NANG matapos na ang Birthday Party ay nagsimula na kaming maghakot ng mga gamit namin.
Ang mga wala ng laman na chipping dish ay pinagtitipon ko.
Si Papa at Kuya naman ay nagliligpit ng mga chair cover at upuan na dinala namin dito.
Si Mama ay syang naman nakikipag-usap kila Mr. Tsu sa kanilang remaining balance.
Ilang minuto din kami ni Kaira na kumukuha ng mga yano na nakakabit sa mga ginawa kong table skirting.
Mas madali ang mag table skirting kasya ang alisin ito sa tela.
Sumasakit ang mga daliri ko sa pagkuha ng mga yano.
Mabuti na lang at kasama ko si Kaira, kaya nagkukwentuhan kami.
“ Ate, panay tingin nila dito sa tin!” kinikilig pa si Kaira habang nakatingin sa kinauupuan ng tatlong lalaki.
“ Wag kang magpahalata dyan!” Saway ko sa kanya.
Kahit ako ay na te- tense na dahil isa dyan kasi ang Crush ko.
“ Kaira!.... Halika ka muna dito!” Tawag ni Mama kay Kaira.
Tumayo na naman si Kaira at naglakad papunta sa kay Mama, tutulungan nya itong dalhin ang mga ibang gamit sa sasakyan.
Nang umalis na si Kaira ay nasa kalahati na ako sa pagkuha ng yano sa ginawa kong skirting.
Nang marinig kong may nagsalita sa likod ko.
“ Hai!.. Hyacinth ” Sabi ni Sir Leon.
Kaya hinarap ko ito at ngumiti sa kanya.
“ Yes!....” Sagot ko sa kanya.
“ Pwede bang makahingi ng Cellphone # mo?" Tanong ni Leon sa akin kaya bigla akong namula at nahiya.
Kahit na marami ng humihingi ng cellphone # ko ay di ko ito basta binibigay lang.
Kaya di ako kaagad nagsalita ng biglang lumapit si Sir Edward sa amin at nagsalita.
“ Leon, baka magalit sa'yo si Yvonne! ” Na nakatingin pa sakin.
“ Ah... Hahaha!” Napakamot ng ulo si leon habang nakangisi at umalis na lamang.
“ Wag kang magpapaloko kay Leon!” Seryosong sabi nito at umalis na sa harap ko at sinundan si Leon.
Di ko alam nasa likod ko na pala si Kaira at bigla nya ako tinanong.
“ Hyacinth!... Anong sinabi ni Sir leon sa'yo?” tanong ni Kaira sa kin.
“ Hinihingi nya cellphone # ko.” Sagot ko sa kanya.
“ Talaga, Ate!.. ibinigay mo?” Tanong nya sa akin.
“ Di ko ibinigay.” Pagkasabi ko ay tumalikod na ako at bumalik sa ginagawa ko. At sya naman ay ina- ayos ang mga chipping dish na wala ng laman.
“ Ate!... Ang gwapo at yaman... Di mo ibinigay ang cellphone # mo!” Nadidismayang sabi ni Kaira.
“ Wag ka ngang ganyan mag-isip, ano naman kung mayaman at gwapo sya.. di porket ganoon sya ay kaagad ko ng ibibigay ang cellphone # ko!” Pangaral ko sa kanya.
“ Di ako ganyang, Kaira... Alam mo iyan.. magkakapatid tayo at kilala na ang isat-Isa, Kaya nakakadismaya na hindi mo parin ako kilala!” Inis kong sabi.
lumapit si Mama sa amin at may dalang coke.
“ Hyacinth, bakit mukha kang aburido?” tanong ni Mama.
“ Wala po, Ma!” Pagsisinungaling ko kay Mama.
“ Nga pala, mga anak, ang sabi ni Mr. Tsu baka susunod na buwan daw ay kukunin nya ulit tayo. Dahil birthday nya!” Masayang sabi ni Mama.
“ Malaki- laki ang ibinayad ni Mr Tsu, satin at may malaking tip pa!” Dagdag pa ni Mama.
“ Talaga, Ma!...” Sabay kami ni Kaira nagsalita.
“ Oo, mga anak kaya bilisan nyo at umuwi na tayo.. para makapagpahinga na kayo at bukas ay may klase na kayo!” Sabi at umalis na.
Nagmadali naman kami sa aming pagkilos.
Marami ng mga gamit namin ang dinala na sa sasakyan.
Gabi na ng matapos na kami sa paghahakot ng mga gamit at naka ready na kaming umalis para umuwi.
“ Aaron, Kaira, Hyacinth!....Sa loob na kayo sumakay at kami na lang ng Mama nyo ang nasa harap!” Utos ni Papa kaya sumakay na kami sa likod.
At si Papa na ang drive ng sasakyan katabi si Mama.
Habang nasa byahe na kami ay nakatulog na si Kuya Aaron.
At kami ni Kaira ay nagkukwentuhan tungkol sa kanina.
“ Ate!..... Sa tatlong lalaki kanina.. sino ang Crush mo?” Bulong na tanong ni Kaira.
“ Sinong tatlo? Pagmaang- maagan ko pa.
“ Sina leon, at Edward!” Kinikilig pang n'yang tanong.
Ngumingiti na lang ako habang nakapikit ang mata.
Dahil nga sa maaga pa kaming nagising at sa dami ng ginawa namin ay gusto ko ng matulog.
