Chapter 5. Bahay Ampunan

1341 Words
Sa Mansion ng Villa Flores Edward POV.... Nang matapos ang Birthday party ni lola Divina ay agad nya akong kinausap tungkol kay Allison. Nasa kwarto ako ni Mama Alleyn . “ Sir Edward! Tinatawag kayo ni Ma'am Divina sa kanyang opisina.” Napatango na lamang ako habang hinahawakan ang kamay ni Mama. Lumabas na ako ng pinto at pumunta sa opisina ni lola. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay sa pinto. Wala pang 10 seconds ay nagsalita na si Lola. “ Pasok... Apo!..” Kaya binuksan ko ang pinto at pumasok sa opisina ni Lola. “ La!” Tawag ko sa kanya habang nakikita ko syang busy sa mga ginagawa nya. “ Kailangan na natin mahanap ang kapatid mo sa madaling panahon!” Paunang bungad sa akin ni lola. “ Ilang gabi na akong dinadalaw ng aking anak sa panaginip ko.” Pag-alalang sambit ni Lola. “ Mahabang panahon, natulog ang ina mo, na s'yang nakaligtas sa aksidenteng nangyari sa kanila.” Naluluhang sambit ni lola Divina, habang naka-upo ito sa office chair. “ Gagawin ko ang lahat lola, pinapangako ko sa ina namin!” Seryoso kong sagot at tumanggo ito sabay pahid ng kanyang luha. Habang umiiyak ang Doña ay napatingin si Edward sa larawan na nakasabit sa dingding. Naroon ang kanyang pamilya na masaya at nakangiti. Ngayon ay ang kanyang ina ay na comma dahil sa aksidente, ang kanyang Papa na anak ng kanyang Lola Divina ay namatay. At ang kanyang nawawalang kapatid na hanggang ngayon ay wala pa silang update. Walang natagpuan katawan ng bata sa aksidente kaya malakas ang aming hinala na buhay pa ang kapatid ko. Ilang taon na rin nila pina- pa imbestigahan ang kaso ng kanyang ina. Pero mahirap matukoy kung sino ang salarin at kung saan na ang kapatid nya. Madilim at umuulan ng mangyari ang aksidenti, wala pang mga cctv ng mga panahon iyun. Lumabas sya sa opisina ng kanyang lola. At bumalik sa kwarto ng kanyang inang natutulog ng matagal na ng panahon. “ Pinapangako ko sa'yo, Mama!.. hahanapin ko si Allison! Kahit sa anong paraan. Sa loob ng labing- dalawang taon, Mama!.. Marami na ang nangyari sa mundo.” Impit n'yang bulong kasabay ng kanyang pagluha. Hinawakan nya ang kamay ng kanyang ina. “ Pinapangako ko sa'yo! Mama... Hahanapin ko ang kapatid ko!” Naiiyak nitong wika. Dito na natulog sa kwarto ng kanyang ina si Edward. Ilang araw ang lumipas ay na- inbentahan ang pamilyang Villa Flores na pumunta sa bahay ng mga Tsu. Dahil ang inang si Alleyn ay adopted ng mga Tsu. Pero isa din Chinese si Mama na iniwan sa pamilya Tsu. Sila ang nagpalaki at nag- aruga kay Mama na itinuring nila itong tunay na anak ng mga Tsu. Ngunit namatay na ang mga magulang na s'yang nagturing kay Mama na isang tunay na anak, May isang kapatid si Mama iyun ay si Tito Zing Tsu. Na s'yang tunay na anak, na tinatawag namin na Mr. Tsu. Mahigit 30% ang hawak nitong stock sa ASM Company at ang 70% ay sa aming lola Divina. At doon na nakilala ni Mama si Papa Hael Villa Flores na nag-iisang anak ni Lola Divina. May isang adopted si Lola Divina, iyun ay ang asawa ni Tito Emmanuel na si Tita Rose. Matagal ng patay si Tita Rose at naiwan si Stella sa pangangalaga ni Tito Emmanuel. Bago naging mayaman si lola Divina ay isa lamang syang batang lumaki sa bahay Ampunan. Walang magulang at walang umanpon sa kanya. Kaya pinagtatrabuhuan nya ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos ito ng pag-aaral at nagkaroon ng trabaho si lola Divina at doon nya nakilala at napangasawa si lolo Egnacio Villa Flores. Isang ordinaryong tao na naninirahan dito sa bayan ng Sigarao. Tinayo nila ang ASM Company mula sa kanilang pawis at pagsasakripisyo. Hanggang sa dumami at lumaki ang ASM Company at nakapagpatayo ng eskwelahan. Kaya ng yumaman na si lola Divina ay Bumabalik ito sa bahay ampunan at patuloy na