Chapter One
"YES, 'Ma.." nakabusangot kong sagot sa Mama ko na nasa kabilang linya.
"H'wag kang magpapalipas ng gutom.. si Mamita ay nagsumbong uli." Batid ko ang pagkadisgusto ni Mama sa ginagawa ko.
Lagi akong nalilipasan ng gutom dahil minsan ay tinatamad akong kumain o 'di kaya ay busy ako sa panonood at nagagawa kong kalimutan mananghalian.
"Okay." ayon lang ang nasagot ko.
"Magpakabait ka d'yan."
"'Ma, mabait naman ako. Hindi ako naglalakwatsa, pwera nalang kung walang pasok o stress ako pero mas madalas na tamad akong lumabas kaya wala kayong ipag-aalala.." sabi ko. Hindi ko maiwasang mag-ikot ng mata.
"Oh, siya, sige. Mamaya ay tatawag kami sa'yo pagkauwi ng Papa at ng mga kuya mo.."
Napabuntong hininga ako, "Ge lang po.."
"Bye, 'nak! I love you.."
"Sige na, 'Ma. Inaantok na ako." Sabi ko at agad ko naman ng binaba ang tawag.
Napatitig ako sa screen ng cellphone ko. Hindi ko maiwasang matawa ng mapakla.
Ang saya nila doon, ah? Wala 'man lang bang silang balak kunin ako?
Pabagsak 'kong inihiga ang katawan ko sa kama at naluluhang napatitig sa kisame ng kwarto ko. Ilang taon na pero ito pa din ako, nasasaktan at naghihinakit sa pamilya ko.
Ano ba naman magagawa ko? Parents at mga kuya ko lang ang may gusto sa'kin.
Sampung taong gulang ako nang mag-migrate ang mga magulang at kapatid ko papuntang america, kinuha sila ng Lola ko, nanay ng tatay ko at mga kapatid ng tatay ko. Sina mama at ang mga kuya ko lang ang kinuha nila, hindi nila ako sinama. Alam ko ang dahilan kung bakit hindi nila ako sinama. Gusto man maiwan ni mama dito ay hindi na niya magawa dahil may malaking oportunidad na naghihintay sa kanya at hindi rin siya papayagan ni Papa na maiwan, bagamat gusto rin ni Papa ang ideya na may makasama ako rito isa sa kanila.
It's not my fault, but why I suffered?
Nakatulog ako ng gabing 'yon at maaga rin nagising para sa pagpasok sa school. College na ako, forth year college. Makakapagtapos na rin at hindi ko maiwasan ma-excite dahil sa wakas, may maipagmamalaki na ako sa mga taong 'yon.
Naligo at nagbihis na rin ako bago ako pumunta ng kusina. Naamoy ko agad ang mabangong sinangag ni Mamita— Lola ko, nanay ni mama.
Simula ng nag-migrate ang family ko sa america, si Mamita na ang nakakasama ko dito sa bahay namin simula ng 10 years old palang ako. Siya rin ang nakasama ko sa graduation ko ng elementary, no'ng highschool ay siya rin ang kasama ko pero kasama na sina Mama at Papa maging mga kuya ko pero dalawang araw lang sila nanatili sa pilipinas at bumalik na agad sa america.
At mula noon ay hindi na sila nakauwi uli. Panay tawag o video call nalang kami. Hindi naman nila ako pinapabayaan sa financial, madalas silang magpasok ng pera sa bangko ko, 3 beses sa isang linggo. Iba pa 'yong binibigay nilang pang tuition, allowance at pang-gastos sa bahay.
Dahil magaling ako mag-ipon, naiipon ko ang natitira sa allowance ko at 'yon ang pinang gagastos ko sa mga luho ko. Minsan ko lang galawin 'yong nasa bangko ko kapag bibigyan ko ng grocery ang bestfriend ko na si Riley at ang tatlo niyang kapatid.
"Good morning, Mami." bati ko sa lola ko at yinakap siya.
"Kumain ka ng bata ka at baka mahuli ka sa klase mo.." anang ni mamita at inilapag sa hapagkainan namin ang sinangag at ang tirang ulam kagabi na pinainit ngayon.