Kaya lang ay makulit itong Kapatid ko at tanong ng tanong.
“ Sa kanilang tatlo, si .........”
“ Si ......” Sinusunod na ni Kaira ang sinasabi ko.
“ Sino nga Ate?” Inis na nya at pilit akong pinasasagot sa kanyang tanong.
Sabay hawak ng braso at niyuyog kahit nakapikit ako.
“ Si........ ” Hanggang si na lang ang nasabi ko sa kanya.
Dinilat pa nya ang mata ko.
“ Ate sino nga?” Tanong nya uli.
Kaya natawa ako sa kanya.
May pagka isip bata talaga si Kaira, kahit na magkalapit lang ang aming edad.
Bunso kasi.
“ Ate, sige na!..Sino?” tanong nya uli.
“ Okay ito na, sasabihin ko na, Si Karl !” Mahina kong sabi.
“ Ate si KARL?” Bulalas nya.
Kaya tinakpan ko ang bibig nya at sinabihan tumahimik at natutulog si Kuya Aaron.
Kahit nagbubulungan kami tungkol sa mga ganyang ay hindi nakikialam si Kuya Aaron.
Tahimik lang ito pero kapag alam n'yang ikakasama namin ay agad itong ma re react at sasawayin kami.
“ Bakit, Crush mo rin sya?” Pabalik kong tanong sa kanya.
“ Uhmm!..... Di ate!” Matamlay n'yang sagot.
Kaya alam ko na ang ganoon sagot nya.
“ Kaira.. crush mo rin ba si Karl? ” Tanong ko sa kanya.
“ Sagutin mo ako ng totoo?” Dagdag ko pa.
“ Uhmmm.. oo, crush ko sya.. Ate!” Mahina nyang sagot.
“ Alam mo Kaira... Crush.. is paghanga..kaya kung crush mo si Karl.. go.... Di ba nga pareho naman tayo nag ca crush kay Justin Bieber noon. Kaya okay lang kahit pareho tayo ngayon may crush kay Karl.
Pero kapag ang crush mo ay may girlfriend na.. tanggapin natin na hanggang doon na lang.. ha!.... Wag lalimam ang crush.. baka sa huli ay ikaw lang ang masasaktan!” Sabi ko sa kanya.
Pero sa totoo lang baka sa huli ang mga sinasabi ko sa kapatid ko ay baka kakainin ko lang din.
Dahil kapag nakikita ko si Karl ang lakas ng t***k ng puso ko para sa kanya.
Tumahimik sya at pumikit ng mata.
Natulog kami buong byahe.
“ Mga anak, gising na kayo at nandito na tayo!” Sabi ni Mama na kumukuha na ng mga gamit para dalhin sa loob ng bahay.
Lumabas na kami ng sasakyan at kumuha din ng mga gamit na dadalhin sa loob ng bahay, Si Kuya at Papa naman ay mga lamesa ang binubuhat para ibalik sa loob.
Hanggang sa maubos na namin ang mga gamit sa loob ng sasakyan.
Nasa loob na kami ng bahay at ina- ayos ang mga gamit.
Mga 10 na ng gabi kami natapos sa mga pag-aayos ng mga gamit. Kaya ng natapos ay subrang napagod kami.
Sa Mansion ng mga Tsu...
Nag-iinuman sina leon, Karl at Edward.
“ leon, Kailan ang balik ni Yvonne? Tanong ni Edward sa kanyang pinsan na imiinom ng alak.
“ Ang tagal na nya sa bansang Canada.” Dagdag pa ni Edward.
“ Malapit na!... Baka sa susunod na buwan ay uuwi na sya!” sagot ni Leon sabay lagay ng alak sa mesa.
“ Dalawang taon, napakatagal ng panahon inilagi nya doon!” Sabi ni Leon sabay kuha ng alak.
“ Mabuti nga at napipigilan mo ang sarili mo makikipaglandian sa iba!” Sabi ni Karl na tumatawa pa.
“ Eh... Ikaw pare sinagot ka na ba ng babaeng Crush mo?” Tanong ni Leon.
“ Naghihintay lang ako ng tamang panahon!” Natatawang sagot ni Karl.
“ Eh, ikaw Kuya Edward, Kailan ka magkaka Girlfriend?” Tanong ni leon kay Edward.
“ Wala pa akong balak magkaroon ng Girlfriend hangga't di ko pa nakikita ang kapatid ko.” Bulong ni Edward sa kanyang sarili.
“ Wala akong oras sa mga ganyan!” Sabi ni Edward na kaagad umiinom ng alak.
Lumapit ang mag- asawang Tsu sa Tatlo.
“ Oh!... Mga iho... Ano kuha ko ulit kayo maiinom nyo?" Tanong ni Mr. Tsu sa tatlo.
“ Edward, kamusta ang Mama mo?” Tanong ni Mrs. Tsu sa kanyang pamangkin.
“ Okay naman po sya ... Tita Lim.” Sagot ni Edward.
Umupo din sa tabi nila sa Mrs. Tsu. Mahiyain si Mrs. Tsu kaya kanina ay di sya makita dahil nasa loob lang ito ng bahay.
“ Sana ay magising na ang Mama mo, at makita nya kung gaano ka kabait at mapagmahal na anak!” Malumanay na sagot ni Mrs. Tsu.
Noong na aksidenti si Mama ay isa si Mrs Tsu ang nag-alaga sa akin.
Palagi itong pumupunta sa bahay, para tignan ako.