag table skirting na ako.
Sa ilang taon na pag Catering Services namin ay ako ang nag skirting ng mga lamesa na nilalagyan ng pagkain.
Nang matapos na akong mag skirting ay nilabas na ni Papa at Kuya ang mga pagkain para i display sa lamesa.
“ Nak, tignan mo nga kung meron pang chipping dish sa loob ng mini truck.” Tanong ni Papa.
“ Okay, Pa!” Sagot ko at naglakad na papunta sa mini truck.
Binuksan ko ang truck at tinignan kung meron pang naiwan chipping dish.
Isasara ko na sana ang pinto dahil wala naman naiwan, Kaya lang ay nabigla ako at may lalaking nasa tabi ko.
“ Ay!... ” Napasigaw ako dahil natatakpan pala ang lalaki ng pinto kaya di ko kaagad nakita.
“ Gosh!...Ang gwapo ng lalaking ito.” Bulong ko sa sarili.
Habang nakaharap sa akin at ngumiti ito.
Kaya napangiti din ako.
“ Hai!” Sabi nya at kumaway pa sa akin.
“ Anong pangalan mo Miss?” Tanong nya sa akin.
“ Hya... Hyacinth!” Na-uutal kong sagot.
“ Gosh!... Ang gwapo nya!” Nagtitili na ako ng tahimik at gusto ko ng lumundag- lundag pa.
“ Ang galing mo palang mag- skirting No!” Tanong nya uli.
“ Ah!.... Oo, nasanayan ko na kasi!” Sabi ko sa kanya.
“ Uhmmm!.. mabuti naman at kinuha kayo ni Papa para mag catering dito sa amin.” Sabi nya.
“ Anak ka ni Mr. Tsu?” Ulit kong tanong sa kanya.
“ Oo, anak nya ako.... Bunso sa tatlong magkakapatid!” Sagot ng lalaking nasa tabi ko.
“ Uhmmm!... Leon!” Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita.
“ Oh!... Kuya Edward, Salamat at nakapunta kayo dito!..” Sabi ng lalaking kausap ko sa lalaking nakita ko noon sa Cafeteria.
Si Edward Villa Flores na apo ng may-ari ng school namin.