Kumain na ako at pagkatapos ay muli akong bumalik sa banyo sa kwarto upang magsipilyo.
I texted my bestfriend, Riley, to tell her that I'm on my way to our school. Agad akong nakatanggap ng tawag na papasok na din sila ng kapatid niyang si Matt-Matt.
Naglakad ako sa building ng department namin na nakataas ang noo. Hindi ko maiwasang mapangiwi ng makarinig ng mga sipol mula sa mga lalaki.
"Sexy mo talaga, Mhia!" anang ng lalaking hindi ko kilala.
"What a beautiful legs!"
"Threesome tayo, Mhia!" anila at nagtawanan.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Hindi ko alam kung paano nila nalaman 'yong gano'n— I mean.. gusto ko talaga na dalawang lalaki ang makasama ko at kay Riley ko 'yon sinabi pero I'm sure hindi siya nagkalat no'n dahil aminado akong medyo malakas ang bibig ko.
I don't know when it started, nahilig ako sa pagbabasa ng story na may kinalaman sa dalawang lalaki at isang babae. I always imagined myself being sandwich by two hot men. Hindi ko pa nararanasan 'yon. May parte sa sistema ko na gusto kong gawin 'yon, may parte naman din sa'kin na natatakot kaya hanggang ngayon ay hanggang imagine at panonood nalang nagagawa ko.
Watching pórnography is one of my hobby..
Simula ata nagkaroon ng broadband noon ay 'yun ang isa sa mga nalaman ko. You can watch adult video using the internet.
Riley knows that. Lagi kong naiku-kwento sa kanya kung ano ang mga napapanood ko— but she is not like me, mas inosente siya at kapag nagku-kwento pa ako ay siya pa ang nahihiya kahit dalawa lang kami ang nakakarinig. Sinusuway niya rin ako sa panonood ko ng ganoong klaseng video, aniya ay hindi maganda sa isang babae 'yong gano'n. Alam ko naman, hindi ko naman inaaraw-araw ang panonood— let's just say mga 3 times a week.
Ngumiti ako sa mga ka-block ko na bumati sa'kin. I'm friendly, alright. Marami akong kakilala sa school kaya kahit naglalakad ako sa hallway ay may bumabati sa'kin.
Ilang saglit lang ay dumating na si Riley. Minsan talaga iniisip ko, anghel siguro 'tong kaibigan ko. Tuwing papasok kasi siya ay parang nagliliwanag siya and she always smiles. Marami nagkakagusto sa kanya at hindi niya alam 'yon, maraming gustong pumorma pero agad kong hinaharang 'yon— ako ang taga-sala kung sino ang pwede sa kanya at ang lahat na nagbabalak ay hindi na pasado sa'kin.
Masyadong inosente ang kaibigan ko at ayaw kong samantalahin ng mga lalaki 'yon. Nabibilang sa daliri nalang ang mga lalaking mababait, 'yong hindi nanamantala.
Ang kaibigan ko ay isang ulirang kapatid. Apat silang magkakapatid, mas bata na ang mga sumunod. Siya ang kumakayod kahit naman may perang iniwan ang yumaong parents niya.
"Hi!" bati ko, nakangiti.
"Hello.." mahinhin niyang bati.
Umupo siya katabi kong upuan tsaka naghikab.
"Anong oras ka nakauwi?" tanong ko.
She's a working student. Student sa morning, cashier sa afternoon and waitress sa night. Masyado siyang masipag kaya 'yon din ang hinahanggan ko sa kanya.
"Ala una na.." sagot niya sa inaantok na boses, "Ikaw? Tumawag ba parents mo?"
Napabuntong hininga ako. Alam niya na tuwing gabi tumatawag ang parents ko at mga kapatid ko.
Tumango ako, "Oo. Same lang naman ang tinatanong nila." Nagkibit balikat ako.
"Uuwi na ba daw sila?" tanong niya na ikinailing ko.
"Wala silang sinabi.."
"Baka surprise?"
Umiling ako, "Ayokong umasa.. tsaka, mukha naman silang balak umuwi. Maganda ang buhay na nila doon at I'm sure hindi papayag lola ko na umuwi sila dahil sa'kin.."