tumutulong sa mga batang wala ng mga magulang. Doon nya inampon si Tita Rose at pina-aral at binigyan ng magandang buhay. Marami syang natulungan sa Bahay Ampunan dahil duon din sya galing at nararamdaman nya ang mga batang walang pamilyang kinalakihan. Kaya tinutulungan nya ang mga bata sa bahay Ampunan at pina- paaral. Para magkaroon ng magandang buhay. Tinatahak na namin ang bayan ni Mama Alleyn kung saan ito lumaki. Noon wala pang aksidenting nangyari ay palagi kaming nagpupunta sa bayan ni Mama Nakikipaglaro kami ni Allison sa mga pinsan namin. Kaya lang ng ma- aksidenti sina Mama ay di na ako nakakapunta sa kanila. Kaya ngayon ay pupunta ako sa kanila dahil kaarawan ng Pinsan ko. Kaya kasama ko si Karl na pumunta kila Mr. Tsu. “ Sir Edward... bakit di sumama si Ma'am Divina?” Tanong ni Karl sa akin. “ Malayo kasi ang Santa, Bulacan sa bayan ng Sigarao. At tiyak na magrereklamo lang si lola na masakit ang pwet nya! At Karl wala na tayo sa opisina at isa ka ng Villa Flores, kaya huwag ka ng Sir na sir sa akin!” Pangaral ko sa kanya. “ Nandito na tayo sa Santa. Bulacan. ” mahina kong sabi. Mahigit isang oras din ang byahe namin, kaya di na sumama pa, si lola dahil sasakit ang pwet nya sa kakaupo sa sasakyan. Nang nakapasok na ang sasakyan ko sa napakalawak nilang lupain. Ay bigla kong naalala ang mga panahon maliit pa kami, palagi kaming pumupunta ng mga magulang ko, kasama ang kapatid kong si Allison. Nagtatakbuhan kami sa damuhan at nagpapalipad ng sarangula.” Napangiti na lamang ako habang tinitignan ang napakalawak nilang lupain. Tinatahak na namin ni Karl ang papunta sa Mansion ng mga Tsu. Nang makarating na kami sa garahe ng mga Tsu ay pina park ko na ang kotse. Maraming mga sasakyan ang nandito, kaya siguradong marami din bisita ni Mr. Tsu. At bago pa ako bumaba ay nakita ko si leon na may kinakausap na isang babae. Karl Pov..... Kasama ko ngayon si Edward na apo ni lola Divina. Ang taas ng tingin ko kay Kuya Edward, dahil sa kanila ay nakapagtapos ako ng pag-aaral at mayroon trabaho sa ASM Company. Naalala ko dati nun nasa bahay ampunan ako ay nakikita ko si Kuya Edward na bumubuntot kay lola Divina. Nagbibigay kasi sila ng mga regalo sa amin mga batang nasa Bahay Ampunan. Naging kaibigan ko si Kuya Edward, lagi nya akong binibigyan ng mga laruan at pagkain. Kaya ng umuwi na sila ay umiiyak ako dahil iiwan na nila ako ni Kuya Edward. Ngunit binalikan ako ni Lola Divina at ngumiti ito sa akin. “ Anong pangalan mo?” Tanong nya sa akin. “ Lola, Sya po si Karl!” Si Kuya Edward ang sumagot sa tanong ni Lola Divina na dapat ako ang sasagot. “ Gusto mo bang sumama sa'min?” Nakangiting tanong ni Lola Divina sa akin. Kaya ngumiti din ako sa kanya bago tumango-tango sa tanong nya. At iyun ang araw na nagbago ang buhay ko. “ Kuya Edward!.... Sana ay huwag knag magalit kung tatanong ako tungkol sa kapatid mo!” “ Bakit naman ako magagalit!” “ Ginagalang ko ang pamilyang Villa Flores kaya hihingi ako ng permiso sa'yo na magtanong tungkol sa kanya. “ Anong tanong mo!” “ Mga ilang taon na si Allison ? Tanong ko sa kanya. “ Lagpas, 18 years old na sya..” Mahinang sabi ni Kuya Edward. “ Uhmmm!, Iyun lang ang tanong ko sa'yo Kuya Edward. Sana ay makita na natin si Allison?” Mahina kong sabi. “ Naniniwala ako na makikita ko ang kapatid ko, Karl!” Seryosong sagot ni Kuya Edward. “ Nandito na tayo sa Santa, Bulacan.” Mahinang sabi ni Kuya Edward. Narating na namin ang Santa, Bulacan Nadadaanan namin ang napakalawak na lupain. Hanggang sa narating namin ang mansion ng mga Tsu. Maraming mga sasakyan ang naka park sa Parking area. At nauna nang bumaba si Kuya Edward sa sasakyan. Nakita ko syang lumapit ito sa isang babae nakatalikod at kausap si Leon na pinsan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD