Hyacinth POV....
“ LEON, kamusta kana!... ” Tanong ni Sir Edward kay Sir Leon.
“ Okay lang ako Kuya,” Sagot ni Sir Leon.
“ Si Tita Alleyn kamusta sya may pagbabago ba?” Tanong ni Leon.
“ Pag-usapan natin iyan, tara samahan mo ako pumunta sa loob!” Sabi ni Edward sabay akbay nito sa lalaking kausap ko.
“ Hyacinth!... Mauna na ako sa loob!” Nakangiting sabi ni leon.
“ Uhm!..” Tumango - tango lang ako dahil napakabait pala ng mga Tsu.
“ Parang di mayaman, umasta ang pamilyang Tsu!... Mapakumbaba at mabait naman itong si Leon.. kahit mayaman!” Bulong ko sa sarili ko.
Naglakad na silang dalawa at tinitignan ko na lang silang dalawa.
“ Hyacinth!” Sabay tapik sa balikat ko.
“ Ay!” Bigla ko na lang nasabi at natawa sya sa akin.
“ Sir Karl!, Bat kayo nandito?” Tanong ko kay Sir Karl na tumatawa pa.
“ Ah!...Sinamahan ko lang ang apo ni Ma'am Divina!” Sagot nya sa akin.
“ Ah!” Maikli kong sagot.
“ Teka! Bat ka nandito?” Tanong din nya sa akin.
“ Kinuha kami ni Mr Tsu para mag Catering dito.” Sagot ko sa kanya.
“ Masarap kasi magluto ang mga magulang mo, kaya kinuha kayo ni Mr. Tsu.” Sabi nya.
Kaya mas nagiging proud ako sa mga magulang ko, Dahil di lang sila masipag at mapagmahal sa amin.
Kundi magaling at masarap silang magluto ng mga pagkain na binabalikan ng mga taong nakatikim ng mga niluto nila.
Bigla na lang naputol ang pag-uusap namin ni Karl ng tawagin ako ni Kaira.
“ Hyacinth!.... Tawag sa akin ni Kaira at lumapit ito.
“ Hinahanap ka ni Papa, kanina ka pa nya inutusan pero di ka agad nakabalik!” Sabi nya na napatapal ako ng ulo.
“ Oh, ano? meron pa bang naiwan sa loob?” Tanong nya sa akin.
“ Wala ng laman!” Sagot ko kay Kaira na ngayon ko lang napansin na nakatingin ito kay Karl.
“ Uhmm!” Bigla kong hinawakan ang kamay ni Kaira.
“ Karl, mauna na kami at hinahanap na kami ni Papa!” Paalam ko kay Karl.
“ Teka!, Sandali sabay na lang ako sa inyo, at papasok naman ako sa loob!” Sabi ni Karl.
Sabay na kaming pumasok sa venue at nag- umpisa na ang birthday celebration.
Nakatayo si Mr. Tsu sa stage at nagsasalita sa mga bisita, katabi nya ang tatlo n'yang mga anak.
Pumunta naman si Leon sa kilid ng stage kung saan doon nakalagay ang kanyang birthday cake.
Nagsimula ang kantang Happy birthday at ng matapos ay hinipan na nya ang cake.
“ Wow!... Napa Wow! Nalang ako habang nakatingin kay leon.
Meron itong napakalaking customized na cake.
“ Happy birthday, leon!” Sabi ni Mr. Tsu at pinalakpakan nya ang kanyang anak.
Ika 21 Year's na pala nya, kaya hinandaan ng bongga ng kanyang Daddy.
Lumapit sa akin si Kaira, at bumulong.
“ Ate!... Nang debut ka, noong nakaraan buwan, tamang dalawang layers ng Cake ang sa'yo, pero itong isa... Wow!” Bulong nya sa akin.
Napangiti na lang ako sa kapatid ko.
“ Ano ka ba, okay na sa akin ang dalawang layer ng cake, ang iba nga dyan,ay walang handa sa kanilang debut.
Ma swerte nga tayo sa mga magulang natin, kahit papaano ay nabibigay nila ang mga kailangan natin.
Masaya na ako, sa handa nila Mama para sa akin.” Paliwanang ko sa kapatid ko.
Na kinatango-tango pa nya.
Ngayon ay nagsasalita si Mr. Tsu kinukwento nya ang kabataan ni Leon.
Hanggang sa matapos na ang kanyang kwento.
“Mag enjoy kayo sa mga inihanda kong pagkain!” Sabi ni Mr. Tsu at nagsimula ng tumayo ang mga bisita.
“ Mabait naman si Mr. Tsu.” Bulong ko sa sarili at tinitignan sya.
Lumapit na sila sa amin at kumuha na ng pinggan at nilalagyan na lang namin sila ng mga pagkain na gusto nila.
“ Hyacinth!... Anak, kumain kana?” Tanong ni Mama habang nasa tabi ko Nasa likod kami ng mga pagkain at sumasandok para lagyang ang mga bisita na hawak ang kanilang pinggan.