Birthdays ko ay si mamita lang nakakasama ko at ang mga pinsan ko sa side ni mama. Wala sila ng magdalaga ako, puro padala ng pera at video call lang ang nagagawa nila sa'kin. Dahil do'n ay namuo ang hinanakit ko sa kanila na dapat ay hindi naman.
They left me here.. alone..
Dumating na ang professor namin. Nakinig at nagsulat ako ng notes.
"Papasok ka mamaya sa work mo, baks?" tanong ko kay Riley ng nasa canteen na kami para sa 30 minute break namin.
"Hmm. Sayang ang isang araw na sahod kung hindi ako papasok.." aniya.
Napanguso ako, "You know, I can help you naman diba?"
"Mhia, sa'yo 'yang pera. Pinaghirapan ng parents mo 'yang perang binibigay sa'yo.." turan niya.
"Hindi ko naman nagagalaw 'yon. Might as well itulong ko nalang sa inyo?" I suggested.
"Thank you but no thanks, Mhia.." tanggi niya.
"Bili nalang tayo ng groceries niyo? Kahit 'yon nalang tsaka para rin kay bulinggit at Dj.." saad ko. 'Yong sinasabi kong bulinggit ay 'yong limang taong bunsong kapatid niya.
Nagbuntong hininga nalang siya sabay tango— walang nagawa.
Kaya nang mag-uwian kami, kasama si Matthew ay nagpunta kami ng grocery store para mamili ng kailangan nila.
"Mhia, last na 'to, ah? Hindi na kami magpapalibre sa'yo ng groceries.." saad ni Riley na nasa tabi ko.
Si Matthew ang nagtutulak ng malaking cart at ako ang naglalagay ng mga posibleng kailangan nila sa bahay.
"Oo na! Ano naman kasi gagawin ko sa naipon na panuhol nila sa'kin? Wala! Kaya hayaan ko na pakinabangan ko naman 'to sa inyo." Sagot ko.
Masyadong mabait ang magkakapatid at mahiyain pa!
"Tama si Ate, Ate Mhia. Nakakahiya naman kasi. Tsaka, baka malaman ng family mo." Anang ni Matthew.
Napaismid ako, "Who cares? Wala silang pakialam kung saan ko gagastusin ang pera na bigay nila. Mangialam sila kung pinangbibisyo ko 'yon!"
Napabuntong hininga nalang ang magkapatid at hindi na nagkumento.
Dahil marami akong pinamili ay nagkulang ang isang cart kaya kumuha kami ng isa pa para sa iba pa nilang kailangan. Bumili ako ng dalawang kaban ng bigas, karne ng baboy, baka at manok. Mga pangangailangan pagluluto, mga delata at kung ano-ano pa.
Binilan ko din ng gatas ang dalawang nakakabata nilang kapatid na sina Dj at Isaiah Evan or Isivan kung tawagin namin. Binilan ko din ng pagkain na pu-pwede kay Dj. Hindi kasi siya pwede sa mga pagkain na basta-basta dahil sa kalagayan niya.
I also bought toys for Isivan and school supplies na pwedeng nilang gamitin dalawa ni Dj.
"Sobrang dami na nito, Mhia." Si Riley habang nasa counter kami para magbayad.
Napanguso ako, "Kulang pa nga 'yan."
"Anong kulang? It's fifth-teen grocery plastics already. Napakadami na niyan para sa'min."
Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na sumagot.
Sa totoo niyan, sa kanila ko lang naranasan na may kapatid. Her siblings treat me as their older sister too.
Pinagtaxi ko na din sila at binigyan ng pamasahe na ayaw pa nilang tanggapin pero napilit ko. Ang dahilan ko ay para hindi na nila magastos ang budget nila ngayong linggo.
Alas-tres na nang makauwi ako. Sinalubong naman ako kaagad ni Mamita na agad naman akong nag-mano.
"Kumusta ang araw?" tanong ni Mamita.
"Good." Pagod kong sagot at naupo sa sofa sa salas.
"Bakit ka late nakauwi?" usisa ni Mamita.