“ Di pa Ma!” Sagot ko kay Mama.
“ Pagwala ng tao ay kumain ka na ha, Ayain mo si Kaira na kumain!” Sabi ni Mama na kinatango ko.
Lumapit sa akin si leon at nakangiti sabay lahad nya ng pinggan walang laman.
“ Menudo po, Sir? ” tanong ko sa kanya.
“ Di sa'yo iyan pinggan na iyan, kumain ka na?” tanong nya sa kin.
“ Mamaya pa ako kakain, Sir!” Sagot ko sa kanya.
Kahit maraming tao ay ang kumukuha ng mga pagkain ay nagkikipagkwentuhan kami.
Nakasuot ako ng masks dahil required ito kapag nasa harap ka ng pagkain.
Para iwas talsik ng laway kapag nagsasalita .
“ Hyacinth, wag mo na akong tawagin Sir..”
Lumapit naman si Sir Edward sa amin dalawa.
“ Leon, Puntahan mo muna at kausapin si Karl nasa lamesa iniwan ko!”
Tinignan naman sya ni leon na nakasimangot pa.
Naglakad na si Leon pabalik sa lamesa kung saan naroon si Karl.
Naiwan si Edward sa harap ko at inilahad ang pinggan walang laman.
“ Sir, mamaya pa po ako kakain!” Sabi ko sa kanya.
Dahil ganyan ang ginawa ni Leon kanina.
“ Anong mamaya kang kakain? ” litong tanong nya sa kin.
“ Bigyan mo ako ng lumpia Shanghai at Cordon bleu!” Pagsusungit nito.
“ Ay, Sorry Sir... Akala ko ay ibibigay nyo sa akin ang pinggan.” Nahihiya kong sabi.
Agad kong nilagyan ng Cordon bleu at lumpia Shanghai ang pinggan ni Sir Edward.
Umalis ito kaagad at bumalik sa mesa kung saan nanduon si Sir Karl at Sir leon.
“ Nakakahiya!.... Si Sir leon kasi, ” Pagsisisi ko habang nakayuko.
Wala na kasing tao sa harap ko.
“ Hyacinth, Kaira kumain muna kayo at wala ng tao, mamaya pa ang Kuya Aaron nyo!” Utos ni Mama, kaya kumuha na kami ni Kaira ng pinggan.
“ Ate, Anong gusto mo?” tanong ni Kaira.
“ Akin na ang pinggan nyo!” Utos ni Mama.
“ Ma, kunti lang ha!” Kaagad kong sabi sa kanya.
Nilagyan nya kami ng ibat-ibang putahe at kanin.
“ Ubusin nyo iyan, para tumaba naman kayo!” Sabi ni Mama na kinatawa namin.
Si Papa naman ay tinatawag kami kaya lumapit kami sa kanya
Binigyan nya kami ng balat ng lechon.“
“Wow!.... Ang paburito namin.. ” Bulalas ni Kaira.
“ Nagtago na ako ng balat ng lechon para sa inyong dalawa!” Natatawang sabi ni Papa.
“ Hala at kumain na kayo!” Nakangiting sabi ni Papa.
Kaya pumunta na kami sa lamesa na walang tao at doon kami kumain ni Kaira.
“ Ate!.... Basta si Papa ang nagluto ng lechon baboy ay napakasarap talaga!” Nagsasalita itong puno ang bibig kaya binigyan ko kaagad ng tubig.
“ Wag kang masyadong magsalita at maraming laman ang bibig mo!" Pangaral ko sa kanya.
Para naman wala tayong karenderya. At Catering Services, eh no!” Pagbabara ko sa kanya.
“ Ate, naman ganyang talaga ako kapag na Co- conscious”
“ Conscious saan ” Tanong ko sa kanya.
“ Panay tingin nina Sir leon, at Sir Karl dito sa atin!” Kinikilig nitong sabi, kaya natawa ko.
Kaya tinignan ko sila at tama nga sinabi ng kapatid ko.
Nakita ko silang nakatingin sa amin.
At biglang iwas ang mga ito ng tinignan ko sila.
“ Ate, Tanong lang... Bat ba sa ating magkakapatid, iba ka?” Tanong ni Kaira.
Na kinuot ng noo ko.
“ Anong iba?" tanong ko sa kanya.
“ Ikaw ang puti- puti mo, tapos mukha kang Chinese, pero Cute na Chinese...at ang tangos ng ilong mo!” Pagtatakang tanong nya sa akin.
“ Eh, kami ni Kuya Aaron, Uhmm!... Sakto lang ang tangos ng ilong namin, at di mukhang Chinese!” Natatawang sabi ni Kaira.
“ Alam mo, Kaira ang sabi ni Mama ay pinaglihi nya ako sa Favorite nyang artista na Chinese kaya siguro nag mukha akong Chinese....” Paliwanang ko sa kapatid ko.