Alam ni Mamita ang schedule ko sa school tsaka kapag may school works na kailangan tapusan after class ay sinasabi ko agad sa kanya.
"Pinamilihan ko ng groceries sina Riley.."
"I'm sure, tumanggi 'yong batang 'yon?"
Tumango ako, "Alam mo naman 'yong bestfriend kong 'yon masyadong mabait at mahiyain.."
Kilala ni Mamita ang magkakapatid. Hindi lang talaga madalas makapunta dito si Riley sa'min dahil na rin sa responsibilidad niya sa mga kapatid simula nang mamatay ang kanilang magulang.
Nagpahinga lang ako sandali bago pumanhik sa kwarto ko para makapagbihis at magawa na ang homework ko.
Kinagabihan ay tumawag via Video call si Mama at Papa sa'kin and this time, kasama nila sina Kuya.
"Hello, Princess!" bati nila.
"Hi.." simpleng bati ko sa kanila.
Pinagmasdan ko kung nasaan sila. Nasa sala sila. Minsan na din nila kasi pinakita sa'kin ang buong bahay nila.
"How was your day?" nakangiting tanong ni Kuya Richard, pangalawa siya sa triplets na Kuya ko.
"Ayos lang naman.." simpleng sagot ko, hindi masuklian ang ngiti sa mukha niya, "Kayo d'yan, Kuya, kumusta?" tanong ko.
"We're good here,Princess.." nakangiting sagot ni Kuya Richmond, pangatlo sa triplets.
Halata nga.. Gusto ko isatinig 'yon.
"Napatawag kayo?" tanong ko. Walang mababakas na emosyon.
"It's our off today and we missed you na. Hindi ka namin nakakausap dahil masyado kaming busy sa trabaho.." anang ni Kuya RichJohn, ang panganay sa'min at panganay sa triplets.
Hindi ako sumagot at tumango nalang. Alof na ako sa mga kuya ko simula ng mamulat na iniwan nila ako dito. Hindi nila napapansin 'yon. Nilalayo ko ang sarili ko sa kanila.
"Graduation mo na pala next year.." nakangiting anang ni Mama na sumingit mula sa likod ng sofa, pero agad napalitan ng lungkot 'yun, "We didn't know if makakauwi kami d'yan.."
Napatitig lang ako. I'm not even surprise at what she've said.
"But don't worry 'nak, gagawa kami ng paraan and maybe, we can file a leave agad for next year.." agap ni Mama.
"Yes, Mom is right. We really busy, tambak ang works namin lalo na at may project na gagawin ang pinapasukan naming firm kaya masyado na kaming busy dahil sa paghahanda—" si Kuya Richjohn na agad kong pinutol.
"Kahit h'wag na kayo umuwi.." putol ko. Natigilan silang lima, "Sanay na akong wala kayo. H'wag na kayo mag-effort na magleave para lang makasama ako sa graduation.."
Umiling ang mga Kuya ko, "No, hindi pwede. Kailangan nasa graduation mo kami—"
"Sabi ko ngang kahit h'wag na!" singhal ko kay Kuya Richjohn at nasaksihan uli silang matigilan, "Sanay na akong wala kayo sa mga importanteng okasyon ko! Kaya huwag na kayo magsayang ng panahon na umuwi— ang maganda ay mag-ipon nalang kayo ng pera at 'yun ang ipadala niyo sa'kin!"
Hindi sila nakapagsalita. Halatang nagulat sa pagsabog ko. Ngayon ko lang sila sinigawan ng ganito.
"May gagawin pa ako." Saad ko.
"O-Okay, we will call you again tomorrow—' pinutol ko uli kay Mama.
"Kahit h'wag na." putol ko at agad na tinapos ang video call ko namin.
Agad kong nilog-out ang lahat ng SNS ko para hindi nila matawagan. Malamang ang sa cellphone number ko sila tatawag pero kaya ko naman iignora 'yomn or, pwede akong magpalit ng simcard.
Agad akong sumubsob sa unan ko at doon ay umiyak nang umiyak. Iniyak ko ang sama ng loob ko sa family ko.
**